Pages

Tuesday, May 7, 2013

Dagdag na pulis, sundalo itinalaga sa Bulacan





MALOLOS—Halos 200 pulis at sundalo ang itinalaga sa Bulacan bilang paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo 13.

Ito ay karagdagan sa mga nakatalaga ng pulis sa 21 bayan at tatlong lungsod sa lalawigan.

Ang pagtatalaga sa mga pulis at sundalo ay isinagawa noong Sabado, Mayo 4 o siyam na araw bago isagawa ang halalan.

Ayon kay Senior Superintendent Joel Orduna, ang nanunuparang direkto ng pulisya sa Bulacan, ang pagtatalaga ng dagdag na sundlo at pulis ay upang matiyak ang pagiging payapa at maayos ng isasagawang halalan.

Sinabi niya na ang mga pulis at sundalo ay magbabantay sa bawat polling centers o mga lugar na pagsasagawaan ng halalan tulad ng mga kapilya at paaralan sa 569 barangay sa lalawigan.

“Gusto naming matiyak na mananatiling sagrado ang botohan at balota,” ani Orduna at sinabing 100 pulis na nakatalaga sa Kampo Heneral Alejo Santos sa Lungsod na ito ay itatalaga samga polling centers.

Bukod dito, magtatalaga rin ng mga sundalo mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Gayunpaman, hindi ibinulgar ni Orduna ang bilang ng sundalong itatalaga.

Hinggil naman sa sitwasyon sa lalawigan isang linggo bago maghalalan, sinabi ng direktor ng pulisya na nananatiling payapa ang Bulacan.

Gayunpaman,sinabi niya na tinututukan nila ngayon angmga bayang nagsisilmula ang pagalan sa “San.”


Ito ay angmga bayan ng San Miguel, San Ildefonso, San Rafael at Lungsod ng San Jose del Monte.

Ang pagbabantay ng pulisya sa mga nasabing bayan ay kaugnay ng mainit na takbo ng pulitika dahil sa mga magkakatunggaling kandidato.

Hinggil naman sa pagpapatuipad ng gun-ban, inihayag ni Orduna na umaboty na sa 104 ang bilang ng barilna kanilang nakumpiska mula ng magsimula hanggang nitong Huwebes, Mayo2.

Sinabi niya na ang mga baril ay karaniwang nakumpiska sa mga checkpoints.

Ayon kay Orduna, malaki ang posibilidad na tumaas pa ang biling ng nakumpiskang baril dahil halos araw-araw ay may nakukumpiska sila.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, nakakumpiska ng mataaas na kalibre ng baril ang pinasanib na puwersa ng pulisya at sundalo mula s amga naarestong hinihinalang kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA). (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment