Monday, January 27, 2014

Jasmin Lorraine Tan: Kuwentong ginto mula sa maraming pagkabigo





MALOLOS—Balingkinitan, may mahiyaing ngiti, ngunit mababakas ang tatag ng loob.

Ito ang larawan ng babaeng gumulat sa Bulacan State University (BulSU) nang pamunuan n’ya ang delegasyon ng Pacesetter na mabawi ang kampeonato sa 13th RegionalHigher Education Press Conference.

Matapos ang tatlong taong sunod-sunod na pagkabigong mabawin ang korona mula Bataan Peninsula State University sa RHEPC, isang malaking pagsubok ang hinarap ni Jasmin Lorraine Tan nang tanggapin niya ang pinakamalaking responsibilidad na maging Punong Patnugot ng Pacesetter, ang opisyal na pahayagan ng Bulacan State University.

Pero pinatunayan n'ya sa lahat na kaya n'yang ibalik ang korona sa BulSU nang tanghaling Over-all Champion sa 13th RHEPC ang Pacesetter sa paligsahan ngayong taon.

Ngunit hindi lang simpleng tagumpay ang kan’yang naabot, naging maugong din ang kanyang pangalan nang bukod sa kampeonato ay nakamit din niya ang parangal na Individual Highest Pointer ng nasabing kompetisyon nang angkinin n’ya ang tatlong unang parangal sa mga laban na kan’yang sinalihan; Sports Writing, Developmental Communications Writing at Opinion Writing.

Sa kabila ng lahat ng parangal at papuri ay ang katotohanan na hindi minina ang mga ginto mula sa kawalan. Lingid sa kaalaman ng karamihan, malubak na daan ang tinahak ng nasabing dalaga bago pa man niya maabot ang nasabing estado.

Lumaki sa di-mabilang na mga pagkabigo sa mga laban si Jasmin Lorraine Tan.

Ang totoo, hanggang ngayon ay hindi pa rin s’ya makapaniwala na napagtagumpayan n’ya ang nasabing hamon.

“Tatlong beses akong nag-try sumali sa school publication namin no’ng high school, pero hindi ako natanggap,” pag-aalala nito sa nakaraan na tinuturing n’yang pinakamalaki niyang pagkabigo.

Inamin din niya sa napakaraming mga patimpalak na sinalihan niya noon ay lagi siyang talo. Maging sa 12th  RHEPC ay umuwi siyang luhaan nang matalo sa Poetry Writing at makuntento sa 9th Place sa Sports Writing.

Pero hindi niya itinuring na dahilan para sumuko ang mga pangyayari sa nakaraan. Sa halip, itinuring nya itong dahilan para mas pagbutihan pa.

“Biggest motivation ng tao ang failure from the past,” sabi ni Tan.

Nang magkaroon ng inspirasyon mula sa isang guro no’ng high school, pinili n’yang kunin ang kursong Journalism at sumali sa Pacesetter ng BulSU.

“Sabi ko talaga noon sa sarili ko, ‘di pwedeng hindi ako kasali [Pacesetter],” aniya.

Doon din niya nadiskubre ang kanyang talent sa Sports Writing at di maglaon ay nakahiligan na n’yang isulat ang mga ito.

“Masarap kasi isulat ang sports, maaksyon, pwede mong paglaruan ‘yung istorya,” wika pa ni Tan.

Nagsimula ng unti-unti niyang pagbangon hanggang sa maging Editor-in-Chief ng nasabing publikasyon.

Ngunit ang paqgbangong ito ay nasangkapan ng di mabilang na mga pagsubok.

“Nabansagang weakest batch ang editorial board namin, ang daming tawag sa atin, tapos parang ang daming fall back, tapos ang daming failures. Tapos nung nag-champion, parang, ito na 'yon e, ito na yung lahat ng hindi natin itinulog, lahat ng panahon na hindi tayo umuwi, lahat ng panahon na kailangan mong isacrifice yung acads [academics] mo,“ pag-amin ni Tan.

Pero itinuturing niyang malaking tulong ang mga tao sa paligid niya upang mapagwagian ang mga nasabing problema.

Sa paggabay ng kaniyang pamilya, mga kaibigan, kaklase, at mga guro, isa na siya ngayong inspirasyon hindi lang para sa mga kapwa Journalism-majors ngunit para sa lahat ng mga nakaranas din ng mga pagkatalo sa buhay.

“Super galing naman talaga ni Jasmin, ayaw lang niyang maniwala sa sarili niya. Kayang kaya naman niyang maging on top pero grounded pa rin siya. Saka super proud kami sa kanya di lang dahil sa nanalo siya sa RHEPC, kasi napakabait niyan. Mas inuuna pa niya yung iba kesa sa kasiyahan niya kaya deserve niya talaga lahat nga nakukuha niya," sabi ni Jesson Lagman, Associate Editor ng Pacesetter.

“Dati, sobrang iyakin ako, pero ngayon, iyakin na lang ako,” natatawa ang wika ni Tan sa isang panayam.

Dagdag pa niya, “pero mas stronger na ako ngayon, masasabi kong mas matatag na ako.”

Sa ngayon, patuloy pa rin n’yang ginagampanan ang tungkulin bilang punong patnugot ng Pacesetter, kasabay ng pagbuno niya sa kaniyang thesis, at pagiging Associate Producer ng isa sa mga pelikula sa Sine Bulacan, isang patimpalak sa College of Arts and Letters ng BulSU.

At bilang isang inspirasyon, nag-iwan si Tan ng mensahe sa mga susunod na henerasyon ng mga estudyante sa BulSU.

“’Wag kang mag-stay sa course mo kung hindi mo talaga gusto. Kasi ako, gusto ko talaga magsulat, mag-cover, mag-interview, kaya kahit mahirap nakakaya ko kasi gusto ko,” aniya.

Sa kai’yang nalalapit na pagtatapos sa unibersidad, napakalaki ng pangarap n’ya hindi lang para sa sarili kundi para sa pamilya. Maging writer sa isang sports magazine o isang broadsheet ang kaniyang plano sa mga susunod na panahon.

“Five years from now, hindi na ko aasa sa family ko. Hopefully, makabawi sa lahat ng binigay sa akin ng family ko.” pagtatapos ni Tan. (Clarisse Inao)

Saturday, January 25, 2014

Malaking prayer rally ikinakasa ng Bulacan para sa rehabilitasyon ng Angat Dam





MALOLOS—Isang mas malawakang prayer rally ang ikinakasa ng kapitolyo sa susunod na buwan bilang bahagi ng pagpapaigting ng panawagan sa mabilisang pagpapakumpuni sa Angat Dam.

Ito ay matapos lumahok ang Bulacan sa national day of prayer and solidarity noong Lunes, Enero 20 o mahigit isang buwan matapos isagawa n gang Angat Dam break drill noong Disyembre 13.

“Ang orihinal na plano ay magsagawa ng malakihang prayer rally sa Pebrero kung saan ay mga 20,000 ang tinatayang lalahok,” sabi ni Gob. Wilhelmino Alvarado sa isang panayam matapos ang pananalangin sa mini-forest parkng kapitolyo noong Lunes, Enero 20.

Ang nasabing national day of prayer ay nilahukan ng may 2,000 mag-aaral, kawani ng kapitolyo, mga pastor at ilang lokal na opisyal sa lalawigan.

Ang nasabing bilang ay mababa sa inaasahan dahil sa biglaang ang paghahanda.

“Ang prayer rally natin ngayon ay bilang pakikiisa sa national day of prayer and solidarity na isinulong ng Malakanyang, pero mayroon pa tayong isang mas malaking rally sabi ng gobernador.

Iginiit niya na noong pangDisyembre ay pinag-aralan na nila ang pagsasagawa ng prayer rally upang maipaunawa saBulakenyo ang kahalagahanng panalangin kaugnay ng bantang hatid ng posibleng pagkasira ng Angat Dam kung lilindol ng malakas.


Ayon kay Alvarado, malinaw ang isinasaad ng ikalawang libro ng Kronika,sa Bibliya kung saan ay sinasabing pagpapalain ng Diyos ang bayan at hihilumin ang mga sugat nito kung ang bawat isa ay tatawag sa pangalan ng Diyos at magbabalik loob sa Diyos sa pamamagitan ng pagsisisi sa mga kasalanan.

Inayunan din ito ng mga pastor sa Bulacan kabilang si Abogado Elmo Duque, ang panglalawigan election supervisor ng Commission on Elections (Comelec) sa Bulacan na isa ring pastor.

Sa kaniyang sermon na inihatid kaugnay ng pagsasagawa ng maramihang pananalangin noong Lunes, binigyang diin ni Duque ang kapangyarihan ng Diyos.

Kabilang dito ang kapangyarihan at kakayahan na umibig, magbigay ng biyaya at magparusa.

Ipinaliwanag ni Duque na ang kapangyarihan ng Diyos na magparusa ay kaugnay ng pisalang hatid ng  kalamidad.

Ngunit iginiit niya na ang Diyos ay mapagpatawad kung ang tao ay magbabalik loob ay magsisisi sa kasalanan.

Sinabi pa ni Duque na napapanahon ang pagbabalik loob sa Diyos at pananalangin dahil sa nakambang banta mula sa posibleng pagkasira ng Angat Dam.

Ito naman ay ipinaliwanag ni Alvarado na maaaring mangyari anumang oras dahil sa lahat ng kalamidad,tanging ang lindol ang hindi natutukoy kung kailan darating at wala pang teknolohiya may kakayahang gawin ang paggtukoy kung kailan magaganap qang lindol.


Sa kanyang pahayag sa Mabuhay,sinabi ng punong lalawigan na ang sama-samang panalangin ay isang bahagi ng pagpapakumbaba sa Diyos at pagtawag pansin sa pamahalaang pambansa na simulan na ang pagkukumpuni sa Angat Dam.

“May pera naman,bakit hindi pa simulan ang rehabilitasyon upang tayo naman ay makatulog ng payapa ang isipan,” sabi ni Alvarado.

Ipinaliwanag niya na hanggat hindi natatapos ang pagpapakumpuni saAngat Dam, ang may 3-Milyong Bulakenyo ay mananatuiling may agam-agam sa dibdib at isipan.

Batay sa mga naunang pag-aaralng Philippine Institute of Volacanology and Seismology(Phivolcs),ang Angat Dam ay nakaupo di kalayuan sa Marikina West Valley Fault Line na anumang oras ay maaaring gumalaw.

Kung gagalaw ang MWVF, ito ay maaaring lumikha ng lindol na may lakas na 7.2 na maaaring sumira sa dam.

Kapag nasira ang dam, raragasa ang tubig at pipinsalain nito ang may 20 bayan at lungsod sa Bulacan, bukod pa sa pitong bayan sa Pampanga.

Batay naman sa pagtaya ni NoelOrtigas ng Engineering and Development Corporation of the Philippines (Edcop), maaaring umabot sa 100,000 ang masasawi sa Bulacan.

Ang Edcop ay ang kumpanyang nakasama ng Tonkin and Taylor International na nagsagawa ng pag-aaralsa katatagan ng Angat Dam mula Disyembre 2011 hanggang Mayo 2012.

Kaugnay nito, kung sakaling gagalw ang MWVF at lumindol ng 7.2, ipinahayag ng Metro Manila Development  Authority (MMDA) na malaki rin ang magiging pinsala sa kalakhang Maynila, at magiging matagalamang epekto.

Sa pag-aaral tinataya na aabot sa 33,000 ang masasawi sakalakhang Maynila at aabot sa mahigit 100,000 ang masusugatan.

Ngunita ng higit na nakapangangamba ang posibleng pagkaputol ng supply ng tubig sa kalakhang Maynila sa matagal na panahon.

Ayon sa pagtaya ng MMDA, maaaring magkaputol putol ang mga padaluyan ng tubig o aqueduct at pipeline ng dalawang konsesyunaryo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Kung hindi manmasiraang Angat Dam at nagkaputol-putolang padaluyang tubig, tinatayang matatagalan ang pagkukumpuni nito upang maibalik ang dating serbisyo. Dino Balabo

Pacesetter, nabawi ang kampeonato sa Regional Presscon


Pacesetter staffers



LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga—Muling nabawi ng Pacesetter ang pangkalahatang kampeonato sa taunang Regional Higher Education Press Conference sa Gitnang Luzon apat na taon matapos itong maagaw sa kanila.

Nadagdagan pa ang tamis ng tyagumpay ng tanghaling natatanging mamamahayag si Jasmin Lorraine Tan, ang punong patnugot ng Pacesetter na siyang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU).

Ito ay matapos na magwahi ng tatlong medalyang ginto si Tan sa tatlong magkakahiway na kategorya. 

“Ang tagal naming inasam na mabawi ang over-all championship na ito,” sabi Dr. Romulo Mercado, ang direktor ng Students Pubolications sa [pamantasana, at siya ring tagapayo ng Pacesetter.

Ayon kay Mercado, matapos silang matalo sa The Guilds ng Bataan Peninsula State College apat na taon na ang nakakaraan ay higit nilang pinataas ang antas ng kakayahaan ng mga mag-arral sa likod ng Pacesetter.

Sa sumunod na tatlong taon ay nabigo sila, ngunit hindi ito naging handlang upang ipagpatuloy nila ang pagtatangka.

Ang kanialng pangarap at patuloy na pagtatangka ay nagbunga matapos ang 13th RHEPC na inorganisa ng Association of Tertiary School Paper Advisers (ATSPAR) at isinagawa sa Villa Alfredo Resort na matatagpuan sa Barangay Balite ng lungsod na ito noong Enero 15 hanggang 17.

Matapos ang dalawang araw na paligsahan ay nalunod sa ingay ng hiyawan ng pagbubunyi ang bakuran ng Villa Alfredo Resort noong Biyernes, Enero 17.

Bukod sa mga kasapi ng Pacesetter at iba pang nagsipawagi, nakiisa rin sa pagbubunyi ang 302 kabataang mamamahayag mula sa mahigit 30 pamantasan at kolehiyo sa Gitnang Luzon.

Ang pumangalawa sa taungn paligsahan ay ang The Guilds ng Bataan Peninsula State University (BPSU) na humawak ng kampeonato sa nagdaang tatlong taon.
 
BPSU Guilds and BulSU Pacesetter
 Ang ikatlong puwesto ay nasungkit ng Industrialist, ang opisyal na pahayagan ng Don Honorio Ventura Technological State University (DHVTSU), kasunod ng Regina ng University of Assumption na nakabase sa lungsod na ito at ang The Defender BPSU-Balanga City Campus.


Nasungkit naman ng Genre of the Wesleyan University Philippines (WUP) ang ika-anim na puwesto kasunod ang Sinukuan Gazette ng Pampanga Agricultural College (PAC),  The Bastion ng Ramon Magsaysay Technological State University (RMTU); The Work ng Tarlac State University (TSU), at The Pioneer ng Angeles University Foundation (AUF).

 Ang paligsahang isinagawa bawat taon ay may dalawang pangunahing kategorya—group at individual.

Sa group category, nasungkit ng Pacesetter mga parangal na Best Taloid at Best Newsletter; samantalang ang The Guilds ang nagwagi ng Best Magazine at Best Broadsheet.  Ang Regina ng UA ang nanalo sa Best Literary Folio.
 
Industrialist of DHVTSU, 3rd place
 Bukod sa pagtangay sa dalawang parangal sa group category, humakot din mga manunulat ng Pacesetter sa individual category.

Sila ay pinangunahan ni Jasmin Lorrain Tan na nagwagi ng gintong medalya sa sports writing, column writing at developmental communication sa wikang Ingles.

Ang iba pang manunulat ng Pacesetter ay nagwagi sa news writing at sports writing sa wikang Pilipino at sa literary graphics; samantalang ang iba ay nakuha ang ikalawa, ikatlo,ika-apat at ika-limang puwesto sa nilahukang kategorya.

Bilang isang pangtehiyong paligsahan, ang mga nagsipagwagi sa 13th RHEPC ang kakatawan sa  Gitnang Luzon sa Luzonwide Press Conference na isasagawa sa Lucban, Quezon sa Pebrero.
 
Regina of UA, 4th place
Kabilang sa mga kakatawan sa rehiyon ay ang mga nagwagi saiba-ibang kategorya mula sa una hanggang ikalimang puwesto.

Ang 13th RHEPC na isinagawa sa lungsod na ito ay naisagawa sa tulong ng Pampanga Agricultural College (PAC) na nakabase sa bayan ng Magalang sa lalawigan ng Pampanga. (Dino Balabo)

Bulacan nasa state of alert na dahil sa tumataas na kaso ng tigdas





MALOLOS—Isinailalim na sa state of alert ang lalawigan ng Bulacan dahilsa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga hinihinalang kaso ng tigdas.

Higit namang pinaigting ang pagbabantay sa lungsod na ito matapos magtala ng pinakamataas na bilang ng kaso ng nakakahawang sakit, kasama ang mga bayan ng San Miguel, Hagonoy at Calumpit.

Gayunpaman, wala pang idinedeklarang outbreak ng tigdas sa lalawigan dahil hindi na pa nakukumpirma kung ang virus na naging sanhi ng pagkakasakit ng mga Bulakenyo ay nagmula sa tigdas.

Batay sa tala ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) umabot sa 115 ang kaso ng tigdas na naitala sa unang 16 na araw ng Enero.

Ito ay higit na mataas na ulat na 90 na ipinalabas ng Provincial Public Health Office (PPHO) noong Miyerkoles, Enero 15.

Batay ulat ng PESU, nasa ilalim na ng state of alert ang lalawigan dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng hinihinalang tigdas.

Ito ay nangangahulugan ng higit na pagpapaigting sa pagbabantay sa lalawigan partikular na sa mga barangay.

Ayon kay Dra. Jocelyn Gomez, pinuno ng PPHO, hindi pa nagdedeklara ng out break sa Bulacan, ngunit nasa “outbreak mode” na ang kanilang pagkilos.

Ang “outbreak mode” ayon kay Gomez ay ang mas maigting na monitoring at surveillance.

Ito ay nangangahulugan ng paghahanap o “tracking” sa mga “unimmunized children” o mga kabataang hindi pa nababakunahan.

Kapag natukoy at natagpuan ang mga nasabign kabataan, ay pinapayuhan ang mga magulang nito na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maging mas matuibay ang katawan laban sa tigdas.

Ang tracking ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbisita sabawat bahay, samantalang ang bakuna ay libre.

Inatasan na rin ang mga duktor na bigyan ang mga kabataanng bitamina A, bukod pa sa araw-araw na pag-uulat ng kaso ng tigdas na kanilang ginamot.

Ang mga atas sa mga dukto ay ipinahatid rin sa mga lokal na opisyal na inatasan din ng kapitolyo sa pamamagitan ng PPHO na magsagawa ng gawain upang mapataas ang anatas ng kaalaman ng mga Bulakenyo laban sa tigdas.

Batay sa tala ng PESU, ang mga naitalang nagkasakit ng tigdas sa Bulacan ay nasa pagitan ng edad na dalawang buwan at 37  taong gulang.

Ayon pa sa ulat,ang mga karaniwang (37) nagkasakit ay nasa edad na limang taon pababa.

Bukod dito,dalawa ang naitalang nasawi sa tigdas sa lalawigan sa unang dalAwang linggo ng Enero.

Kabilang dito ay isang batang may edad dalawang taon sa bayan ng San Miguel at sanggolna may edad anim na buwan mula sa Barangay Taqbing-Ilog sa Marilao.

Ayon kay Dr.Gomez, ang mga nasabig kaso ay pawang “suspek” lasa tidgas dahil hindi pa natatapos ang pagsusuri ng RegionalInstitute for Tropical Medicine (RITM) na nakabase sa kalakhang Maynila.

Ipinaliwanag ni Gomez na ang bawat biktima kinakitaan ng sintomas ng tigdas at ang dalawang nasawi ay namatay dulot ng kumplikasyon.

Dahil hindi pa nakukumpirma ng RITMkung tigdas nga ang sanhi ng sintomas, patuloy na pinag-iingat ang publiko. (Dino Balabo)