MALOLOS—Walang
panahon para magbukas ng Facebook ang Commssion on Elections (Comelec ) sa
Bulacan upang tunghayan angmga sumbong laban sa mga lumalabag sa batas ng
halalan.
Ito
ay sa kabila ng paghikayat ng punong tanggapan ng Comelec samga botante na
gamitin ang social media upang isumbong o ipabatid ang mga lumalabag sa batas.
Ngunit
sa kabila ng kawalan ng panahon para magbukas ng Facebook ng Comelec-Bulacan,
hinikayat din nila ang mga botante na ipahatid sa mga mamamahayag partikular na
sa Radyo Bulacan ang mga sumbong.
Ito
naman ay ipababatid ng Radyo Bulacan at ibang pang mamamahayag sa Comelec
Bulacan.
“Makatitiyak kayong aaksyunan naming ang inyong mga reklamo basta ipinadaan sa mga media at Radyo Bulacan,” ani Abogado Elmo Duque sa panayam ng Radyo Bulacan noong Martes, Pebrero 26.
Ang
pahayag ni Duque ay kaugnay ng tanong kung gagawa at magbubukas ang
Comelec-Bulacan ng sariling account sa Facebook.com upang doon ipahatid ng mga
Bulakenyo reklamo partikular na sa mga ilegal poster.
Ito ay kaugnay ng artikulong inilabas ng Mabuhay hinggil sa pagpapatanggal ng Comelec Bulacan sa mga tarpaulin poster ni Bro. Eddie Villanueva sa bakod ng Kapitolyo at ng mga katulad na poster ng Alay-Buhay party list sa mga terminal ng tricycle sa bayan ng Hagonoy noong Pebrero 21.
Ilegal na poster na ipinatanggal |
“Wala
na kaming oras kahit magbukas lang ng Facebook,” ani Duque.
Ipinaliwanag
niya na ang limitadong bilang ng mga kawani ng Comelec sa lalawigan ay
kasalukuyang nakatutok sa pagsasagawang mga voters education campaign.
Layunin
ng kampanya ang pagapapataas ng antas ng kaalaman ng mga botante para sa tapat,
malinis payapa at makahulugang halalan sa Mayo.
Sinabi
niya na magsasagawa ang mga tanggapan ng Comelec sa bawat bayan ng mga voters
education campaign simula ngayong Marso.
Gayunpaman,
sinabi niya na hindi nila tinatalikuran ang pagpapatupad ng batas sa halalan,
partikular na sa ilegal poster.
Sa
panayam, nagpasalamat si Duque samga nagsisipag-ulat sa kanila kung saan
matatagpuan ang mga ilegal na poster sa lalawigan.
Inihalimbawa
niya ang mga poster ni Villanueva at ng Alay Buhay partylist na matapos makunan
ng mamana ito ay itinawag sa Comelec Bulacan.
“Kailangan
natin ang aktibong pagbabantay sa halalan upang mapigilan ang mga pandaraya at
paglabag sa batas,” ani ng Abogado.
Iginiit niya na matapos matawag ang pansin hinggil sa mga ilegal poster sa kapitolyo at Hagonoy, agad din niyang tinawagan ang mga tagapag-ugnay ng mga kandidato maging ang election officer sa mga nasabing bayan upang tanggalin ang mga poster.
Ipinaliwanag
ni Duque na ang mga campaign posters ay dapat nakalagay sa mga common poster
area.
“Pag
wala sa coomon poster areal, ilegal yan, maliban yung mga mga nasa private
properties na may permiso,”aniya.
Sa
pag-iikot naman ng mamamahayag na ito sa bayan ng Plaridel, Bocaue, Balagtas,
Guiguinto, Paombong at Hagonoy, at maging sa Malolos, muling napansin ang mga
poster ng kandidato sa mga poste.
Ilan
sa mga ito ay muling nakunan ng larawan.
Sa bayan ng Baliwag, ilang residente na rin ang nagsimulang kunan ng larawan ang mga poster na nasa mga post eng kuryente.
Ang
mga nasabing larawan at naka-post na sa sa isang Facebook group ng mga
taga-Baliwag na tinatawag na Baliwag Socio-Political Group.
Una
rito, ipinayo ni Comelec Commissioner Grace Padaca ang paggamit mga social
networking sites sa pag-uulat ng mga paglabag sa batas ng halalan.
Ito
ay nasundan ng pagbubukas ng Comelec ng sariling Twitter at Facebook accounts.
Sa
panayam ng Mabuhay kay Padaca noong Disyembre, ang mga reklamo ay maaaring
matagalan bago mahatatulan, ngunit maaaring gamitin ang mga larawan sa social
networking sites upang mapuwersda ang mga kandidato na ituwid ang kanilang
pangangampanya. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment