Pages

Friday, July 12, 2013

Pagkakaroon ng maraming consultant sa kapitolyo, idinepensa, legal daw




MALOLOS—Ipinagtanggol ni Gob. Wilhelmino Alvarado at iba pang opisyal ang pagkakaroon ng maraming consultant o tagapayo sa kapitolyo sa pagsasabing wala silang nilalabag na batas.

Ito ay matapos kumpirmahin nina Alvarado at Bise Gob. Daniel Fernando na umaabot sa 72 ang consultant sa kapitolyo na sumusuweldo ng P10,000 hanggang P35,000 bawat buwan.

Kaugnay nito,kinumpirma din nina Alvarado at Fernando na walang paring katoliko na nagsisilbing consultant sakapitolyo katulad ng pahayag ng Diyosesis ng Malolos.

Ang usapin hinggil samaraming consultant na pinasusuweldo ng kapitolyo ay nag-ugat sa mga ulat na lumabas sa mga pang-araw-araw na pahayagan noong Miyerkoles, Hulyo 10 na may titulong “In Bulacan, bishops and priests paid honoraria as consultants.”

Ang nasabing ulat ay mula sa opisyal na ulat na inilabas ng Commission on Audit (COA) na ang sipi ay mababasa sa website ng nasabing ahensiya.

“Walang ilegal sa pagha-hire ng mga consultant, wala kaming nilalabag na batas,”ani Alvarado sa panayam sa telepono noong umaga ng Biyernes, Hulyo 12.

Nilinaw niya na walang batas ang nagbabawal sa pagkakaroon ng mga consultant, sa halip ay nakasaad ito ng LocalGovernment Code.

Sa pahayag ng goberndor, kinumpirma niya na 72 ang consultant ng kapitolyo,katulad ng iniulat ng COA.


Inamin din niya na 52 sa mga ito ay nagsisilbing consultant niya at ang 20 ay kay Bise Gob. Fernando at Sangguniang Panglalawigan.

Ayon sa punong lalawigan, 27 sa kanyang consultant ay kanyang pinili dahil sa technical nakakayahan, samantalang ang 25 ay dahil sa kanilang propesyunal na kakayahan at karanasan.

Iginiit niya na walang batas na nagbabawal sa bilang ng kukuning consultant.

Ngunit ipinahayag niya na ang bilang ay dapat akma sa pondong nakahanda.

Inayunan din ito ni Fernando  at nina Bokal Michale Fermin at Enrique Dela Cruz.

Ayon kay Fernando, mahalaga ang pagkakaroon ng mga tagapayo sa pananaw na “two heads are better than one.”

Isa sa kanyang tinukoy na consultant ng Sangguniang Panglalawigan ay si dating Bise Gob. Aurelio Plamenco na tumatanggap ng sweldong P30,000 bawat buwan.

Batay naman sa pahayag nina Fermin at Dela Cruz, ipinaliwanag nila n ang mga consultant ay mga kontraktuwal at hindi nabibilang sa mjga empleyado ng kapitolyo.

Dahil dito,hindi raw nasasakop ng civil service regulations ang mga consultant.

Ayon pa kay Fermin,angmga consultant ay maaari lamang maglingkod hangga’t kailangan ang kanilang serbisyo.

Hinggil kay Obispo Ephraim Perez ng Christian Catholic Church, sinabi ni Alvarado na ito ay kanyang kinuha hindi dahil sa relihiyon, sa halip ay dahil sa iba pang kakayahan.


Nilanaw naman ni Dela Cruz na hindi lumabag ang kapitolyo sa separation of church and state clause ng Saligang Batas sa pagkuha kay Perez.

Ayon kay Dela Cruz, ang mga tao sa simbahan magingmga pari ay maaaring maglingkod sapamahalaan,katula dni dating Pampanga Governor Ed Panlilio na isang pari.

Iginiit paniya na ang ipinagbabawal ng separation of church and state clause sa Konstitusyon ay ang pagpabor ng isang gobyerno saisang relihyon.

Samantala, sinabi ni Father Dario Cabral na ang balita hinggil sa mga consultant ay may posibilidad na pinalaki o ginawang “sensationalized.”

Bilang tagapamuno ng Commission on Social Communications ng Diyosesis ng Malolos, sinabi ni Cabral na sindayang palakihin ang istorya sa paggmit ng mga titulong  “bishop” at “priest” sa titulo ng istorya.

Inayunan din ito ni Alvarado na nagpahiwatig na ang mga naunang lumabas na ulat ay “politically motivated.”

Iginiit niya na sa mga nagdaang administrasyon sa kapitolyo, maraming mga consultant ang kinuha ng mga dating gobernador at mas matataas pa ang pasuweldo.

“Mas mataas ang ibinibigay nilang pasuweldo sa mga consultants noon,pero mas marami kami ngayon, tapos kami ang binabatikos ngayon,” sabi ng gobernador.

Inihaqyad din  niya na apat na sa mga consultant niya ang tinanggal noong Hulyo 1 kabilang dito ang isang Gerardo Borlongan.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment