LUNGSOD NG MALOLOS—Tiniyak ng Department of Trade and
Industry (DTI) na ligtas at mataas ang kalidad ng mga paputok na gawa sa
Bulacan.
Ito ay dahil sa 475 na paputok at pailaw na gawa sa Bulacan
ang may product standard (PS) license mula sa nasabing ahensiya, bukod pa sa
dagdag na 75 produkto na sumasailalim sa dagdag na pagsusuri upang magkaroon ng
katulad na lisensiya mula sa Bureau of Product Standards (BPS).
Ayon kay Zorina Aldana, direktor ng DTI sa Bulacan, ang PS
license ay isa sa mga garantiya na ang produkto sa ay de kalidad at ligtas.
“Those that applied and secured PS licensees are following
the provisions of Republic Act 7183 or the Firecracker Law,” ani Aldana at
iginiit na batay sa nasabig batas, ang mga paputok ay dapat lamang maglaman ng
.2 gramo ng kemikal para sa paputok.
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi lamang ang nilalamang
kemikal ng bawat produktong paputok sa lalawigan ang batay ng pagiging de
kalidad nito,
Ipinaliwanag ni Aldana na upang makakuha ang isang
negosyante ng PS license, kailangang magsagawa ito ng maayos na proseso sa
paggawa ng produkto, at pagkakaroon ng quality management system na umaayon sa
pamantayang pambansa at pandaigdigan.
Dagdag pa ni Aldana, “there are also requirements on
packaging and labelling. The manufacturer’s name and contact details plus
safety labelling must be written on the product.”
Iginiit niya na ang mga nasabing requirement ay nakatuon sa
pananagutan ng mga negosyante at isang daan upang ipabatid sa mga kostumer na
ligtas at de kalidad ang produkto.
Batay sa tala ng DTI-Bulacan, umaabot na 475 produktong
paputok at pailaw sa lalawigan ang may PS license.
Kabilang dito ang ibat-ibang uri ng fountain, aerial
fireworks, sawa, judas belt, trompillo, roman candle, luces, Mabuhay fountain,
Pagoda fountain at iba pa.
Ayon kay Aldana,
halos magkakapareho ang ilang produkto, nguniit magkakaiba ito ng disenyo.
Batay pa rin sa tala ng DTI, ang mga kumpanyang may PS
license sa kanilang produktong paputok sa lalawigan ay ang Dragon Fireworks na
nakabase sa bayan ng San Rafael, at Diamond Fireworks sa Pulilan na kapwa may
tig-100 produktong may PS license.
Ang iba pa ay ang LF Fireworks sa San Ildefonso (80
produkto), Nation Fireworks sa Baliwag (25), SPM General Merchandise sa Bocaue
(40) Pyro Kreation Fireworks sa Sta. Maria town (30), Platinum Fireworks sa
Sta. Maria (50), at Phoenix Fireworks sa Sta. Maria (50).
Ang mga kumpanya namang may aplikasyon para sa PS license ay
ang Z & N Nicolas Fireworks (20 produkto), ERCY Fireworks (20), A. Santiago
Fireworks (10), Purity Fireworks (10) na pawang nakabase sa bayan ng Baliwag;
at ang Double L Fireworks na nakabase sa bayan ng Pandi na may 15 produktong
naka-aplay. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment