Pages

Friday, July 12, 2013

Tuloy ang operasyon ng STL sa Bulacan; IRR ng PLB wala pa



Tito Inoncillo, managwr Diamon Gaming & Research Center

GUIGUINTO, Bulacan—Tuloy pa rin ang operasyon ng Small Town Lottery  (STL) sa Bulacan mahigit ang isang linggo matapos lumipas ang panukalang taning ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang bigyang daan ang Pambansang Loterya ng Bayan (PLB).

Ito ay dahil sa hanggang sa sinusulat ang balitang ito noong Hulyo 11 ay hindi pa rin napagtitibay ng Internal Rules and Regulations (IRR) ga gagamiting batayan sa para sa operasyon ng PLB.

Ang nasabing IRR ay kasalukuyang pang nirerebisa ng Malakanyang.

Gayunpaman, ang patuloy na operasyon ng STL ay posibleng maputol anumang araw kapag napagtibay na ang IRR ng PLB.

Kaugnay nito, binigyan ng pagkakataon ng PCSO ang mga kumpanyang kasalukuyang namamahala sa STL sa lalawigan na magsumite ng aplikasyon para sa napipintong operasyon ng PLB.

Ayon kay Tito Inoncillo, ang tagapamahala ng Diamond Gaming and Research Center (DGRC), ang unang taning na itinakda ng PCSO para sa operasyon ng STL ay Hunyo 30.

Ang DGRC ang operator ng STL sa 21 bayan at talong lungsod sa lalawigan. Tanging ang bulubunduking bayan ng Donya Remedios Trinidad ang walang operasyon ng STL sa Bulacan.

“Our operation is given indefinite extension, but we know that is only good until the IRR for PLB is completed,” sabi ni Inoncillo.

Nilinaw niya na ang pansamantalang [pagpapalawigan sa operasyon ng STL ay bahagi ng plano ng gobyerno na mapanatili ang kinikitang pera sa STL.

Sa huling taya ng PCSO, umaabot sa P4-Bilyong ang kinikita ng gobyerno sa operasyon ng STL sa bansa.

“Kung pinatigil nila kami noong June 30, mula noon hanggang ngayon ay wala silang kikitain,” aniya.

Bilang operator ng STL sa Bulacan sa nagdaang pitong taon, sinabi ni Inoncillo na maraming problema ang pinagdaanan ng DGRC.

Kabilang dito ay ang mga bookies at mga sinasabing parallel operationng jueteng,na kapwa ilegal.

Sa kabilanito, sinabi ni Inoncillo na nagtiwala ang mga mananaya sa STL dahil sa pagiging tapat at maayos ng kanialng operasyon.

“We are very concerned with the operations of bookies in Bulacan because it takes away livelihood of our at least 19,000 manpower,” sabi niya patungkol sa mga kubrador at mga supervisor ng STL.

Hinggil sa kanilang aplikasyon para sa PLB, sinabi ni Inoncillo na rerebisahin at susuriin pa iyon ng PCSO. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment