Ang itinatayong Philippine Dome ng Iglesia ni Cristo na matatagpuan sa Bocaue, Bulacan. |
MALOLOS—Umaasa
ang Bulacan sa higit na madaragdagan ang negosyo sa lalawigan sa napipintong
paglipat ng ABS-CBN Network sa taong ito
at pagtatapos ng Philippine Dome ng Iglesia ni Cristo sa susunod na taon.
Bukod
sa mga ito, kinukunsidera din ng negosyanteng si Ramon Ang ang pagtatayo ng
isang international port sa baybayin ng lalawigan.
Ayon
kay Gob. Wilhelmino Alvarado, malaki ang posibilidad na magsimula ang pagli[pat
ng ABS-CBN sa Lungsod ng San Jose Del Monte sa taong ito.
Ito
ay dahil sa ang nasabing television network ay may pag-aaraing 100 ektrayang
lupain sa nasabing lungsod.
Sa
kanyang lingguhang palatuntunan sa Radyo Bulacan na isinasahimpapawid tuwing
Sabado, sinabi ng gobernador na hindi na makakaiwas sa malawakang kaunalaran
ang Bulacan.
“Ang
trend ng
economic development ngayon ay going north of Manila and Bulacan is poised to
benefit from it,” ani Alvarado.
Sinabi
niya sa kanilang pag-uusap ni Gabi Lopez, ang pangulo ng ABS-CBN, binanggit
nito ang planong paglipat ng television network sa lungsod ng SJDM.
Hindi
binanggit ni Alvarado kung saan sa nasabing lungsod lilipat ang television
network, ngunit ayon sa mga resident eng nasabing lungsod na malaki ang
posibilidad na ang lipatan ay ang New Town subdivision sa Barangay Bagong Bayan
ng nasabing lungsod.
Ang
nasabing subdivision ay pag-aari ng pamilya Puyat na sinimulang i-debelop noong
dekada 70 ngunit hindi naibenta dahil sa nabubugahan ito ng mga pabrika ng
semento noong mga panahong iyon.
Sa
kasalukuyan ay wala na ang mga nasabing pabrika ng semento.
Ayon
kay Alvarado, balak ng ABS-CBN na magtayo ng malaking studio sa SJDM na
makakahalintulad ng Universal Studios sa Estados Unidos.
Ang
lumang gusali naman ng television network sa Lungsod ng Quezon ay gagamiting
commercial space tulad ng call center.
Idinagdag
pa ng gobernador na sa kanilang pag-uusap ni Lopez, isa sa mga naging
katanungan nito ay kung maaapektuhan ng planning international port ni Ramon
Ang ang magiging lokasyon ng kanilang studio.
Nguniy
sinabi umano ni Alvarado na hindi dahil ang proyekto ni Ang ay ilalatag sa
baybayin ng Bulacan.
Bukod
naman sa dalawang higanteng proyekto, inaasahang matatapos sa susunod na taon
ang Philippine Dome ng Iglesia ni Cristo sa bayan ng Bocaue.
Ang
nasabiong dome ay sinasabing pinakamalaki sa buong mundo.
Ito
ay inaasahang pasisinayaan sa susunod na taon kaugnay ng pagdiriwang ng ika-100
anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo.
Bukod
sa nasabing dome, nakaplano at itinatayo na rin ang konstruksyon ng malaking
pagamutan, sports complex at pamantasan sa tabi ng pasilidad ng Philippine
Dome.
Kaugnay
nito, itinanggi naman ni Mayor Patrick Meneses na may itatayong malaking port
sa baybayin ng bayan ng Bulakan.
Sinabi
niya na hindi totoo ang nasabing balita.
Ngunit
ayon sa mga resident eng nasabing bayan, marami na ang namimili ng palaisdaan
sa baybayin ng nasabing bayan at kabilang doon ang ilang kaanak at kaibigan ni
Meneses. (Dino balabo)