Pages

Sunday, November 24, 2013

Justice by 2016 para sa biktima ng Maguindanao massacre




 
MALOLOS—Tuparin ang pangako, ipagkaloob ang katarungan sa mga biktima sa Maguindanao Massacre sa Hunyo 2016.

Ito ang nagkakaisang panawagan ng mga mamamahayag sa Gitnang Luzon ay Pangulong Benigno  Aquino III kaugnay ng ika-apat na taong paggunita sa Maguindanao massacre kung saan ay 58 katao ang pinaslang kabilang ang 32 mamamahayag.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng pag-asa si Hukom Jocelyn Solis Reyes, na posibleng makamit ng mga biktima ang hinahangad na katarungan bago bumaba sa kanyang puwesto si Pangulong Aquino sa Hunyo 30, 2016.

Ang panawagan para sa katarungan sa darating na 2016 ay binigyang diin ng mga mamamahayag at mag-aaral sa Bulacan at Pampanga kung saan isinagawa ang paggunita noong Nobyembre 21 at 22 ayon sa pagkakasunod.

Sa panayam ng Mabuhay kay Fred Villareal ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Pampanga chapter, binigyang diin niya na sa paghiling ng katarungan, dapat ay may nakatakdang panahon.

“Kailangan ay timebound ang ating demand,” sabi ni Villareal ng makapanayam sa telepono noong Martes,Nobyembre 19.

Iginiit pa niya na simula sa Enero ay sisimulan na ng mga sangay ng NUJPang pagbibigay ng countdown para sa kampanyang “Justice by 2016.”

Ito ay tatampukan ng buwanang paggunita sa Maguindanao Massacre na isasagawa tuwing ika-23 ng buwan.


“We cannot have a countdown kung walang malinaw na panahon na dapat itong matupad,” sabi ni Villareal.

Gayundin ang naging paninindigan ng sangay ng NUJP sa Bulacanna kanilang inihayag sa pamamagitanng isang pahinang ;pooled editorial na inilabas na noong Nobyembre 21 kaugnay ng paggunita sa Maguindanao Massacre na isinagawa sa harapng bantayog ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa harapng kapitolyo sa lungsod na ito.

Sa nasabing pahayag, sinabi ng NUJP-Bulacan na ”hinahamon natin ang administrasyong Aquino na tiyakin na makakamit ang katarungan para sa mga biktima sa Ampatuan massacre bago siya bumaba sa tungkulin sa Hunyo 2016.”

Hinamon din ng NUJP Bulacan ang mga  ang administrasyong Aquino at iba pang mga lokal na opisyal na tiyaking ang maayos na working envitonment para samga mamamahayag sa bansa.

Samantala, iginiit ni Rommel Ramos, station manager ng Radyo na Bulacan na samantalang humihiling ng katarungan ang mga mamamahayag sa 2016, dapat ding tiyakin ng pamahalaan ang zero casualty o wala ng mamamahayag na papaaslanging mula ngayong hanggang 2016.

Ito ay nangangahulugan din ng responsableng pamamahayag sa hanay ng mga mamamahayag.

Ang magkakaugnay na panawagang ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga mamamahayag na pinaslang sa bansa.

Batay sa huling tala ng NUJP,umabot sa 157 ang pinaslang na mamamahayag sa bansa mula noong 1986.


Ito ay higit na mas mataas sa naitalang 153 noong nakaraang taon.

Para naman sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ),  at Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), binigyang diin nila ang bhilang ng mga mamamahayag na pinaslang sa panahon ng panunungkulan ng bawat pangulo ng bansa.
           
Batay sa pag-aaralng PCIJ at CMFR, umaboty na sa 23 mamamahayag ang pinaslang sa loob ng 40 buwang panunungkulan ni Pangulong Aquino.

Ang nasabing bilang ay mas mataas sa naitalang 21 mamamahayag na pinaslang sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Corazon Aquino; dating Pangulong Fidel V. Ramos (11), at dating Pangulong Joseph Estrada (6).

Sa panahon naman ng siyam na taong panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo,umabot sa 80 ang bilang ng pinaslang na mamamahayag, kasama ang 32 sa Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Ang nasabing araw at itinakda rin ng International Freedom of Expression Xchange (IFEX) bilang International Day to End Impunity (IDEI).

Ang impunity ay nangangahulugan ng kawalan ng napaparusahan sa pamamaslang sa mga mamamahayag. Dino Balabo

No comments:

Post a Comment