MALOLOS—Isang bagong kurso ang binuksan at iniaalokng Bulacan
State University sa mga lokal na opisyal sa lalawigan sa layuning makahubog ng
mga mapanagutan at tumutugong lingkod bayan.
Ito ay ang Local Governance Specialist Certificate Course na
sisimulan ngayong Hulyo.
Ayon kay Dr. Ray naguit, direktor ng Institute of Local Government
Administration (ILGA) sa nasabing pamantasan,ang nasabing kurso ay may apat na
bahagi at ito ay bukas sa lahat ng opisyal sa lalalwigan ng Bulacan.
Kabilang sa mga pag-aaralan sa intensibong kurso ay ang pagbuo ng
mga ordinansa, partikular na sa pagtatakda ng buwis, at mga resolusyon;
parliamentary procedures, pagsasagawa ng pampublikong pagdinig,pagsasagawa ng quasi judicial function, pagbuo ng batas sa fiscalmanagement
, oversight functions, pamamahala sa mga Sanggunian,backstopping at tracking
analysis of ordinances hanggang sa pagsasakodigo ng mga ordinansa.
Ayon kay Naguit,ang nasaqbing kurso ay isasagawa sa loob ng
pitong sunod-sunod na Sabado para sa pagsasanay sa excellence in local legislation
para sa mga bago at muling halal na kasapi ng mga Sangguniang Bayan at Panglungsod. Bukas din ito para sa mga kalihim ng
Sanggunian, at maging sa kanilang mga kawani.
Batay sa pahayag ni Naguit, ang bagong kurso ay nabuo sa
pamamamagitan ng kolaborasyon sa pagitan ng BulSU ILGA at ng Department of
Interior and Local Government-Bulacan (DILG-Bulacan).
Ipinaliwanag ng direktor na ang kurso ay naglalayon na higit na
mapataas ng kakayahan ng mga halal na opisyal at maging nakahulugan ang kanilang
paglilingkod sa pagnanais namapaunlad ang bawat pamayanan sa lalawigan.
Dahil naman sa sa pagbubukasng bagong kurso, sinabi ni
Naguit na handa na ang BulSU-ILGA na pangunahan ang Gitnang Luzon sa
pagpapataas ng kakayahan ng mga pamahalaang lokal.
Inayunan din ito ni Darwin David,ang direktor ng DILG-Bulacan.
Sa maikling pahayag, sinabi ni David na ang bagong kurso ay
hindi nakadisensyo lamang sa pagpapataas ng kakayahan, sa halip ay nakatutok din
ito sa paglinang ng mga positibo at akmang pag-uugali para sa epektibo at
tumutugong pamamahala.
Ipinagmalaki rin ni David ang ilan samga magiging guro ng bago
kurso tulad nina Dr. Oliva Feliciano, Vice
Mayor. Zacarias Candelaria ng Calumpit, Vice Mayor Gilbert Gatchalianng Malolos,
Bokal Enrique dela Cruz, Dr. Arsenio Pascua, Dr. Mariano de Jesus na siya ring
Pangulo ng BulSU, Ricardo Capule, Lydia Baltazar. at Abogado Bobby Villote. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment