Pages

Saturday, July 6, 2013

Babala ng DOH ,dengue storm nagbabadya



MALOLOS—Maghanda po tayo, may nagbabadyang bagyo, ito ay ang dengue storm.

Ito ang babalang iniwan ni Health Assistant Secretary Eric Tayag  kaugnay ng pagsasagawa ng ikatlong Regional Asean Dengue Day sa Bulacan noong Lunes, Hunyo 24.

Ayon kay  Tayag, mapanganib ang nagbabadyang dengue storm dahil maaari9ng mapagsak nito ang ekomoniya partikular na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth)

Ito ay dahil sa apat na uri ang dengue, kung saan ang type 1 ay nanalasa na sa Luzon partikular na sa Bulacan, ata ng type 2 ay nasa Visayas ang Mindanao.

Ayon kay Tayag, “its just a matter of time bagomakarating Luzon ang type 2 ng dengue.”

Ipinaliwanag ninya na ang isang tao na dinapuan na ng dengue type 1ay maari pang dapuan ng isa type nito

Ito ay nangangahulugan na kahit nagkadengue naang isang tao, maaari pa rin siyang magsakit hatid ng dengue type 2.

Dahil dito, iginiit ni Tayag ang paghahanda laban sa dengue dahil batay sa kanilang projection ay tataas pa ang mga dengue cases sa susunod na dalawang buwan.

Ito ay matapos ang pagdating mga mga bagyo na maaaring magbukas ng panibagong breeding ground sa mga lamok.

Ayon pa kay Tayag, umabot na sa 193 na ang namatay sa dengue sa bansa  hanggang nitong Hunyo 8.
Noong nakaraang taon,naitalaang pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue sa Luzon, ngunit sa taiong ito, ang mataas na bilang ay naitala sa Visayas at Mindanao.

Ito ay dahil sa paglitaw ng dengue type 2 sa Visasyas at Mindanao.

Bilang paghahanda sa paglaban sa dengue,ipinayo niya ang pagsasagawa ng 4 o’clock habit o ang paglilinis sa kapaligiran, partikular nasa mga pinamumugaran ng mga lamok.

“Kailang puksain natin ang mga lamok lalona ang kiti-kiti upang  hindi tayo ang mapinsala,” sabi ni Tayag.

Ang 4 o’clock habit ay kasunod ng religious 3 o’clock habit na tinatampukan ng pagdadasal.

Sabi ni Tayag, “[pagtapos nating magdasal n asana ay huwag tayong magkasakit ng dengue, sundan agad natin ito ng aksyon.”

Hinggil naman sa epekto ng dengue storm, ipinaliwanag niya na noong nakaraang taon ay umabot sa 175,000 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa.

“Halimbawang 100,000 na lang ang magkasakit at sila ay kasapi ng Philhelath na nagbibigay ng P8,000 sa bawat kasaping nagkasakit ng dengue, aabot sa P800-Milyon iyon,” sabi niya.

Kung grabe naman ang sakit tulad ng severe dengue, umaabot sa P15,000 ang ibinibigay ng PhilHealth, at ayon kay Tayag kung aabot sa 100,000 ang may severe dengue, aabot sa P1.5-B an gang magaastos.

“That’s a lot of money and that is the money we don’t have,” sabi niya at iginiit na kung dadami ang maysakit ng dengue, maaaring bumagsaka ng PhilHealth.

No comments:

Post a Comment