Pages

Sunday, November 24, 2013

Donasyon ng Bulakenyo inihatid na sa biktima ng bagyong Yolanda



 
MALOLOS—Nakipagsabayan ang mga Bulakenyo sa mayayamang bansa sa pagbibigay ng mga donasyong pera at gamit sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.

Tampok dito ang pag-iipon ng SM Supermall ng P100-M calamity fund, pagpapadala ng kapitolyo ng mahigit 100 katao upang tumulong, bukod pa sa pag-iipon ng mga donasyon na tinugon maging ng mga mag-aaral at pahayagang pampaaralan.

Hindi rin nagpaiwan ang ilang mamamahayag sa lalawigan sa pagpapahatid ng tulong sa mga kaibigang mamamahayag sa Samar.

Samantala, tuluyan ng tumulak noong Sabado, Nobyembre 23 patungong Samar at
Leyte ang mahigit 100 kataong delegasyon ng Bulacan.

Ito ay matapos maantala ang biyahe na unang itinakda n oong Nobyembre 19  at muli noong Nobyembre 21.

Ayon kay Gob. Wilhelmino Alvarado ang pagpapahahatid ng delegasyon ng lalawigan ay bilang bahagi ng pag-ayuda para sa mas mabilis na pagbangon ng mga biktima ng bagyo.

“Kapag tayo ang tinamaan ng kalamidad, tayo ang kanilang tinutulungan, ngayon ay pagkakataon natin na ibalik ang pabor,” sabi ng gobernador.

Ang delegasyon ng Bulacan ay binubuo ng mga duktor,narses at mga piling frescue group sa lalawigan ng Bulacan.

Sila ay mananatili sa Samar at Leyte sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Ayon kay Provincial Administrator Jim Valerio, ang delegasyon ng Bulacan ay hindi aasa sa mga pupuntahang bayan.

Ito ay nangangahulugan na kasama sa paghahatid ng tulong ng lalawigan ay ang mga gagamitin gamot, kagamitan at mga pagkain at inumin ng mga bumbuo ng delegasyon.

Ayon kay Valerio, 10 trak at limang ambulansiya ang ipinadala ng Bulacan sa Samar at Leyte.

Bukod dito, may dala na ring krudo at gasolina ang delegasyon na gagamitin sa mga sasakyan.

Sa pagtulak ng delegasyon ng lalawigan, kasamana rin nilang ihahatid ang mga donasyong sinimulang inipon mula noong Nobyembre 23.

Ngunit ayon kay Valerio, magpapatuloy ang kapitolyo sa pagtanggap ng donasyon hanggang Nobyembre.

Ang panawagan ng kapitolyo para sa mga donasyon ay tinugon ng mga pamahalaang lokal sa lalawigan, maging ng mga pribadong Bulakenyo ay mga samahan.

Kasam rito ang Christiaan Brother International (CBI) na binubuo ng mga mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU).

Maging ang mga bumubuo ng The Communique, ang opisyal na pahayag ng BulSU College of Aerts and Letters ay nag-ipon din ng mga donasyon ay inihaatid sa kapitolyo.

Samantala, inihayag ng SM City Supermall na na nag-iipon din sila ng mga donasyon para ihatid sa mga nasalanta ng bagyo.

Sa opisyal na pahayag sinabi ng SM Supermalls na mag-iiponsila ng calamity fund na umaabot sa P100-M.

Ang nasabig pondo ay inihahanda para sa pagpapatayo ng bahay, paaralan, mga community center, simbahan at parasa pagkain ng mga biktima.

“We just opened the Operation Tulong Express here at SM City Marilao,” ani Gladiz May Lariza ng SM City Marilao.

Iginiit pa niya na may Operationtulong center din silang binuksan sa iba pang mga sangay partikular na sa Baliwag.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment