Pages

Saturday, July 6, 2013

Dagdag na distrito sa Bulacan, pultiko hindi magkasundo



MALOLOS—Hati pa rin ang pananaw ng mga halal na opisyal sa Bulacan hinggil sa panukalang paglikha ng bagong distrito sa lalawigan.

Kaugnay nito, tiniyak ang mga muling nahalal na Kongresista na sina Kint. Joselito Mendoza at Kint. Linabelle Villarica na muli nilang ihahain sa ika-16 na Kongreso ang panukalang batas na naglalayong malikha ang ika-limang distrito sa lalawigan.

Ang nasabing panukala sy tinutulan nina Gob. Wlhelmino Alvarado at Kint. Pedro pancho, ngunit sa huling panayam sa gobernador, nilinaw niya na kailangang pagplanuhan ang paglikha mga bagoing distrito sa lalawigan.

Binigyang diin pa niya na sa kabuuan, hindi siya tutol sa paglikha ng bagong distrito, ngunit binigyang diin niya na na tutol siya rito lalo na kung ang layunin sa paglikha ay personal.

Sa panayam ng Mabuhay kay Mendoza,binigyang diin ng Kinatawan na ang populasyon ng Bulacan ay umaabot na sa 3-Milyon.

“Halos tatlong milyon na ang populasyon natin at kung tutuusin ay pwede na taying magkaroon ng pito hanggang wa,long distrito, pero sa kasalukuyan ay apat lang ang congressional district natin,” ani Mendoza.

Sa pahayag ni Mendoza,ang kanyang tinutukoy ay ang Unang Distrito na binubuo ng mga bayang ng Hagonoy, Calumpit, Paombong, Pulilan,Bulacan, at Lungsod ng Malolos; ikalawang distrito na binubuo ng mga bayan ng Bocaue, Balagtas, Guiguinto,Plaridel, Baliwag, Bustos at Pandi.

Ikatlong distrito na kinabibilangan ng mga bayan ng San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Angat, Norzagaray, at Donya Remedios Trinidad; at ika-apat na distrito na kinabibilangan ng lungsod ng Meycauayan, at mga bayan ng Sta.Maria, Marilao at Obando.

Ang Lungsod ng San Jose Del Monte ay dating bahagi ng ika-apat na distrito ngunit inihiwalay namatapos mapagtibay ang paglikha sa Lone District ng nasabing Lungsod.

Iginiit pa ni Mendoza ang ilan sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng dagdag na distrito sa Bulacan.

Kabilang dito ay ay ang pagkakaroon ng dagdag na kinatawang Bulakenyo sa kongreso na nangangahulugan ng dagdag na tinig ng Bulakenyo, at dagdag na pondo mula sa priority development assistance fund (PDAF).

Sa pagsisimula ng ika-15 Kongreso noong 2010,magkasamang inihain nina Mendoza at Villarica sa Kongreso ang paglikha ng ikalimang distrito sa Bulacan.

Ang ikalimang distrito ay bubuuin ng mga mga bayan ng Norzagaray mula sa ikatlong distrito at bayan ng Sta. Maria mula sa ika-apat na distrito.

Ito ay nangangahulugan na ang panukalang ikalimang distrito ay uukitin mula sa ikatlo at ika-apat na distrito.

Ngunit ayon kina Mendoza at Villarica,ang kanilang panukala ay tinutulan ni Gob. Alvarado at kina Kinatawan Marivic Alvarado at Kint. Pedro Pancho.

“I don’t know his reasons, but as far as I’m concerned, it met all the requirements,” sabi ni Mendoza.

Inayunan din ito ni Villarica na nagsabing, “basta inoppose lang, pero hindi nilinaw ni Governor kung ano ang specific objections niya.”

Bilang kinatawan ng ikatlong distrito,sinabi ni Mendoza na ang kabuuang lupaing nasasakopng kanyang distrito ay halos kasing laki ng kalahati ng Bulacan.

“Napakalaki ng land area ng distrito ko kaya kinakapos ako ng project na inimplememnt, pero kung mas maliit ang distrito, mas maraming projects,”ayon kay Mendoza.

Kinatigan din ito ni Villarica maging ang pahayag ni Mendoza na nakatupad sa pamanatayan ang paglikha sa isang distrito ang kanilang panukala.

Ayon kay Villarica, “isa lang naman ang requirement, kailangan lang ay may population na at least 250,000.”

Sa panayam kay Alvarado, nilinaw ng punong lalawigan na ang reapportionment o pagdadagdag ng congressional district saBulacan at dapat pagplanuhang mabuti.

Binigyang diin niya na hindi siya tutol sa paglikha ng mga bagong distrito dahil ito ay maghahatid ng dagdag na pondo sa Bulacan.

Ngunit binigyang diin niya na tutol  siya sa pagdadagdag ng isang distrito na ang maguusap ay dalawang lider lang.

Kailangang upuannaming lahat yan at pag-usapan,kasi pang dalawa lang ang mag-usap ay baka pumasok na ang personal interest, eh ilegal na yan, gerrymandering na yan,” sabi ng gobernador.

Ipinaliwanag niya na bukod samga kongresista, at gobernandor, kailangan ding konsultahin sa pagbuo ng plano ang bawat alkalde sa lalawigan.

Inihalimbawa niya ang panukalang ikalimang distrito ng Bulacan na bubuuin ng Norzagaray at Sta. Maria.

“Kailangan ay long range planning, paano kung ihihiwalay ang Sta. Maria sa District 4 ano matitira sa  sa ditrito, eh  alam nating ang Meycauayan ay isang city na sa mga susunod na taon at maaring magkaroon ng Lone district tulad sa San Jose Del Monte,” sabi Alvarado.

Idinadag din niya na patuloy angpag-unlad ng Marilao at maaaring maging isang city na posibleng magkaroon din ng lone district.

Dahil dito, iginit niya na” ano ang mgayayari sa Obando, magihing lone distrito ba ang Obando? So,ang kailangan diyan ay pagplanuhan nating lahat.  Tama na 250,000 lang population requirement, pero ano ang magiging epekto nito sa pangkalahatang kaunlaran ng Bulacan,” sabi ng punong lalawifgan.

Kaugnay nito, sinabi ng baging halal na Kinatawan ng Ikalawang Distrito na Gavini Pancho na pag-aaralan niya ang nasabing panukala nina Mendoza at Villarica.

Bilang dating chief of staff ng kanyang ama na si Kint. Pedro Pancho na nagsilbing kongresista ng ikalawang distrito sa loob ng 18 taon, hindi lingid sa batang Pancho ang panukala.

Sinabi niya na tinutulan ito ng kanyang ama dahil sa “bubulabugin nito ang mga distrito” dahil sa “dampot-dampot ang kanilang ginawa.”

Bukod doon, sinabi nhg batang Pancho na hindi nakonsulta nina Mendoza at Villarica ang mga alkalde sa apektadong mga bayan at distrito.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment