Pages

Sunday, August 18, 2013

VNG Rescue 184, handang tumulong at sumaklolo






HAGONOY, Bulacan—Handang-handa ang paglaban sa kalamidad ang bagong tatag na rescue group sa bayang ito na sa nagdaang dalawang taon ay sinalanta ng malawakang pagbaha.

Ang bagong tatag na pangkat ay ang Voce of New Generation (VNG) Rescue 184 na binubuo ng 30 kasapi mula sa iba-ibang barangay ng bayang ito.

Ang pangkat ay pinamumunuan ni 1Lt.Nelson Pangilinan ng Barangay San Sebastian sa bayang ding ito.

Sa panayam, sinabi ni Pangilinan na dumaan na sa ibat-ibang pagsasanay ang mga kasapi ng VNG Rescue 184 na isang sangay ng katulad na pangkat na nakabase sa Estados Unidos.

Kabilang sa mga pagsasanay na kanilang pinagdaanaan ay ang water safety and rescue, first aid at iba sa pamamagitan ng Special Forece Batalliong Philippine Army na nakabase sa Barangay Iba-ibayo sa bayang ito.

Ayon kay Pangilinan,bukod sa pagtugon sa pangangailangan sa panahonng kalamidad,ang VNG Rescue 184 ay nagsasagawa rin mga pansibikong gawain tulad medical at dental mission.

Sa kasalukuyan ang pangkat at nag-iipon ng kanilang mga gamit tuladng bangka, mga floating vest at mga first aid kits na gagamitin sa panahon ng pagsaklolo.

Ang VNG Rescue 184 ay dumalaw na sa tanggapan ni Mayor Raulito Manlapaz noong Hulyo 15 kasama sina Brigadier General Quirino Calonzo ng Armed Forces of the Philippines Reserved Command (AFPRescom) at Col. Virgilio Garcia na kapwa rin nagmula sa bayang ito.

Si Calonzo ay nagmula sa Barangay Carillo at si Garcia ay nagmula sa Barangay San Sebastian.

Ayon kay Pangilinan, suportado ng dalawang mataas na opisyal ang VNG Rescue 184 hindi lamang dahil sa sila ay nagmula sa bayang ito kundi dahil sa ang mga kasapi ng pangkat ay pawang mga kasapi ng AFP Rescom.

Bukod pa rito, sinabi ng dalawang opisyal na nais nilang tumulong anumang oras na magkaroon ng kalamidad sa bayan ng Hagonoy. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment