Calumpit bridge |
CALUMPIT,
Bulacan—Handang-handa ang mga paaralang pampubliko sa lalawigan sa pagbubukas
ng klase noong Lunes, Hunyo 2, ngunit ang sumalubong sa kanila ay mga di pa
natatapos na kinukumpuning tulay at mga lansangan.
Kaugnay
nito, pinalalahanan Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga
kontraktor ng mga pagawaing bayan sa lalawigan na madaliin ang mga proyekto
upang hindi makaabala at di abutan ng tag-ulan.
Ikinagalak
naman ni Gob. Wilhelmino Alvarado ang maayos at payapang pagbubukas ng klase sa
buong lalawigan kung saan ay daan libong mag-aaral ang nagbalik eskwela.
Ipinagmalaki
ng punong lalawigan ang paghahanda sa 457 paaralang elementarya at 87 paaralang sekundarya sa lalawigan na
noong nakaaarang linggo ay nilinis at kinumpuni kaugnay ng pagsasagawa ng
taunang Brigada Eskwela.
Bukod
dito, ipinagmalaki rin ng punong lalawigan na sapat ang mga silid aralan
salalawigan dahil sa halos 2,000 silid aralan na naitayo sa nagdaaang dalawang
taon.
Ang
konstruksyon sa mga nasabing silid
aralan ay pinondohan ng kapitolyo at ng Department of Education (DepEd).
Hinggil
sa kapayapaan at kaayuna, naging maagap dinang kapitolyo sapag-uutos
sakapulisan upang magtalaga ng mga pulis sa mga istratehikong lugar upang matiyak
ang kaayusan at kapayapaan.
Ngunit
ang sa kabila ng mga paghahandang ito, ang naiwasan ng maraming mag-aaral
partikular na sa sekundarya ay ang trapiko sa mga piling lansangan sa lalawigan
sanhi ng mga di pa natatapos konstruksyon at rehabilitasyon ng mga lansangan at
mga tulay.
Kabilang
dito ang tulay sa bayang ito na noong huling linggo ng Mayo ay bumagsak; at ang
tulay sa bayan ng Balagtas na sa kahabaan din ng MacArthur Highway.
Ang
tuilay sa Balagtas ay nadadaanan ng mga sasakyan tulad ng mga bus at public
utility jeepney.
Ngunit
ang tulay sa bayang ito ay hindi dahil kasalukuyan pa itong kinukumpuni, bukod
pa sa pagbagsak ng gitnang bahagi nito noong Mayo 25.
Dahil
sa sarado pa ang tulay sa bayang ito,ang mga tao ay nagsisitawid sa pinatatag na
hanging bridge na katabi nito.
Ang
mga motorsiklo naman ay isinasakay sa mga bangka at itinatawid sa ibayo ng Ilog
Angat.
Ito
ay dahil sa hindi pa natatapos ang idinadagdag na tig-isang metro espasyo sa
magkabilang gilid ng hanging bridge.
Ayon
sa DPWH, kapag natapos ang nasabing dagdag na espasyo, makakatawid na rin ang
mga mottorsiklo sa nasabing hanging bridge.
Hinggil
naman sa konstruksyon at mga rehabilitasyon ng mga lansangan, hindi pa rin
natatapos ang lansangan sa bahagi ng bayang ito, maging sa Hagonoy, Paombong
at Lungsod ng Malolos.
Mahaba
pa rin ang kalsadang kinukumpuni sa kahabaan ng MacArthur Highway sa bahagi ng
mga bayan ng Bocaue, Marilao, at Lungsod ng Meycauayan.
Ayon
sa ilang magulang,kailngang gumising ang kanilang mga anak ng maaga upang
makatiyakna makakarating sa oras sa paaralan.
Ito
ay upang makaiwas din sa mabagal na daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Bukod
rito, iginiit ng ilan na dapat ng ipakumpuni ang hanging bridgena nag-uugnay sa
Barangay Iba, Hagonoy at Barangay Iba Este sa bayang ito.
Maging
ang hanging bridge sa Sitio Parong-parong sa Barangay San Agustin sa bayan ng
Hagonoy ay ipinanawagang maipakumpuni agad.
Nagpasalamat
naman ang mga guro at mag-aaral sa Barangay Abulalas sa Hagonoy dahil nakumpuni
na ang hanging bridge sa kanilang lugar. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment