Pages

Friday, July 12, 2013

Dami ng perang ebidensya sa kaso ng vote buying ikinagulat ni Brillantes



Chairman Brillantes with Mac Reyes.



MAYNILA—Ikinagulat ni Chairman Sixto Brillantes ng Commission on Elections(Comelec)  ang dami ng perang inihain bilang ebidensya sa kaso ng vote buying sa bayan ng Norzagaray, Bulacan sa katatapos na halalan.

“Ngayon lang ako nakakita ng ganoong karaming pera na cash,” ani Brillantes sa isang ambush interview bago siya pumasok sa kanyang tanggapan noong Miyerkoles, Hulyo 10.

Sinabi pa niya na nakakita siya ng malaking halaga ng pera sa nagdaang panahon ngunit iyon ay nakasulat sa tseke.

Gayunpaman, iginiit ni Brillantes, na ang kanyang nakita ay ang mga larawan ng pera na bahagi ng iprinisintang ebidensiya.

Ang mga nasabing larawan at minarkahan bilang ebidensiya ng Comelec First Division noong Miyerkoles.

Sa kabuuan, umabot sa 1,385 na piraso ng P500 papel na nagkakahalaga ng P692,500 ang iprinisinta ng mga abogado ni dating Mayor Feliciano Legazpi sa Comelec bilang ebidensya sa kasong diskwalipikasyon na isinampa laban kay Mayor Alfredo Germar ng Norzagaray.
 
Marking of evidence sa Comelec 1st Division.
Ang kaso ay nag-ugat sa naidokomentong malawakang pamimili ng boto sa North Hills Village sa Barangay Tigbe, Norzagaray noong Mayo 12 o isang araw bago maghalalan.

Ayon kay Legazpi, nagsagawang isang mini-people power ang mga residente matapos matuklasan na may malawakang bilihan ng boto sa tanggapan ng Home Owners Association sa North Hills Village.

Dahil dito,napilitang umalis ang mga coordinator ng Liberal Party at iniwan ang mga kahon ng maliit na sobreng may lamang mga pera.

Agad na ikinandado iyon ng mga residente, ngunit bago maghating gabi ay dumating ang hepe ng pulisya ng Norzagaray na si Supt. Dale Soliba at minaso ang kandado upang makuha ang pera.

Ngunit hindi agad siya nakalabas ng North Hills Village at hinarang siya ng mga residente, at inihatid sa munisipyo.

Ayon kay Legazpi, iprinisinta ni Soliba ang mga perang ebidensya kay Municipal Administrator Matilde Legazpi.

Ngunit tinangka pa raw ni Soliba na kumbinsihin ang municipal administrator huwag ipakita lahat ang ebidensiya at ang iba at paghatian nila.

Hindi pumayag ang municipal administrator na minsan ay nagsilbing alkalde ng Norzagaray.

Bukod sa mga ebidensya, nagpahayag si Legazpi na malakas ang kanilang kaso dahil na rin sa testimonya ng mga testigo.

Sa kasalukuyan, sinabi niyang may halos 300 residente ang nagbigay ng opisyal na salaysay na nagdetalye sa ibat-ibang insidente ng pamimili ng boto sanasahing bayan.

Ayon sa dating alkalde,kakaiba ang kasong kanilang inihain sa Comelec dahil walang kaso ng vote buying sa bansa ang nakapag-ipon ng kasing dami ng ebidensya at testimonya. (Dino Balabo)
Ang pagmamarka sa mga ebidensya laban kay Mayor Germar.

2 comments:

  1. this really happened.. sad but true.. hindi kaya ito ung nawawalang pork barrel? tsk.. tsk.. tuwid na landas, pagbabago? nasaan na kayo?

    ReplyDelete
  2. Jizz just a humor. Ang mga tao talaga ang diretso binabaluktot at ang baluktot dinidiretso

    ReplyDelete