NORZAGARAY,
Bulacan—Posibleng bigyan pa ng dagdag na panahon ng gobyerno ang Korean Wate
Resources Corporation (K-Water) upang maisalin dito ang pamamahala sa Angat
River Hydro Electric PowerPlant (Arhepp).
Ito
ay dahil muling nabigo nitong Mayo 25 ang K-Water na pormal na kunin ang
pamamahala mula sa National Power Corporation (Napocor).
Dahil
dito, apektado ang planong rehabilitasyon sa Angat Dam na ayon sa mga opisyal
ay hindi masisimulan hanggang hindi natatapos ang pagsapribado sa Arhepp.
Kaugnay
nito, matatapos sa buwan ng Hulyo ang 270 araw na palugit na itinakda ng Power
Sector Assets and Liabilities Management (Psalm) Corporation upang maisagawa
ang pagsasapribado ng Arhepp na matatagpuan sa bayang ito.
Ayon
kay Inhinyero Rodolfo German, general manager ng Arhepp, nabigo ang
pagsasapribado ng Arhepp noong Abril at Mayo dahil hindi pa nakumpleto ang
papeles ng K-Water.
Kabilang
dito ang pagkuha ng business permit mula sa pamahalaang bayan ng Norzagaray na
noong unang bahagi ng taon ay tumangging magbigay hanggat hindi pa nababayaran
ng K-Water ang milyong-milyon pisong buwis na dapat sana ay binayaran ng
Napocor sa panahon ng pamamahala nito sa Arhepp.
Ayon
kay German, naging mabagal ang proseso dahil ang bawat hakbang ng K-Water ay
isinasangguni pa sa punong tanggapan nito sa Seoul, South Korea.
Ito
ay kinatigan ni Gob. Wilhelmino Alvarado at Vice Mayor Arthur Legazpi ng bayang
ito.
Ayon
dalawa, pansamantala munang hindi sisingilin ng buwis ang K-Water, at hahayaan
muna na makapagsimula ng operasyon.
“Humingi
pa raw ng approval sa main office nila sa Seoul,” ani Alvarado.
Kaugnay
nito, dalawa ang posibleng mangyari kapag natapos ang 270 araw na palugit na
ipinagkaloob ng Psalm sa K-Water upang makuha ang pamamahala.
Una
ay posibleng mawalang bisa ang kontrata nito, at ikalawa ay posibleng palawigin
ng gobyerno ang itinakdang palugit.
Ngunit
ayon sa ilang source, kapag pinawalang bisa ang kontrata ng K-Water ay lalong maaantala ang planogn
rehabilitasyon sa dam dahil muling ipapasubasta ang pagsasapribado sa Arhepp.
Para
sa mga opisyal ng Napocor, mas malaki ang posiblidad na palawigin ang palugit
na ipinagkaloob sa K-Water.
“Most
likely ay bigyan ng extension,” ani Gladys Cruz-Sta. Rita, ag pangulo ng
Napocor.
Gayunpaman,
sinabi ni Cruz-Sta. Rita na umaasa sila matutupad sa Hulyo ang pagsasapribado
na ang proseso ay nasimulan bago pa siya manungkulan bilang pangulo ng Napocor.
Kinatigan
din ni German ang pananaw ito, at iginiit na hanggat hindi natatapos ang
pagsasapribado sa Arhepp, patuloy na maaantala ang panukalang rehabilitasyon sa
Angat Dam.
“Siyempre,
tiyak na made-delay din yung planong rehab sa dam,” ani German.
Binigyang
diin ni German na bahagi ng responsibilidad sa pagugol para sa rehabilitasyon
ng dam ay maaatang sa K-Water.
Nilinaw
din niya na hindi tuluyang iniurong ng gobyerno ang pondong P5.7-Bilyon para sa
rehabilitasyon ng dam.
“Nandiyan
pa rin yung pondo, pero hindi ginagalaw hanggat hindi natatapos ang usapin sa
privatization ng Arhepp,” aniya.
Batay
sa naunang pahayag ng ilang matataas na opisyal ng Napocor, pansamantalang
iniurong ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong nakaraang
taon matapos katigan ng Korte Suprema ang K-Water bilang winning bidder sa
pagsasapribado ng Arhepp.
Ayon
sasource, kung nasimulan ang rehabilitasyon sa dam at nagastos ang pera tiyak
na makakasuhan ang mga opisyal ng MWSS dahil lalabas na dalawang ahensiya ng
nagpondo sa rehabilitasyon ng dam.
“Kaya
medyo inurong muna nila yung P5.7-B, pero nandiyan pa rin naman at hindi
ginagastos,” ayon pa sa source.
Ayon
naman sa isa pang source, ang halos P2-B lamang ang nakahandang gastusin ng
K-Water para sa rehabilitasyon ng dam kaya magagamit pa rina ng malaking bahagi
ng pondong P5.7-B na naunang inihanda ng MWSS.
Samantala,
patuloy pa ring umaasa ang mga Bulakenyo na sa madaling panahon ay masisimulan
ang rehabilitasyon sa dam upang mapawi ang kanilang pangamba.
Una
rito, nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology
(Phivolcs) na posibleng masira ang Angat Dam kung gagalaw ang West Valley Fault Line (WVF) na posibleng lumikha ng lindol na may lakas na 8
magnitude. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment