Pages

Tuesday, May 7, 2013

LIHAM PASTORAL: Huwag iboto ang mga kandidato laban sa turo ng simbahan




MALOLOS—Huwag iboto ang mga kandidatong laban sa buhay at pamilya

Ito ang buod ng dalawag pahinang liham pastoral na inilabas noong Linggo, Abril 28 ng Diyosesis ng Malolos kaugnay ngnalalapit na halalan sa Mayo 13.

Ang nasabing liham pastoral na nilagdaan ni Obispo Jose Francisco Oliveros ay binasa sa lahat ng parokyang nasa diyosesis sa lalawigan ng Bulacan at Lungsod ng Valenzuela na dating bahagi ng Bulacan.

Sa nasabing liham, binigyang diin ni Oliveros na  hindi dapat iboto ng mga katoliko ang kandidatong laban sa buhay at pamilya.

Ang kanyang tinutukoy ay ang mga kandidatong pumabor sa pagpapatibay ng batas sa Reproductive Health (RH) at mga kandidatong nais magsulong ng mga batas para sa diborsiyo, same sex marriage,aborsyon, at euthanasia o mercy killing.

Iginiit pa ng Obispo na hindi dapat iboto angmga kandidatong nagsulong pagtatayo ng landfill sa Bulacan, maging ang mga  simapahan ng kasong graft at corruption, at mga sangkot sa iligal na pagmimina, iligal na pangingisda, illegal logging, mga kasapi ng dinastiyang pampulitika, at maging ang mga may kabit o kulasisi o kalaguyo.

“Ito ang aking panawagan sa lahat ng mga layko ang kusa at malayang pagtugon sa gawaing ito,” sabi ni Oliveros sa kanyang lihamat idinagdag pa na, “dapat tumulong ang mga laikong kalalakihan at kababaihan namay mataas na katungkulan sa ating lipunan sa paghubog ng budhinh panlipunan ng botante at dapat silang kumilos upang hayagang suportahan ang pagkakahalal sa mga katungkulang pampublikong mga pinunong may wagas na katapatan.”

Sa nasabing liham, ipinaliwanag ni Oliveros na hindi partisan o walang kinilingan ang kanyang mensahe, sa halip iyon ay pagkilala sa mga kandidatong patuloy na kumikilala at nagbibigay suporta sa katuruan ng simbahan.

Ipinalala rin niya sa bawat katoliko, na sa pagpili ang kandidato sa halalan sa Mayo,ang mga botanteng katoliko ay dapat “may alam,” may  “Paki-alam,at may “pakikialam”.

Ito ay nangangahulugan ng pagpapataas ng antas ng kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri at pananaliksik sa uri ng pagkatao ng kandidato at maging sa kapaligiriang panglipunan.

Sa pagsuri ng mga kandidato, ipinayo ni Oliveros angmga batayang “5 C” o ang “conscience, character, competence, compassion at commitment.”

“Marapat lamang na ang botanteng katoliko ay mapag-isip, mapanuri,at mapagsaliksik sa uri ng pagkatao ng isang pulitiko,”sabi ng Obispo.

Hinggil naman sa sinasabing Catholic Vote, inilarawan niya ito na ay “isang puwersang espiritwal na dapat mapanuri sa laranganng lipunan, pjulitika at kultura upang manindigan, bumatikos, magpadalisay omagpatibay ayon sa liwanag ng Salita ng Diyos.”



Binigyang diin pa niya na, “ang botong katoliko ay pagtutol,hindi pagboto sa mga pulitiko na ang programa at panuntunan ay laban sa pananampalataya at moral ng Katoliko.”

Samantala,ialng tagamasid sa pulitika sa lalawiganna ilang sa mga kandidatong nasaling ng liham pastoralay angmag-asawang Gob. Wilhelmino at Kint. Marivic Alvarado.
 
Ito ay dahilsa pananaw na ang mag-asawa ay nabibilang sa dinastiyang pampulitika,si Kinatawan Alvarado ay bumoto ng pabor sa RH law.

Ilan pang mga kandidatong nasaling ng liham ay si Mayor Patrick Meneses ng Bulakan na nabibilang sapamilyang namuno sanasabing bayan sa loob ng mahigit 50 taon; Mayor Feliciano Legazpi ng Niorzagaray na nagpabalik-balik na sapuwesto at ngayon ay runningmate ang kanyang anak.

Maging sina Mayor Joan Alarilla ng Lungsod ng Meycauayan at Ronaldo Flores ng bulubunduking bayan ng Donya Remedios Trinidad ay tinamaan din.

Ito ay dahil sa si Alarilla ay nasampahanng kasong plunder sa Ombudsman samantalang si Flores ay nasuspinde noong nakaraang taon.

Sa bayan ng Obando, tinamaan din si mayor Orencio Gabriel dahilisa siya sa nagsulong Bulacan Sanitary Landfill sa islang barangay ng Salambao. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment