Pages

Wednesday, July 2, 2014

Bagong kurso para sa mga lokal na opisyal binuksan ng BulSU


  


MALOLOS—Isang bagong kurso ang binuksan at iniaalokng Bulacan State University sa mga lokal na opisyal sa lalawigan sa layuning makahubog ng mga mapanagutan at tumutugong lingkod bayan.

Ito ay ang Local Governance Specialist Certificate Course na sisimulan ngayong Hulyo.

Ayon kay Dr. Ray naguit, direktor ng Institute of Local Government Administration (ILGA) sa nasabing pamantasan,ang nasabing kurso ay may apat na bahagi at ito ay bukas sa lahat ng opisyal sa lalalwigan ng Bulacan.

Kabilang sa mga pag-aaralan sa intensibong kurso ay ang pagbuo ng mga ordinansa, partikular na sa pagtatakda ng buwis, at mga resolusyon; parliamentary procedures, pagsasagawa ng pampublikong pagdinig,pagsasagawa ng quasi judicial function, pagbuo ng batas sa fiscalmanagement , oversight functions, pamamahala sa mga Sanggunian,backstopping at tracking analysis of ordinances hanggang sa pagsasakodigo ng mga ordinansa.

Ayon kay Naguit,ang nasaqbing kurso ay isasagawa sa loob ng pitong sunod-sunod na Sabado para sa pagsasanay sa excellence in local legislation para sa mga bago at muling halal na kasapi ng mga  Sangguniang Bayan at Panglungsod.  Bukas din ito para sa mga kalihim ng Sanggunian, at maging sa kanilang mga kawani.

Batay sa pahayag ni Naguit, ang bagong kurso ay nabuo sa pamamamagitan ng kolaborasyon sa pagitan ng BulSU ILGA at ng Department of Interior and Local Government-Bulacan (DILG-Bulacan).

Ipinaliwanag ng direktor na ang kurso ay naglalayon na higit na mapataas ng kakayahan ng mga halal na opisyal at maging nakahulugan ang kanilang paglilingkod sa pagnanais namapaunlad ang bawat pamayanan sa lalawigan.

Dahil naman sa  sa pagbubukasng bagong kurso, sinabi ni Naguit na handa na ang BulSU-ILGA na pangunahan ang Gitnang Luzon sa pagpapataas ng kakayahan ng mga pamahalaang lokal.

Inayunan din ito ni Darwin David,ang direktor ng DILG-Bulacan.

Sa maikling pahayag, sinabi ni David na ang bagong kurso ay hindi nakadisensyo lamang sa pagpapataas ng kakayahan, sa halip ay nakatutok din ito sa paglinang ng mga positibo at akmang pag-uugali para sa epektibo at tumutugong pamamahala.

Ipinagmalaki rin ni David ang ilan samga magiging guro ng bago kurso tulad nina Dr. Oliva Feliciano, Vice Mayor. Zacarias Candelaria ng Calumpit, Vice Mayor Gilbert Gatchalianng Malolos, Bokal Enrique dela Cruz, Dr. Arsenio Pascua, Dr. Mariano de Jesus na siya ring Pangulo ng BulSU, Ricardo Capule, Lydia Baltazar. at Abogado Bobby Villote. Dino Balabo

No comments:

Post a Comment