Pages

Saturday, June 15, 2013

2 Parangal muling nasungkit ng Mabuhay, 6 pa nagwagi rin sa PPI-CPA



LUNGSOD NG MAKATI—Dalawang parangalang muling tunaggap ng pahayagang Mabuhay sa katatapos na taunang Community Press Awards (CPI) ng Philippines Press Institute (PPI).

Kaugnay nito, anim pang pahayagan ang tumanggaprin ng parangal mula sa PPI kaugnay ng isinagawang ika-17 National Press Forum sa New World Hotel na matatagpuan sa Lungsod na ito noong Hunyo 13 hangang 14.

Ang iba pang tumanggap ng parangal ay ang mga lingguhang pahaygang Baguio Midland Courier, The Bohol Chronicle, The Mindanao Cross.

Sa hanay ng mga pahayagang inilalathala araw, ang mga nagwagi sa PPI-CPA ay ang
Sun.Star.Cebu, Sun.Star Davao, at Edge Davao.

Ang parangal ay ipinagkaloob ng PPI  kaugnay ng ika-49 na taong pagkakatatag nito.  Ang PPI ay itinatag noong 1964.

Ang mga parangal na tinanggap ng Mabuhay ay ang Best in Science and Environment Reporting na tinaggapsa kauna-unahang pagkakataon ng pahayagang ito; at
Best in Photojournalism na tinaggap ng Mabuhay saikatlong sunod na taon .

Ang mga nabanggit na parangal ay ang ikalkima at ikaanim na parangal na tinanggap ng Mabuhay mula sa PPI sa nagdaang tatlong taon.

Ito rin ang ika-10 at ika-11 parangal na tinaggap ng Mabuhay mula sa PPI mula ng simula ang pagbibigay ng CPA sa mga lingguhang pahayagan noong 1997.

Una rito,tumanggap ng parangal na Best Edited Weekly Newspaper ang Mabuhay noong 2003, 2007, 2010, at 2011; at Best in Photojournalism noong 1998, 2005,2008, 2010, at 2011.

Para sa 2012 PPI-CPA,ang Sun.Star Cebu ang tinanghal na pinakamatagumpay matapos tumanggap ng apat na parangal.

Ang pag-araw-araw na pahayagang ay tumanggap ng mga parangalna Best in Climate Change and Biodiversity Reporting, Best in Culture and Arts Reporting, Best in Photojournalism, and Best Editorial Page.

Kasunod nila ang lingguhang Baguio Midland Courier na tumanggap ng tatlong parangal na kinabibilangan ng Best in Climate Change and Biodiversity, Best in Culture and Arts reporting at Best in Business and Economic Reporting.

Ang mga tao sa likod ng Mabuhay.
Dalawa naman ang tinanggapng ng pang-paraw-araw na pahayagang Sun.Star Davao. Ito ay ang Best in Business and Economic Reporting at Best Edited Paper
 
Iniuwi naman ng Edge Davao na inilalathala araw-araw ang parangal na Best in Environment and Economic Reporting, samantalang nagwagi ang mga lingguhang The Bohol Chronicle at The Mindanao Cross ng mga parangal na Best Editorial Page at Best Edited Paper, ayon sa pagkakasunod.

Ayon kay Abogado Jesus Dureza,ang bagong halal na tagapangulo ng PPI, ang taunang parangal ay isang simplengpagkilalala sa mataas na antas na pamamahayag na isinasagawa ng mga nagsipagwagi.

Bilang bagong tagapangulo ng pambansang samahan ng mga pahayagan, tiniyak ni Dureza na magpapatuloang PPI sa pagbibigay ng parangal sa mga pahayagan sa mga lalawigan.

Ang taunang parangalna sinimulan noong 1996 ay sinusuportahan ng mga higanteng pahayagan nakabase sa Maynila tulad ng The Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, BusinessWorld, Manila Standard Today, Malaya Business Insight at ng Philippine Journalist Incorporated ng Journal Grouop of Publications.

Ang mga nasabing pahayagan ay aysisilbing “brothers keepers” ng mas maliliit na pahayagan sa mga lalawigan.

Kaugnay nito, sinabi ni Abogado Adel Tamano,ang direkto ng Public Affairs and Communications ng The Coca-cola export Corporation (TCCEC) na ang PPI ang isa sa kanilang pinakamahalagang ka-partner.

Itio ay partikular na sa layunin ng TCCEC na magsulongng higit na kaunlaran sa mga pamayaanan.

Ang TCCEC ay nagsusulong ng mga programang katulad ng Little Red school house. Dino Balabo

No comments:

Post a Comment