Pages

Saturday, May 3, 2014

Cloud seeding sa Angat Dam,isasagawa anumang oras



 
Engr. German habang nakamasid sa Angat Dam. DB

 
MALOLOS—Tuloy at anumang oras ay maaaring simulan ang cloud seeding operation sa Angat Dam dahil sa patuloy ang pagkaubos ng tubig doon.

Ito ang naging pahayag ni Gladys Cruz-Sta. Rita, pangulong National Power Corporation (Napocor) ilang araaw matapos masawi ang apat katao na nagsasagawa ng cloud seeding sa Magat Dam ng bumagsak sa isang maisan ang eroplanong kanilang kinasasakyan.

“Tuloy ang cloud seeding,” sabi ni Sta. Rita sa isang text message na ipinahatid sa mamamahayag na ito noong Miyerkoles, Abril 30.

Ang mensahe ay tugon ni Sta.Rita sa katanungan ng mamamahayag na ito hinggil sa balitang kumalat na sinuspinde ang cloud seeding sa Angat Dam dahil sa pagbagsak ng eroplano sa Nueva Vizcaya noong Sabado, Abril 26.

Sa kasunod na mensahe ni Sta. Rita, mas nilinaw niya ang operasyon ng cloud seeding.

“Only the Nueva Vizcaya (cloud seeding) was suspended,” aniya.

Mapapansin din sa kasunod na mensahe ng pangulo ng Napocor na lubhang kailangan na ang pagsasagawa ng cloud seeding sa Angat Dam.

Ayon kay Sta. Rita, “anytime ang sa Angat Dam.”

Ito ay dahilna din sa patuloy ang pagkaubos ng tubig sa Angat Damna pinagkukunan ng 97 porsyentong tubig inuming may 13 residente ng kalakhang Maynila, kasama ang ilang bayan at lungsod ng sa mga lalawigan ng Rizal at Cavite.

Batay sat ala, ang water elevation sa Angat Dam ay bumaba sa 183.62 meters above sea level (Masl) noong Miyerkoles.

Ito ay mahigit tatlong metro na lamang bago sumayad sa kritikal na 180masl.

Kapag sumayad sa 180 maslang water elevation sa Angat Dam, ang alookasyong sa irigasyon ng magsasaka ay puputulin upang bigyang prayoridad ang tubig inumin ng kalakhang Maynila.

Una rito, sinabi ni Inihineyro Rodolfo German noong Biyernes, Abril 25 na bago pumasok ang unang linggong Mayo ay sisimulan na ang cloud seeding operations sa Angat Dam.

Si German ang general manager ng Angat River Hydro Electric Power Plant (Arhepp) na nasa ilalim ng Napocor at siyang namamahala sa 53,000 ektaryang Angat Watershed.
 
Hot summer over Bulacan. DB
Igiiit pa ni German na nakikipag-ugnayan na ang Napocor sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ng Department of Agriculture (DA).

Nilinaw pa niya na ang cloud seeding operations ay tatagalng 60 flight houts at nagkakakhalaga ng P2.6-Milyon.

Ayon kay German, kailangan masimulan samadaling panahon ang operasyon dahil sa naghahabol sila sa seedable clouds.

Sa mga nagdaang taon, nagsagawa rin ng cloud seeding operation sa pagtatangka na makalikha ng ulan at madagdagan ang tubig sa dam at matiyak na may tubig na iinumin ang kalakhang Maynila.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ng Napocor sa mga residenteng kalakhang Maynila ang [pagtitipid sa paggamit ng tubig.

Ayon kay German, makabubuting magresiklo ng tubig upang hindi kapusin.

Ilan sa mga payo niya ay isahod ang tubig ginamit sa paghuhugas ng pinggan o paglalaba at gamitin sa pagdidilig ng mga halaman o kaya ay pangluinis sa ibang gamit.

Samamtala, hindi lamang ang Angat Dam ang natutuyuan ng tubig dahil sa kakulangan ng ulan.

Maging ang ibang dam sa bansa tulad ng Pantabangan Dam sa Nueva Ecija at Magat Damsa pagitan ng mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Ifugao.

Noong Sabado, naiulat na isang eroplanong gamit sa pagsasagawa ng cloud seeding sa Magat Dam ang bumagsak na ikinasawi ng apat na sakay nito.

Kabilang sa mga nasawi ay ang pilotong si Philip Jubane, at mga kawani ng  Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ng Department of Agriculture (DA) na sina Leilani Naga, Christopher Evan Borja at Melvin Simangan

Sila ay pawang nakasakay sa eroplanong nirentahan ng SN Aboitiz Power upang magsagawa ng clud seeding sa Nueva Vizcaya at Ifugao sa hangaring makalikha ng ulan sa Magat Dam.

Ang SN Aboitiz ay isang Filipino-Norwegian Consortium na namamahala sa power plant ng Magat Dam. Dino Balabo

No comments:

Post a Comment