Friday, December 7, 2012

Tulungan natin ang Mindanao, ani Alvarado


Pinayuhan ni Gob. Alvarado ang ibat-ibang tanggapan ng kapitolyo at ibat-ibang organisasyon sa lalawigan upang magtipid sa pagsasagawa ng Christmas party. 

Ang matiitipid sa mga party ay idodonasyon sa mga nasalanta ng bagyong Pablo sa Mindanao.

Bukod dito, hinikayat din ni Alvarado ang mga pamahalaang lokal na mag-ipon ng donasyong ihahatid sa nasalanta ng bagyong Pablo. 

Matatandaan na noong nakaraang taon at ngayong taon ay nasalanta rin ng baha ang Bulacan at ayon sa punong lalawigan, kabilang mga mga taga-Mindanao sa nagpahatid ng tulong sa Bulacan.

Noong nakaraang taon, napahatid din ng tulong kapitolyo sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa mga Lungsod ng Cagayan De Oro at Iligan sa northern Mindanao.

No comments:

Post a Comment