Thursday, August 21, 2014

Rest in peace.

REST IN PEACE. Mary Magdaline Navarro of Hagonoy, Michelle Ann Rose Bonzo of Malolos City, Helena Marie Marcelo of Malolos City, Jeannette Rivera of Calumpit, Maiko Eleva Bartolome of the cities of Malolos and Valenzuela, Mikhail Alcantara of Calumpit, and Sean Rodney Alejo of Obando. PLEASE SHARE.






Thursday, August 7, 2014

Libo-libong trabaho lilikhain ng P10-B puhunang ibubuhos ng mga Koreano sa Bulacan





PANDI, Bulacan—Inaasahang lilikha ng libo-libong trabaho ang P10-Bilyong investment na ibubuhos ng mga Koreanong negosyante sa Bulacan sa mga susunod na buwan.

Ito ay kaugnay ng pakikipag-ugnayan ni Mayor Enrico Roque ng bayang ito sa mga negosyanteng Koreano kamakailan.

Ang nasabing investment ay bukod pa sa naunang halos P20-B o mahigit sa $440-Milyong puhunang ginamit ng Korea Water Resources Corporation (K-Water) upang mapagwagian ang bidding para sa pagsasapribado ng Angat River Hydro Electric Power Plant (Arhepp) sa Norzagaray, Bulacan noong nakaraang taon.

Bilang pangulo ng Liga ng mga Alkalde sa Bulacan, sinabi ni Roque hindi bababa sa P10-B ang halagang mga puhunang ibubuhos ng mga Koreano sa mga itatayong negosyo sa ibat-ibang bayan ng lalawigan.

Ayon kay Roque nakatakdang simulan sa lalong madaling panahon ang pagtatayo ng mga naglalakihang negosyo sa Bulacan partikular na sa mga bayang walang kapasidad o kulang sa pondong pinansyal upang makapagpatayo ng sentro ng komersyo gaya ng mga pamilihang bayan.

Kabilang sa mga negosyong nakatakdang ipatayo ng mga negosyantent Koreano ay mga commercial complex at supermarkets kagaya ng Savemore, Puregold, drugstores tulad ng Mercury Drug, mga bigtime na foodchains gaya ng Jollibee at McDonalds, mga ang mga pribadong pamilihan para sa mga bayang wala pang pamilihang bayan.

Bukod dito ay plano rin magtayo sa may 15 ektaryang lupain sa Bulacan  ng mga Koreano ng kauna unahang Outlet Store sa bansa kung saan makikita rito ang aabot sa 400 na kilalang imported brands mula sa ibat ibang bansa gaya ng Prada, Coach, Ferragamo, at Tods.
Roque, LMP-Bulacan president

“Tiyak na mag-ge-generate ito ng libo-libong job opportunities sa ating mga kalalawigan,” ani Roque.

Binigyang diin niya na isa sa nakitang bentahe ng mga Koreano sa Bulacan ay ang istratehikong lokasyon nito sa pagitan ng dalawang international airport—ang Ninoy Aquino International Airport NAIA) sa kalakhang Maynila at ang Clark International Airport (CIA) sa Lungsod ng Angeles sa Pampanga.

Ayon pa kay Roque, bukod samga dagdag na negosyong itatayo ng iba pang negosyangte, tiyak din dadayuhin ng mga turista ang Bulacan dahil sa patuloy na pag-unlad nito.
“Nagiging magnet na ng investments at dumadagsa na sa Bulacan ang mga foreign at local investors dahil sa patuloy na pagyabong nito na bunga ng magandang pamamahala ng ating mga leaders sa pangunguna ni Gov. Willy Alvarado,” sabi ni Roque.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Gob. Alvarado ang pagpapahayag ng interes ng mga kasapi ng Filipino American Chamber of Commerce sa Bulacan.

Ito ay matapos na bumisita sa lalawigan ang mga negosyanteng Fil-Am ilang araw matapos pasinayaan ang Ciudad de Victoria ng Iglesia ni Cristo sa bayan ng Bocaue kung saan ay matatagpuan din ang Philippine Arena, ang pinakamalaking mixed-used indoor arena sa buong mundo.

Ayon kay Alvarado, ang mga pagbisita at pagkakaroon ng interes ng mga negosyante na magnegosyo sa Bulacan ay isang palatandaan ang pag-imbulog ng ekonomiya ng lalawigan.

Una rito, kinatigan ng Korte Suprema ang pagwawagi ng K-Water sa bidding ng pagsasapribado ng Arhepp noong nakaraang taon.

Ang K-Water ay nagwagi dahil sa bid na mahigit $440-M para sa Arhepp, ang power generating facility ng Angat Dam na kasalukuyang nasa pamamahala ng National Power Corporation (Napocor).

Batay sa tala, mahigit tatlo taon na ang nakalipas matapos manalo sa bidding ang K-Water ngunit ito ay naantala matapos harangin ng mga petisyon sa Korte Suprema.

Noong nakaraang taon, kinatigan ng Korte Suprema ang K-Water matapos itong maki-pagsosyo sa grupo ni Ramon Ang ng San Migue Corporation.

Sa kasalukuyan ay hininihintay na lamang ang pormal na pagsasalin ng pamamahala sa Arhepp mula sa Napocor patungo sa K-Water. (Dino Balabo)