Pages

Saturday, December 14, 2013

DAM BREAK DRILL: Hindi isang pananakot, ito’y paghahanda



 
MALOLOS –Pinabulaaanan ng matataas na opisyal sa lalawigan  ang alegasyon na ang pagsasagawa ng earthquake at dam break drill ay walang silbi at isang pananakot lamang.

Sa halip binigyang diin nila na lubhang kailangan ang pagsasagawa nito upang maihanda ang Bulakenyo sa posibleng pagkasira ng Angat Dam na maaaring maghatid ng di masusukat na pinsala ari-arian,imprastraktura,kapaligiran bukod pa sa pagkasawi ng daan libong buhay.

Ayon kay Gob.Wilhelmino Alvarado,ang babala sa posibleng pagkasira ng Angat Dam ay unang ipinabatid sa Bulacan noong 2009 ni Dr. Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology at Seismology (Phivolcs).

Sa pahayag ni Solidum, dapat paghandaan ng lalawigan ang pinakagrabeng sitwasyon o worst scenario dahil ang Marikina West Valley Faultline  ay nakahimlay may 200 meto lamang ang layo sa dike ng Angat Dam.

Bukod dito, nakumpirma din sa mga sumunod na pag-aaral ng mga dalubhasa ng Tonkin and Taylor International  (T&T)at Engineering Development Corporation of the Philippines (Edcop) na ang splay o sanga ng MWVF ay nasa ilalim ng isang dike ng Angat Dam.

“Hindi sa nananakot tayo, ang national government ang nagbigay ng babala sa atin, kaya naman tayo ay kumukilos ngayon para paghandaan ang panganib na anuamng oras ay maaaring dumating,” sabi  ni Alvarado.

Binigyang diin pa niya na dahil sa babalang hatid ni Solidum, naghanda na ng pondong P5.7-Bilyon si Pangulong Aquino para sa rehabilitasyon o pagpapatibay sa dam.

Una rito, nagpalabas ng $1-Milyon ang pamahalaang pambansa para sa pagsasagawa ng pag-aaral ng T&T at Edcop noong huling bahagi ng 2011 at natapos noong Mayo 2012.

Ayon kay Alvarado, habang hininhintay ng Bulacan ang pagpapakumpuni sa Angat Dam ay dapat kumilos ang bawat isa sa paghahanda.


Ito ay dahil may posibilidad nab ago o habang kinukumpuni ang dam ay maaaring gumalaw ang WMVF at maglikha ng lindol na may lakas na 7.2 magnitude.

“Naniniwala tayo na nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa,” sabi ni gobernador, “habang naaawa ang Diyos sa atin at hindi hinaahayaang masira ang Angat Dam, gawin naman natin kung ano ang humanly possible tulad ng paghahanda.”

Inayunan din ito ni Bokal Micahel Fermin ng Unang distrito ng Bulacan na nagsabing, lubhang kailangan ang pagsasagawa ng earthquake at dam break drill, lalo na samga lugar na palagiang tinatamaan ng kalamidad.

Ayon kay Fermin, sa bawat kalamidad, buhay at kamatayan ang nakataya

Dahil dito, posible ang kaligtasan kung alam ng bawat mamamayan ang gagawin sa panahon ng kagipitan.

Ito rin ang sinabi ni Alvarado at nina Liz Mungcal ang hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO ) at ni Jojo Tomasm, ang pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Calumpit,.

Ayon sa kanila, hindi dapat isantabi ang pagsasagawa ng earth quake at dam break drill.

“Bahagi yan ng Emergency Action Plan (EAP),” sabi ni Mungcal.

Iginiit pa niya na ang ibang mga dam sa bansa tulad ng Binga, Ambuklao, San Roque at Pantabangan ay may sariling mga EAP.

Subalit sa kabila nito, hindi pa nakapagsasagawa ng dam break drill ang mga lalawigan na nakakasakop sa mga nasabing dam.

“Ang Bulacan ang kauna-unahang lalawigan ng magsasagaw ang dam break drill dahil kinikilalal natinang panganib na posibleng puminsala sa atin,” sabi  Mungcal.

Iginiit pa niya na kung sakaling lilindol at masisira ang Angat Dam, tinatayang may tatlo hanggang limang oras ang mga Bulakenyo upang lumikas at lumayo sa posibleng daanan ng raragasang tubig.

Ayon kay Mungcal, maikli lamang asng panahong ito at ang kaloigtasan ng bawat tao ay nakabatay sa pagkakaunawa sa mga dapat gawin sa oras ng kagipitan.

Dahil dito, binigyang diin niya ang kahalagahan ng mga pagsasanay sa paghahanda tulad ng earthquake at dam break drill. 

Una rito, ilang Bulakenyo ang nagpahayag na ang pagsasagawa ng earthquake at dam break drill ay walang silbi at isang pananakot lamang.

Ito ay bilang tugon sa mga balitang inilathala ng Mabuhay Online at ng Mabuhay Newspaper-Bulacan fan page sa Facebook.com

May mga nagsabi rin na dapat ay kumpunihin na agad ang Angat Dam upang hindi na magsagawa ng mga drill. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment