Monday, January 21, 2013

Araw ng Republika, pangungunahan ni Magsaysay




MALOLOS— Pangungunahan ni dating Senador Ramon Magsaysay Jr. ang pagdiriwang ng ika-114 tguning taong pagdiriwang ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Enero 23 sa Simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito.

Si Magsaysay ang magsisilbing kinatawan ni Pangulong Benigno Aquino III na mas naunang inimbitahan ngunit hindi makakarating dahil dadalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Makakasama ni Magsaysayan sa pangunguna sa pagdiriwang ang mga opisyal ng Bulacan sa pangnguna nina Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado,Bise Gob. Daniel Fernando at Mayor Christian Natividad ng lungsod na ito.

Bukod dito, makakasama rin nila sa pagdiriwang sina Cavite Gov. Juanito Victor Remulla,  Laguna Gov. Emilio Ramon Ejercito III, Metro Manila Mayor Alfredo Lim, Nueva Ecija Governor Aurelio Umali, Pampanga Governor Lilia Pineda, Batangas Gov. Rosa Vilma Santos-Recto at Tarlac Gov. Victor Yap.

Ang mga nasabing lider ng ibat-ibang lalawigan ay kakatawan sa kanilang lalawigan na sinsimbulo ng walong sinag ng araw sa pambasang bandila bilang mga unang lalawigang nag-aklas laban sa mga Kastila.

“This will be the first time that leaders of the eight provinces that broke from Spanish colonial rule will be present in marking the anniversary of the First Philippine Republic. Their presence will add more significance and boost unity among us in preserving one of the most important events in Philippine history,” ani Alvarado.

Hinggil sa kahalagahan ng kasaysayan, iginiit pa ni Alvarado na “kung ang Baguio ay tanyag sa kanilang bulaklak at ang Pampanga naman ay sa kanilang makukulay na parol, nais nating itanghal ang dakilang lalawigan ng Bulacan bilang bayan ng mga bayani at sa makulay at mahalaga nitong bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas.”

Sinabi naman ni National Historical Commission of the Philippines Executive Director Ludovico Badoy na magsisimula ang programa ganap na ikapito ng umaga sa pamamagitan ng pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo.

“We want to uplift the awareness of our fellow Filipinos especially the young generation that this is a very significant part of the history. It is not only to promote Malolos, not only for Bulacan but for the entire country as well,” ani Badoy.

Idinagdag pa niya na isa sa mga tampok na gawain ang “Parada ng Republika” kung saan makikibahagi sa parada ang walong gobernador mula sa mga lalawigan na kumakatawan sa walong sinag ng araw na matatagpuan sa watawat ng Pilipinas.

Sinabi din niya na maglalagay din ng mga watawat at tarpaulins sa Roxas Boulevard upang maipaalam sa publiko ang okasyong ito.

Ang Unang Republika ng Pilipinas, na siyang unang republika sa Asya ay itinatag noong Enero 23, 1899, na sinundan ng panunumpa ni Hen. Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng bansa.

No comments:

Post a Comment