Pages

Saturday, May 3, 2014

5 kinasuhan sa sa pagnanakaw at pagpatay sa inhinyerong Hapon


 

MALOLOS—Limang suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa isang Japanese engineer sa San Miguel, Bulacan noong Lunes ang kinasuhan noong Miyerkoles, Abril 30 sa Provincial Prosecutor’s Office sa Lungsod na ito.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Bartolome Alvaro, Junior Cascano at Armand Lubong na bayaw ni Alvaro. Sila ay pawang naaresto na.

Ang dalawang suspek na kinasuhan ngunit nakalalaya pa ay nakilalang sina alyas Rosendo Cascano alyas “Kalbo” at Jaypee Gunayan alyas “Denden.”

Ang limang suspek ay sinampahan ng kasong robbery with homicide matapos pagnakawan at mapatay ang binatang Japanese engineer na si Katsushige Fujinaga, 60.

Ayon kay Superintendent Fitz Macariola, hepe ng pulisya ng bayan ng San Miguel, naganapang insidente sa kahabaan ng Daang Maharlika Highway sa bahagi ng Barangay Sacdalan sa bayan ng San Miguel noong Lunes, Abril 28 bandang ika-7:30 ng gabi.

Ang Barangay Sacdalan ay matatagpuan di kalayuan sa hangganan ng San Miguel, Bulacan at Lungsod ng Gapan sa Ecija.

Ito ay naganap matapos sunduin nina Alvaro at Ronald Yebes ang inhinyerong Hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Martes sa ganap na ika-2:30 ng hapon upang ihatid sa tahanan ng kasintahan nito sa Lungsod ng Cabanatuan sa Nueva Ecija.

Ang kanilang sinakyan ay isang itima na Toyota Vios na may plakang NQU 691.

Ayon sa salaysay ni Alvaro sa pulis, binunggo ang kanilang sasakayanng isang tricyclesa kahabaanng Daang maharlika Highway sa Barangay Sacdalan at hinoldap sila ng apat na kalalakihang nakasakay sa tricycle.

Pilit na inagawa ng mga suspek ang pera at kagamitan ni Fujinaga ngunit tumutol at nanlaban ito.

Dahil dito, pinagsasaksak ng mga suspek ang inhinyero na naging sanhi ng biglang pagkamatay nito.

Ngunit hindi nakumbinse ang mga imbestigador sa salaysay ni Alvaro dahil maluwag at walang traffic sa kahabaan ng Daang Maharlika Highway noong Lunes ng gabi.

Bukod dito, sa imposibleng abutan ng isang tricycle ang sinasakyang Toyota Vios ng biktima.

Di nagtagal, umamin si Alvaro na sangkot siya sa insidente at itinuro ang pinagtataguan ng apat pang kasamahan na nagbunga ng pagkakaresto sa dalawa pa.

Naaresto sina Cascano at Lubong sa Barangay Tigpalas, San Miguel kung saan narekober ang tricycle na may plakang 3802-DO na ginamit na get-away vehicle,maging ang kutsilyong hinihinalang ginamit sa pagpatay sa Hapon.
.
 Narekober din ng pulisya ang halagang 273,000 yen; cash na P18,000, $56 na cash, isang Sony Vaio laptop, gintong relo at iba pang mahahalagang gamit.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sina Alvaro at Lubong ng nagplanong nakawan ang biktima, ngunit iginiit ng mga ito na di nila planong patayin ang Hapon.

Ayon kay Macariola, kinasuhan na nila ang mga suspek maliban kay Yebes.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery with homicide ang mga suspek samantalang hinahanap pa sina Rosendo Cascano at  Gunayan.

Nakipag-ugnayan na rinang pulisya sa Embahada ng Japan sa Maynila upang makapagsagawa ng awtopsiya sa katawan ng biktima. Dino Balabo

1 comment:

  1. Baccarat | Free Online Betting in Canada | FBCasino
    Enjoy your 바카라 사이트 bonus now, 카지노 and find your ideal betting site in Canada today. Learn how to bet at online casino kadangpintar games and claim a welcome bonus.

    ReplyDelete