Pages

Tuesday, October 22, 2013

Bayanihan susi upang mawakasan ang kahirapan





ANGAT, Bulacan—Sa simula’t simula pa lamang, kumbinsido si Antonio Meloto at mga kasama na nasa pagkakaisa ang ikatatagumpay ng hangarin ng mga Pilipino para panlipunang pagbabago.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbabayanihan ng bawat Pilipino—mayaman o mahirap—at titiyaking walang maiiwan.

Sa loob ng 10 taon,ang pagkakaisang ito ay ipinakita ng Gawad Kalinga sa pagbabago sa may 2,000 mahihirap na lugar at pamayananng mga iskwater na ngayon ay may maaayos na tahanan.

Dahil sa tagumpay na ito, higit na tumibay ang paniniwala ng GK na ang bayanihan ay susi sa ikalwang bahagi ng kanilang pangarap na patuloy na pagbabago.

Ang ikalawang bahjaging ito at tinatatmpukan ng bayanihan o pagsasanib puwersa sa larangan ng negosyo at industriya.

Sa kasalukuyan ang GK ay nakikipagkapit-bisig sa mga kabataang social entrepreneurs na makakalikha ng pangmatagalang hanap buhay sa pamamagitan ng kanilang talent at kakayahan ng mga benepisaryo ng GK.

Ang pagkakapit bisig na ito ng mga kabtaang social entrepreneurs at benipisaryo ng GK ay masasaksihan sa Enchanted Farm sa Barangay Encanto ng bayang ito.

Ang Enchanted farm ay itinuturing na “Silicon Valley for Social Entrepreneurship.”

Ang Enchanted farm ay kakaiba at sustainable community kung saan ay ay maaring pag-eksperimentuhan ng ng mga social entrepreneurs ang kanilang mga innovative social ventures gamit ang business knowleged at na tinutustusan ng mga GK funding partners.

Ang mga innovative social ventures ay ipinagpapatuloy ng mga naninirahan sa GK Community na mga dating iskwater ngunit ngayon sa mga produktibong mamamayan na.

Sila ang mga pangunahin saksi at kapiling ng mga kalahok sa isinagawang Social Business Summit mula Oktubre 2 hanggang 4 sa Enchanted Farm.

Ang social business summit ay nilahukan ng may 500 social entrepreneurs mula sa ibat-ibang bansa.

Sa kanilang paglahok, ang mga social entrepreneurs ay nakipagpalitan ng mga ideya at sumubok sa iba pang opportunidad na hindi lang nakatutok sa kikitain salapi,sa halip ay sa pagbibigay ng oportunidad sa mag Pilipino at higit na magbibigay ng kakayahan ay kapangyarihan sa mga manggagawang Pinoy.

“Entrepreneurship shouldn’t just be about getting rich and living a comfortable life. It should also be about creating jobs and, ideally, contributing something to benefit society,” sabi ni Fabien Courtielle, isang estudyanteng Pranses na nagtungo sa Pilipinas dalawang taon na ang nakakaraan matapos malaman ang konsepto ng Enchanted farm.

Si Courtielle ay isa lamang sa 50 banyaga na dumalo sa Social Busness Summit.

Ang pagsasagawa ng social business summit ay naisipan ni Meloto matapos na lumahok sa Davos World Economic Forum.

Ayon kay Meloto, hinangan niya na makapagsagawa ng katulad na gawain para sa mga taong higit na makikinabang sa pagtitipon.

“If we couldn’t bring the poor to Davos, then we could bring Davos to the poor instead,” sabi niya.

Kabilang mga lumahok sa social business summit ay mga natatanging lider sa mundo ng social development tulad nina Stephen Groff, ang Vice President ng Asian Development Bank, Marco Collovati, ang CEO ng  Orangelife Industria sa Brazil, Jean-Marc Debricon, ang CEO ng Green Shoots Foundation, Jean-Francois de Lavison, ang President ng Ahimsa Fund..

Ang mga social wentrepreneur namang Pinoy na lumahokay sina Senador Bam Aquinokasama sina Jaime Ayala ng Hybrid Solutions, Mark Ruiz ng Hapinoy at Reese Fernandez ng Rags2Riches.

Ayon kay Meloto, ang GK ay naniniwala sa potensyal ng social business na maghatid ng inclusive growth sa mga umuunlad na bansa tula dng Pilipinas. Dino Balabo

No comments:

Post a Comment