MALOLOS—Isinailalim
na sa state of alert ang lalawigan ng Bulacan dahilsa patuloy na pagtaas ng
bilang ng mga hinihinalang kaso ng tigdas.
Higit
namang pinaigting ang pagbabantay sa lungsod na ito matapos magtala ng
pinakamataas na bilang ng kaso ng nakakahawang sakit, kasama ang mga bayan ng
San Miguel, Hagonoy at Calumpit.
Gayunpaman,
wala pang idinedeklarang outbreak ng tigdas sa lalawigan dahil hindi na pa
nakukumpirma kung ang virus na naging sanhi ng pagkakasakit ng mga Bulakenyo ay
nagmula sa tigdas.
Batay
sa tala ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) umabot sa 115 ang
kaso ng tigdas na naitala sa unang 16 na araw ng Enero.
Ito
ay higit na mataas na ulat na 90 na ipinalabas ng Provincial Public Health
Office (PPHO) noong Miyerkoles, Enero 15.
Batay
ulat ng PESU, nasa ilalim na ng state of alert ang lalawigan dahil sa mabilis
na pagtaas ng kaso ng hinihinalang tigdas.
Ito
ay nangangahulugan ng higit na pagpapaigting sa pagbabantay sa lalawigan
partikular na sa mga barangay.
Ayon
kay Dra. Jocelyn Gomez, pinuno ng PPHO, hindi pa nagdedeklara ng out break sa
Bulacan, ngunit nasa “outbreak mode” na ang kanilang pagkilos.
Ang
“outbreak mode” ayon kay Gomez ay ang mas maigting na monitoring at
surveillance.
Ito
ay nangangahulugan ng paghahanap o “tracking” sa mga “unimmunized children” o
mga kabataang hindi pa nababakunahan.
Kapag
natukoy at natagpuan ang mga nasabign kabataan, ay pinapayuhan ang mga magulang
nito na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maging mas matuibay ang katawan
laban sa tigdas.
Ang
tracking ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbisita sabawat bahay, samantalang
ang bakuna ay libre.
Inatasan
na rin ang mga duktor na bigyan ang mga kabataanng bitamina A, bukod pa sa araw-araw
na pag-uulat ng kaso ng tigdas na kanilang ginamot.
Ang
mga atas sa mga dukto ay ipinahatid rin sa mga lokal na opisyal na inatasan din
ng kapitolyo sa pamamagitan ng PPHO na magsagawa ng gawain upang mapataas ang
anatas ng kaalaman ng mga Bulakenyo laban sa tigdas.
Batay
sa tala ng PESU, ang mga naitalang nagkasakit ng tigdas sa Bulacan ay nasa
pagitan ng edad na dalawang buwan at 37
taong gulang.
Ayon
pa sa ulat,ang mga karaniwang (37) nagkasakit ay nasa edad na limang taon
pababa.
Bukod
dito,dalawa ang naitalang nasawi sa tigdas sa lalawigan sa unang dalAwang
linggo ng Enero.
Kabilang
dito ay isang batang may edad dalawang taon sa bayan ng San Miguel at sanggolna
may edad anim na buwan mula sa Barangay Taqbing-Ilog sa Marilao.
Ayon
kay Dr.Gomez, ang mga nasabig kaso ay pawang “suspek” lasa tidgas dahil hindi
pa natatapos ang pagsusuri ng RegionalInstitute for Tropical Medicine (RITM) na
nakabase sa kalakhang Maynila.
Ipinaliwanag
ni Gomez na ang bawat biktima kinakitaan ng sintomas ng tigdas at ang dalawang
nasawi ay namatay dulot ng kumplikasyon.
Dahil
hindi pa nakukumpirma ng RITMkung tigdas nga ang sanhi ng sintomas, patuloy na
pinag-iingat ang publiko. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment