Saturday, January 25, 2014

Malaking prayer rally ikinakasa ng Bulacan para sa rehabilitasyon ng Angat Dam





MALOLOS—Isang mas malawakang prayer rally ang ikinakasa ng kapitolyo sa susunod na buwan bilang bahagi ng pagpapaigting ng panawagan sa mabilisang pagpapakumpuni sa Angat Dam.

Ito ay matapos lumahok ang Bulacan sa national day of prayer and solidarity noong Lunes, Enero 20 o mahigit isang buwan matapos isagawa n gang Angat Dam break drill noong Disyembre 13.

“Ang orihinal na plano ay magsagawa ng malakihang prayer rally sa Pebrero kung saan ay mga 20,000 ang tinatayang lalahok,” sabi ni Gob. Wilhelmino Alvarado sa isang panayam matapos ang pananalangin sa mini-forest parkng kapitolyo noong Lunes, Enero 20.

Ang nasabing national day of prayer ay nilahukan ng may 2,000 mag-aaral, kawani ng kapitolyo, mga pastor at ilang lokal na opisyal sa lalawigan.

Ang nasabing bilang ay mababa sa inaasahan dahil sa biglaang ang paghahanda.

“Ang prayer rally natin ngayon ay bilang pakikiisa sa national day of prayer and solidarity na isinulong ng Malakanyang, pero mayroon pa tayong isang mas malaking rally sabi ng gobernador.

Iginiit niya na noong pangDisyembre ay pinag-aralan na nila ang pagsasagawa ng prayer rally upang maipaunawa saBulakenyo ang kahalagahanng panalangin kaugnay ng bantang hatid ng posibleng pagkasira ng Angat Dam kung lilindol ng malakas.


Ayon kay Alvarado, malinaw ang isinasaad ng ikalawang libro ng Kronika,sa Bibliya kung saan ay sinasabing pagpapalain ng Diyos ang bayan at hihilumin ang mga sugat nito kung ang bawat isa ay tatawag sa pangalan ng Diyos at magbabalik loob sa Diyos sa pamamagitan ng pagsisisi sa mga kasalanan.

Inayunan din ito ng mga pastor sa Bulacan kabilang si Abogado Elmo Duque, ang panglalawigan election supervisor ng Commission on Elections (Comelec) sa Bulacan na isa ring pastor.

Sa kaniyang sermon na inihatid kaugnay ng pagsasagawa ng maramihang pananalangin noong Lunes, binigyang diin ni Duque ang kapangyarihan ng Diyos.

Kabilang dito ang kapangyarihan at kakayahan na umibig, magbigay ng biyaya at magparusa.

Ipinaliwanag ni Duque na ang kapangyarihan ng Diyos na magparusa ay kaugnay ng pisalang hatid ng  kalamidad.

Ngunit iginiit niya na ang Diyos ay mapagpatawad kung ang tao ay magbabalik loob ay magsisisi sa kasalanan.

Sinabi pa ni Duque na napapanahon ang pagbabalik loob sa Diyos at pananalangin dahil sa nakambang banta mula sa posibleng pagkasira ng Angat Dam.

Ito naman ay ipinaliwanag ni Alvarado na maaaring mangyari anumang oras dahil sa lahat ng kalamidad,tanging ang lindol ang hindi natutukoy kung kailan darating at wala pang teknolohiya may kakayahang gawin ang paggtukoy kung kailan magaganap qang lindol.


Sa kanyang pahayag sa Mabuhay,sinabi ng punong lalawigan na ang sama-samang panalangin ay isang bahagi ng pagpapakumbaba sa Diyos at pagtawag pansin sa pamahalaang pambansa na simulan na ang pagkukumpuni sa Angat Dam.

“May pera naman,bakit hindi pa simulan ang rehabilitasyon upang tayo naman ay makatulog ng payapa ang isipan,” sabi ni Alvarado.

Ipinaliwanag niya na hanggat hindi natatapos ang pagpapakumpuni saAngat Dam, ang may 3-Milyong Bulakenyo ay mananatuiling may agam-agam sa dibdib at isipan.

Batay sa mga naunang pag-aaralng Philippine Institute of Volacanology and Seismology(Phivolcs),ang Angat Dam ay nakaupo di kalayuan sa Marikina West Valley Fault Line na anumang oras ay maaaring gumalaw.

Kung gagalaw ang MWVF, ito ay maaaring lumikha ng lindol na may lakas na 7.2 na maaaring sumira sa dam.

Kapag nasira ang dam, raragasa ang tubig at pipinsalain nito ang may 20 bayan at lungsod sa Bulacan, bukod pa sa pitong bayan sa Pampanga.

Batay naman sa pagtaya ni NoelOrtigas ng Engineering and Development Corporation of the Philippines (Edcop), maaaring umabot sa 100,000 ang masasawi sa Bulacan.

Ang Edcop ay ang kumpanyang nakasama ng Tonkin and Taylor International na nagsagawa ng pag-aaralsa katatagan ng Angat Dam mula Disyembre 2011 hanggang Mayo 2012.

Kaugnay nito, kung sakaling gagalw ang MWVF at lumindol ng 7.2, ipinahayag ng Metro Manila Development  Authority (MMDA) na malaki rin ang magiging pinsala sa kalakhang Maynila, at magiging matagalamang epekto.

Sa pag-aaral tinataya na aabot sa 33,000 ang masasawi sakalakhang Maynila at aabot sa mahigit 100,000 ang masusugatan.

Ngunita ng higit na nakapangangamba ang posibleng pagkaputol ng supply ng tubig sa kalakhang Maynila sa matagal na panahon.

Ayon sa pagtaya ng MMDA, maaaring magkaputol putol ang mga padaluyan ng tubig o aqueduct at pipeline ng dalawang konsesyunaryo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Kung hindi manmasiraang Angat Dam at nagkaputol-putolang padaluyang tubig, tinatayang matatagalan ang pagkukumpuni nito upang maibalik ang dating serbisyo. Dino Balabo

No comments:

Post a Comment