Pages

Tuesday, January 24, 2012

K+12: Pagpapatala sisimulan sa Sabado

Sec. Luistro at Gob. Alvarado. (PPAO Photo)

MALOLOS—Handa na ang Department of Education (DepEd) para sa paunang pagpapatala ng mga mag-aaral sa kindergarten at para sa mga una at ika-pitong baitang  sa darating na Sabado, Enero 28 sa kabila ng mga kakulangan sa pasilidad at mga guro.

Ito ay bilang bahagi ng unang taon ng pagpapatupad ng programang Kindergarden plus 12 (K+12), kung saan ang dating 10-taong pag-aaral para sa elementarya at high school ay magiging 12, bukod pa sa kindergarden.

“Sisimulan na ang early registration para sa K+12 program sa Sabado,” ani  Education Secretary Armin Luistro matapos lagdaan ang isang memorandum of agreement sa pamahalaang panglalawigan ng Bulacan para sa pagpapatayo ng 1,942 silid aralan.

Nilinaw ni Luistro na ang maagang pagpapatala ay upang agad matukoy ang bilang ng mga mag-aaral sa kindergarden, una at ika-pitong baitang sa pagsisimula ng klase sa Hunyo.

“This way, hindi magugulat ang mga principals kung ilan ang papasok sa June. Makapaghahanda sila,” aniya.

Upang matiyak ang tagumpay ng pagpapatupad ng programang K+12,hinikayat ni Luistro ang mga alklade at mga punong barangay sa pagpapakalat ng impormasyon.

“Kailangan naming ang tulong mga mayor at kapitan. Basic education is a right at libre ito, kaya dapat ipalista na agad ang mga bata,” ani Luistro.

Binigyang diin niya na sinuman na ang edad ay mababa sa 18 taong gulang at hindi pa nakakatapos ng high school ay maaring magpatala kabilang ang mga children with disabilities, at mga out-of-school youths (OSY).

Ayon kay Luistro, ang programang K+12 ay isang mahalagang sangkap upang matiyak ang kaunlaran ng bansa at matupad ang mga millennium development goals (MDGs).

“Mas mabilis ang pag-unlad ng ibang bansa dahil sa implementation ng same program, hindi tayo dapat magpaiwan,” aniya.

Ayon kay Luistro, kahit masy kakulangan sa mga silid aralan, mga pasilidad at guro, dapat nang simulan ang pagpapatupad ng K+12.

Kaugnay nito, sinabi nina Dr. Edna Zerrudo, Bulacan schools division superintendent, at Gob. Wilhelmino Alvarado ns handa na ang lalawigtan sa pagpapatupad ng K+12.

Ayon kay Zerrudo, ipinatutpad nila ang kindergarden program sa mga paaaralan sa lalawigan sa mahabang panahon.  Ang kindergarden ay bahagi ng K+12.

Iginiit pa niya na ang tagumpay ng K+12 ay nakasalalay din sa suporta ng mga pamahalaang lokal.

Para naman kay Alvarado, isa sa malinaw na suportas ng kapitolyo sa K+12 ay ang pakikipagkasundo nila sa DepEd para sa P2-Bilyong proyekto kung saan ay 1,942 na dagdag na silid aralan ang itatayo sa lalawigan.

Bukod dito, sinabi rin niya na matagal na ring nagbibigay ng suporta ang mga pamahalaang lokal para sa pagpapasuweldo sa mag dagdag na guro sa mga pampublikong paaralan. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment