Pages

Friday, May 17, 2013

Depektibong PCOS papalitan sa 2016




HAGONOY, Bulacan—Posibleng palitan ang mga depektibong Precinct Count Optical Scan (PCOS) na ginamit sa katatapos na halalan bago dumating ang 2016.

Ito ang buod ng pahayag ng mataas na opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa lalawigan kaugnay ng pagsasagawa ng halalan noongLunes, Mayo 13 kung saan ay naging tampok ang samut-saring problema sa PCOS machines.

Ang mga problema sa PCOS ay ipinahatid sa Mabuhay ng mga guro, botante, maging ng mga opisyal ng Comelec sa Bulacan.

Bukod irito, naging saksi rin ang Mabuhay sa pagbabara ng balotang ipinasok sa PCOS machine na gamit sa presinto sa bayang ito kung saan ay bumoto sina Gob. Wilhelmino Alvarado at ang kanyangmay bahay na si Kint. Marivic Alvarado.

Ang iba pang ulat ay isinahimpapawid naman ng Radyo Bulacan na nagsagawa ng isang marathon broadcast bilang pagsubaybay sa pagsasagawa ng halalan mula Linggo ng hapon hanggang Martes ng madaling araw o Mayo 14.

Ayon kay Abogado Elmo Duque, provincial election supervisor sa Bulacan, posibleng palitan na ang mga PCOS na nagkaroon ng problema sa katatapos na halalan bago isagawa ang halalan sa 2016.

Gayunpaman, itinanggi niya na ang dahil ng PCOS ay sahil sa pagiging luma nito at mahabang panahon ng pagkakaimbak sa bodega.

“Mas malamang ay dahil sa pagkaka-alog niyan sa biyahe mula sa bodega patungo sa mga presinto, o kaya ay sa init ng panahon,” ani Duque.

Ipinaliwanag niya na sensitibo ang mga piyesa ng PCOS na unang ginamit sa halalan noong 2010.

Bukod sa PCOS, nagkaproblema sin ang compack flash (CF) cards ng ilang PCOS dahil hindi ito mabasa ng makina.

“Sabi ng technicians naming ay sobrang sensitive ng mga CF cards kaya nakabalot iyon sa aluminum,” sabi ni Duque.

Ilan samga lungsod at bayan sa lalawigan ng Bulacan na nakapagtala ng problema sa PCOS at CF cards aya ng mga lungsod ng  San Jose Del Monte, Meycauayan, Malolos, at mga bayan ng Baliwag, Balagtas, Bulakan, Guiguinto, Hagonoy, Marilao, Plaridel, San Rafael, Bustos, Paombong at Obando.

Ayon kay Joy Fernandez-Ramos ng Barangay Look 1st sa lungsod ng Malolos, pagbubukas pa lang ng kanilang presinto ay nagproblema na sa PCOS.

Dahil dito, pinalitan ang PCOS sa kanilang presinto  ngunit sa kabila nito, hindi pa rin nagamit ang ipinalit na makina.

Sa bayan ng Obando, nagpahayag ng pagkadismaya ang mga guro dahil sa problema saPCOS.

Ayon kay Franceline Bautista, isang guro ng Obando National High School, may mga PCOS na nag-jam o nagbara, mayroon ding nag-overheat o uminit ang makina.

Gayunn ang naging kalagayan sa bayang ito, partikular na sa presinto kung saan bumoto sina Gob. Alvarado noong Lunes.

Sa pagmamasid ng Mabuhay, habang bumoboto sina Gob. Alvarado at Kint. Marivic, nag-jam ang PCOS sa kanilang presinto kaya’t ginamitan itong patpat upang sundin ang balota at tuluyang mahulog sa ballot box na nasa ilalimng PCOS.

Ayon sa technician ng Comelec, puno na ang ballot box ng balita kaya ayaw mahulog ang balota na ipinasok sa PCOS.

Sa iba pang bayan sa lalawigan, naitala rin ang pag-iinit ng mga PCOS machine.

Ayon kay Duque, ito ay sanhi ng mainit na panahon.

Ngunit sa pagmamasid ng Mabuhay, makulimlim ang papawirin sa lalawigan noong araw ng halalan.

Dahil naman sa nag-init ang ilan samga PCOS sa Bulacan, tinapatan ito ng mga gurong kasapi ng Board of Election Inspector  (BEI) ng bentilador.

Ngunit sa kabila nito, marami pa ring PCOS ang nagkaproblema.

Matatandaan na ang PCOS ay unang ginamit sa halalan 2010.

Batay sa impormasyong nakalap ng Mabuhay mas maramig PCOS ang nagproblema sa katatapos na halalan kumpara noong 2010.

Dahil dito, marami ang nagpahayag na isa sa posibilida dng hindi maayos na operasyon ng PCOS ay ang edad nito at ang matagalna pagkakaimbak sa bodega sa Sta. Rosa, Laguna. 

Kaugnay nito, iginiit ni Duque na hindi makakabawas sa krebilidad ng halalan ang mga depektibong PCOS.

Binigyang diin niya na “wala namang dayaan” ngunit inamin niya na”nadedelay lang yung proseso ng halalan.”  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment