Pacesetter staffers |
LUNGSOD
NG SAN FERNANDO, Pampanga—Muling nabawi ng Pacesetter ang pangkalahatang
kampeonato sa taunang Regional Higher Education Press Conference sa Gitnang
Luzon apat na taon matapos itong maagaw sa kanila.
Nadagdagan
pa ang tamis ng tyagumpay ng tanghaling natatanging mamamahayag si Jasmin
Lorraine Tan, ang punong patnugot ng Pacesetter na siyang opisyal na pahayagan
ng mga mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU).
Ito
ay matapos na magwahi ng tatlong medalyang ginto si Tan sa tatlong magkakahiway
na kategorya.
“Ang
tagal naming inasam na mabawi ang over-all championship na ito,” sabi Dr.
Romulo Mercado, ang direktor ng Students Pubolications sa [pamantasana, at siya
ring tagapayo ng Pacesetter.
Ayon
kay Mercado, matapos silang matalo sa The Guilds ng Bataan Peninsula State
College apat na taon na ang nakakaraan ay higit nilang pinataas ang antas ng
kakayahaan ng mga mag-arral sa likod ng Pacesetter.
Sa
sumunod na tatlong taon ay nabigo sila, ngunit hindi ito naging handlang upang
ipagpatuloy nila ang pagtatangka.
Ang
kanialng pangarap at patuloy na pagtatangka ay nagbunga matapos ang 13th
RHEPC na inorganisa ng Association of Tertiary School Paper Advisers (ATSPAR)
at isinagawa sa Villa Alfredo Resort na matatagpuan sa Barangay Balite ng
lungsod na ito noong Enero 15 hanggang 17.
Matapos
ang dalawang araw na paligsahan ay nalunod sa ingay ng hiyawan ng pagbubunyi
ang bakuran ng Villa Alfredo Resort noong Biyernes, Enero 17.
Bukod
sa mga kasapi ng Pacesetter at iba pang nagsipawagi, nakiisa rin sa pagbubunyi
ang 302 kabataang mamamahayag mula sa mahigit 30 pamantasan at kolehiyo sa
Gitnang Luzon.
Ang
pumangalawa sa taungn paligsahan ay ang The Guilds ng Bataan Peninsula State
University (BPSU) na humawak ng kampeonato sa nagdaang tatlong taon.
Ang
ikatlong puwesto ay nasungkit ng Industrialist, ang opisyal na pahayagan ng Don
Honorio Ventura Technological State University (DHVTSU), kasunod ng Regina ng University
of Assumption na nakabase sa lungsod na ito at ang The Defender BPSU-Balanga
City Campus.
Nasungkit
naman ng Genre of the Wesleyan University Philippines (WUP) ang ika-anim na
puwesto kasunod ang Sinukuan Gazette ng Pampanga Agricultural College (PAC), The Bastion ng Ramon Magsaysay Technological
State University (RMTU); The Work ng Tarlac State University (TSU), at The Pioneer
ng Angeles University Foundation (AUF).
Ang paligsahang isinagawa bawat taon ay may
dalawang pangunahing kategorya—group at individual.
Sa
group category, nasungkit ng Pacesetter mga parangal na Best Taloid at Best
Newsletter; samantalang ang The Guilds ang nagwagi ng Best Magazine at Best
Broadsheet. Ang Regina ng UA ang nanalo
sa Best Literary Folio.
Bukod sa pagtangay sa dalawang parangal sa
group category, humakot din mga manunulat ng Pacesetter sa individual category.
Sila
ay pinangunahan ni Jasmin Lorrain Tan na nagwagi ng gintong medalya sa sports
writing, column writing at developmental communication sa wikang Ingles.
Ang
iba pang manunulat ng Pacesetter ay nagwagi sa news writing at sports writing sa
wikang Pilipino at sa literary graphics; samantalang ang iba ay nakuha ang
ikalawa, ikatlo,ika-apat at ika-limang puwesto sa nilahukang kategorya.
Bilang
isang pangtehiyong paligsahan, ang mga nagsipagwagi sa 13th RHEPC
ang kakatawan sa Gitnang Luzon sa
Luzonwide Press Conference na isasagawa sa Lucban, Quezon sa Pebrero.
Kabilang
sa mga kakatawan sa rehiyon ay ang mga nagwagi saiba-ibang kategorya mula sa
una hanggang ikalimang puwesto.
Ang
13th RHEPC na isinagawa sa lungsod na ito ay naisagawa sa tulong ng
Pampanga Agricultural College (PAC) na nakabase sa bayan ng Magalang sa
lalawigan ng Pampanga. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment