Pages

Tuesday, May 7, 2013

Di na kandidato si Salim, pinal na ang desisyon ng Comelec





MALOLOS—Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) noong Miyerkoles, Mayo 1 na hindi na kandidato si Sahiron Salim dahil pinal na ang desisyon ng Comelec en Banc.

Ang retiradong opisyal ng pulisya na si Salim ay isa sa dalawang kandidato na nagsumite ng Certificate of Candidacy (CoC) noong Oktubre sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Bulacan.

Ang ikalawang kandidato sa pagka-kongresista at si Kintawan Marivic Alvarado, ang kasalukuyang kongresista ng unang distrito.

Ayon kay Abogado Elmo Duque, provoicial election supervisor ng Bulacan, nilinaw niya sa Comelec En Banc ang inilabas na desisyon noong Enero na nagdeklara sa retiradong pulis bilang isang nuisance candidate.

“Hindi na siya kandidato, pinal na ang desisyon ng Comelec En Banc, in the point of law, wala siyang standing,” sabi Duque.

Binigyang diin niya na batay sa Republic Act 9523, ang sinumang kandidato na idineklarang nuisance candidate batay sa sariling inisyatiba ng Comelec ay hindi na makakapaghahabol ng motion for reconsideration (MR).

“Sa ilalim ng batas, pag motu propio o sa inisyatiba ka ng Komisyon nadeklarang nuisance candidate,pinal na yun, hindi na pwede ang MR,” ani Duque.

Iginiit pa niya na kahit may sinasabing MR siSalim,hindi iyon ikukundsidera ng Comelec En Banc, dahil sa itinatakda ng batas.

Bukod rito, sinabi ni Duque na nakipag-ugnayan din siya sa Comelec Law Department upang kumpirmahin ang sinasabi ni Salim na nagsumite siya ng MR noong Pebrero.

Ngunit sinabi ni Duque na ayon sa Comelec Law Department, wala silang natanggap na MR mula kay Salim.


Matatandaan na noong Biyernes, Abril 26 ay dumalo sina Salim at Duque sa isinagawang  Kapihan 2013 na inorganisa ng Bulacan Press Club.

Sa pagtatanong ng Mabuhay, sinabi ni Salim na hindi pa siya diskwalipikado ay iginiit na hindi pa inaaksyunan ng Comelec En Banc ang kanyang isinumiten MR.

Tinanong din ng Mabuhay noong araw na iyon sa uque, ngunit sinabi ng Abogado na hindi niya alam na may MR si Salim at hindi niya alamnoong pagkakataong iyon ang kalagayan ng kaso nito.
Una rito, inilabas ng Comelec En banc ang isang desisyon laban kay Salim na nagdeklarang isa itong nuisance candidate.

Sa nasabing desisyon, sinabi ng Comelec na halos tuwing magkakaroon ng halalan ay kumakandidato si Salim sa ibat-ibang lugar.

Una ay noong 2010 kung kailan ay kumandidato siya bilang gobernador ng lalawigan ng Sulu ngunit natalo.

Noong 2011, nagsumite rin siya ng CoC para sa halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM),ngunit hindi natuloy ang halalan.

Ang pinakahuli ay noong Oktubre kung kailan ay nag-file si Salim ng CoC sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Bulacan laban kay Kint.Marivic Alvarado.

Dahil sa pagkadiskwalpika kay Salim, lumabas na walang kalaban si Kint. Alvarado.

Maging si Gob. Wilhelmino Alvarado na asawa ni Kint. Alvarado ay wala ring kalaban dahil idineklara ding nuisance candidate ng Comelec En Bac sina Jaime Almera at Ernesto Balite.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment