Showing posts with label Bustos Dam. Show all posts
Showing posts with label Bustos Dam. Show all posts

Saturday, November 2, 2013

Proyektong di pa natatapos, pinangangambahan na

 

MALOLOS—Dalawang proyektong pang-imprastraktura ang Bulacan ang pinangangambahan ngayon sa kabila na hindi pa ito natatapos.

Bukod sa mga proyektong ito, dalawang dam din sa lalawigan at limang hanging bridge ang natukoy ng Mabuhay na pinangangambahan ng mga Bulakenyo batay sa magkakahiwalay na panayam.

Ang pagtitipon ng mga impormasyong ito ay kaugnay ng taunang paggunita sa Undas na karaniwang tinatampukan ng mga nakakatakot na kuwento.

Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga imprastrakturang sinasabing pinangangambahan.

 Angat Dam
Bustos Dam
Hanging Bridge sa Gatbuka
Hanging Bride sa Iba
Hanging Bridge sa Abulalas
Hanging Bridge sa Parong-parong
Kanal sa MacArthur Highway
Plaridel-Bustos by-pass road
Hanging Bridge sa Divine Mercy
Rehabilitasyon ng MacArthur Highway sa Calumpit

Narito ang ilang impormasyon kung bakit pinangangambahan ang nasabing imprastraktura.

 Angat Dam. Ang 47-taong gulang na Angat Dam ay matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Norzagaray, Bulacan. Ito ang pinagkukunan ng  97 porsyentong tubig inumin ng kalakhang Maynila. Batay sa pag-aaral ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang dam ay nakaupo di kalayuan sa West Marikina Valley Faultline na posibleng gumalaw anumang oras na maaaring ikasira ng dam. Nagpalabas na ng pondo ang Malakanyang para sa rehabilitasyon ng dam, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nasisimulan ang pagpapasubasta para sa pagpapakumupuni nito.

Bustos Dam. Ito ay nagsisilbing after bay regulator dam ng Angat Dam, at matatagpuan sa pagitan ng mga bayan ng San Rafael at Bustos.  Itinuturing na pinakamahabang rubber gate dam sa buong Asya ang Bustos Dam. Ang mga rubber gate nito at huling pinalitan njoong 1998, ngunit sinasabing marupok na dahil sa init ng panahon. Naghanda na ng pondo ang pamahalaang nasyunal para sa pagpapakumpuni nito na tatampukan ng pagaalis ng rubber gate at papalitan ng kongkreto.  Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang aprubadong disenyo para sa pagpapakumpuni.

Hanging Bridge sa Gatbuka.Ang hanging bridge na ito ay nakahanay sa kinukumpuning Gatbuka Bridge sa bayan ng Calumpit. Ito ay itinayo kamakailan lamang upang makaiwas sa disgrasya ang mga tumatawi.  Ngunit umiindayog ang nasabing hanging bridge.  Ayon kina Gob. Wilhelmino Alvarado at Inhinyero Ruel Angeles ng Department of Public Works and Highways (DPWH), patitibayin ang hanging bridge sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tahilang bakal upang mabawasan ang pag-indayog.


Hanging Bride sa Iba. Halos 30 na ang hanging bridge na ito na may habang mahigit 300 metro patawid ng Labangan Channel.  Higit na lumaki ang sira nito noong Oktubre 2011 kaugnay ng bagyong Pedring at Quiel. Tumaas ang tubig sa Labangan Channel at bumalandra ang mga water lily sa hanging bridge hanggang sa mapalipit ito. Matagal na itong inirereklamo at ilang beses na ring kinumpuni ngunit hindi pa rin nababawasan ang pangamba ng mga magulang ng mga batang paslit na tumatwid dito araw-araw sa pagpasok sa eskwela.

Hanging Bridge sa Abulalas.Halos kasabay itong itinayo ng hanging bridge sa Barangay Iba.  Ilang beses na ring ipjnakumpuni, ngunit ang mga materyales na ginamit ay mga kawayan lamang.  Araw-araw din itong dinadaanan ng mga batang mag-aaral.
 
Hanging Bridge sa Parong-parong. Katulad ng mga hanging bridge sa Iba at Abulalas, ang hanging bridge na ito na tumatawid sa Sitio Parong-parong San Agustin at Barangay San Pablo ay matagal na ringhinihiling maipakumpuni. Ngunit katulad ng pahayag ng mga opisyal ng mga pamahalaang lokal patingkol sa mga hanging bridge sa Iba at Abulalas, iginiit nila na ang daring nagmamantine nito ay ang Pampanga River Control System (PRCS) na mula pa noong 1992 ay nabuwag na at inilipat sa Pampanga.

Kanal sa MacArthur Highway. Hindi pa natatapos ang kanal na magkabilang bahagi ng MacArthur Highway mula sa Barngayu Longos sa malolos hanggang sa Brgy. Pio Cruzcosa sa Calumpit ay binasag at kinumpuni na. Ito ay Bahagi ng road widening project ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ngunit ayon kay Bokal Michael Fermin na dalawang beses ng nagkasakit ng dengue, maaaring pangitlugan lamang ng lamok ang  nasabing kanal dahil hindi ito dumadalo sa Labangan Channel.


Plaridel-Bustos by-pass road. Bago pa mapasinayaan ang lansangang itonoong Marso ay inirereklamo na ng mga motorist ang pagiging madilim kung gabi.  Ang totoo, ilan na ang naaksidente doon,kabilang ang isang trak ng military na sumalpok sa isang tricycle.  Bukod dito, walang bakod ang by-pass road kaya’t maraming sumusulpot na sasakyan sa mga kanto nito.

Hanging Bridge sa Divine Mercy.  Sinasabing nasira ng hanging bridge na ito noong 2009 matapos ang pananalasa ng bagyong Ondoy sa bayan ng Marilao. Ito ay nagsisilbing pangunahing daan mula sa barangay Lambakin patungo sa Divine Mercy National Shrine sa nasabing bayan.

Rehabilitasyon ng MacArthur Highway sa Calumpit. Ang proyektong ito ng Department of Public Works and Highways sa pagitan ng Malolos at Calumpit at itinuturing na isang halimbawang proyektong hindi ikinonsulta samga mamamayang maaapektuhan ng proyekto. Dahil lumulubog sa baha ang nasabig lansangan, itinataas ngayon ito ng halos isang metro.  Ang pangamba ng mga residente sa silangang bahagi ng highway ay ang posibleng paglubog ng kanilang mga bahay kapag muling lumakas ang ula katulad noong Agosto 2012.  Ito ay dahil na rin sa dati, kapag umulan ang tubig na umapaw sa mga bukirin sa bahagi ng Plaridel at Calumpit ay tumatawid ng MacArthur Highway at dumadaloy sa bukirin sa bahagi ng Paombong. Ngunit dahil sa taas ng kalasada ngayon, aabot munang isang metro ang lalim ng tubig bago tumawid ng highway at dumaloy patungong Paombong. Maiiwasan lamang ang posibilidadna ito kung huhukayin aat palaaparinang sapang dumadaloy sa may harap ng Cabanas at Grand Royale Subdivision, na dumadaloy naman patungong Paombong.  (Dino Balabo)

Friday, October 11, 2013

Pagyanig ng Bustos dam, pinangangambahan

 
Bustos Dam

BUSTOS, Bulacan—Hindi pa man umaabot sa spilling level na 17.80 meters above sea level (masl) ang tubig sa Bustos Dam ay nagpapatapon ng ito ng tubig.

Ito ay bahagi ng pangangalaga sa nasabing dam na may anim na rubber gates, kaya’t ito ang itinuturing na longest rubber gate dam, sa buong Asya.

Ayon kay Inhinyero Precioso Punzalan ng National Irrigation Administration na siyang namamahala sa dam, iniiwasan nila na umbot sa 17.70 masl ang water elevation doon upang maiwasan ang pagyanig.

“Pag mataas ang water elevation, yumayanig ang mga rubber gates, lalo na pag may alon sa reservoir,” sabi ni Punzalan.
Engr. Punzalan habang kinakapanayam ng BulSU students

Ipinaliwanag niya na ang nasabig pagyanig ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng rubber gate dahil ang mga ito inflatable o may hangin sa loob at nakaturnilyo lamang.

“Siyempre, kagagalaw niyan dahil sa vibrations, maaaring masira yung pagkakaturnilyo at tuluyang matanggal ang rubber gate,” sabi niya.

Ito ay maaaring magbunga ng pagbaha sa mga bayan sa ibaba ng Ilog Angat, tulad ng mga bayan ng Pulilan, Calumopit at Hagonoy; bukod pa sa maaaring maging problema sa kakulangan sa patubig ng magsasaka sa panahon ng tag-araw.

Ayon kay Punzalan, kapag nabuksan ang isang rubber gate ng Bustos Dam ay tatapon ang 500 hanggang 600 cubic meters per second ng tubig.

Ang dami ng tubig na ito ay maaring maghatid ng pagbaha sa Calumpit at Hagonoy, depende sa kalagayanng ng panahon at lalim ng tubig sa kailugan.

Bukod sapag-iingat sa pagyanig ng mga rubber gate, iginiit pa ni Punzalan, sa talagang pinananatili nila ang water elevation sa dam upang hindi ito umabot sa lalim na 18 masl.

Ipinaliwanag niya na kapag umabot sa nasabing water elevation ang tubig sa dam, awtomatikong  iimpis ang dalawang inflatable rubber gate nito.


Ang pag-impis na ito ay magiging daan sa pagtapon ng 1,200 hanggang 1,500 cms na tubig depende sa lalimng tubig sa reservoir at kalagayan ng panahon.

Ang dami ng tubig na tatapon ay tiniyak ni Punzalan na muling magpapalubog s amga bayan ng Pulilan,Paombong, Hagonoy at Calumpit.

Matatandaan na noong 2011, lumubog ang mga nasabing bayan sa malalim na baha dahil sa pagpapatapon ng Bustos Dam ng 1,700 cms ng tubig hatid ng malakas na ulan ng Bagyong Pedring.

Ang 700cms na pinatapon ng Bustos Dam noon ay nagmula sa Angat Dam sa bayan ng Norzagaray.

Sa kabila namn ng unti-unting pagpapatapon ng tubig ng Bustos Dam, ipinaliwanag ni Punzalan, na hindi naman maaring pababain ng husto ang water elevation sa dam.

“Hanggang 17.40 masl lang ang pinakamababa naming dahil kailangang may tumapong tubig sa ibabaw ng rubber gates,”sabi niya.

Ipinaliwanag na Punzalan naang pagpapaapaw ng tubig sa rubber gates ay bahagi rin ng pangangalaga sa mga ito.

Ayon kay Punzalan,kailangan panatilihin nilang malamig ang rubber gate sa pamamagitanng pagpapaapaw ng tubig upang hindi ito direktang nasisinagan ng araw.

Katuladng ibang produktong yari sa goman, ang direktang sikat ng araw ay nagpaparupok sa rubber gate ng dam.

Inihalimbawa ni Punzalan ang sumabot na rubber gate dam sa Florida sa Estados Unidos.

Ang nasabing rubber gate ay halos kasabay na ikinabit ng rubber gates sa Bustos Dam.

Iyon ay nasira dahil init ng araw na halos nakakatulad ng panahon sa Pilipinas.


“Tropical country ang Pilipinas at halos nakakatulad ng panahon sa Florida kaya, maaring masira din agad ang mga rubber gates natin,” sabi niya.

Batay sa pag-aaral,ang rubber gates ay mag life span na 30 taon, ngunit ang sumabog sa Florida ay nasa 15 taon pa lamang.

“Dahil yan sa constant exposure to element katulad ng sunlight,”sabi niya.

Ang kalagayang ito ay ikinabahala ng mga opisyal ng NIAat ni Gob. Wilhelmino Alvarado kaya’t nanawagan sila sa Malakanyang para sa mabilisang pagpapakumpuni sa Bustos Dam.

Ito ay upang palitan ng kongkreto ang mga rubber gate.

Agad namang tumugon ang Malakanyang sa pamamagitan ng paglalaan ng may P1.5-Bilyong pondo.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay  hindi panasisimulan ang pag-aaral sa gagawing disenyo sa dam, at hindi pa rinnasisimulan ang pagpapasubasta sapagkukuni nito.  Dino Balabo

PAALALA:  Ang artikulong ito ay unang nalathala sa October 4-10, 2013 edition ng Mabuhay.

Monday, August 19, 2013

Walang dapat ipangamba sa pagpapatapon ng tubig ng dam







MALOLOS—Walang dapat ipangamba ang mga Bulakenyo sa kabilang pagpapatapon ng tubig ng dalawang dam sa lalawigan.

Ito ang buod ng mga naging pahayag ng matataas na opisyal sa lalawigan matapos magpatapon ng tubig ang Ipo at Bustos Dam  noong Linggo.

Ayon kay Gob. Wilhelmino Alvarado, ang pagpapatapon ng tubig ay bahagi ng preemptive release ng mga dam.

“Kontrolado at unti-until lang ang kanilang pagpapatapo,” ani Alvarado at sinabing ito ay bahagi ng paghahanda sa posibilidad ng dagdag na ulan na darating hatid ng pagpapaigting ng bagyong Maring sa hanging habagat.

Inayunan din ito ni Liz Mungcal,ang hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na nagsabing maliit lamang ang ipinatapong tubig ng dalawang dam.

Batay sa talang PDRRMO, mababa sa 200 cubic meters per second ang ang pinagsamang tubig na pinatapon ng dam.

Nilinaw ni Mungcal na hindi ito masyadong makaapekto samga bayan ng Hagonoy at Calumpit at iginiit na kung aabot sa 500 cms ang patatapuning tubig, magbubunga ito ng pagbaha.

Ngunit sa kabila ng pahayag ng dalawa ay halos kalahati ng 26 na barangay sa bayan ng Hagonoy ang lumubog kahapon.

Ayon kay Hilton Hernando ng Pampanga River Flood Forecasting Warning Center, ang nasabing pagbaha ay hatid ng high tide o pagtaas ng tubig mula sa dagat.

Ngunit para sa mga residente ng Hagonoy, ang high tide ay pinalubha pang magdamang na ulan mula noong Linggo.

Gayundin ang pananaw ng mga residente ng Paombong, Marilao, Meycuayan, Obando at Bulacan.

Inamin nila na mataas ang high tide kahapon, ngunit higit na tumaas ito dahil sa nakadagdag ang malakas na ulan noong Linggo ng gabi.  Dino Balabo


Wednesday, April 17, 2013

Pagpapatibay ng tatlong dam sa Bulacan, nakalinya na sa 2014



 
LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan-- Inilinya na ng pambansang pamahalaan sa susunod na taon ang pagpapatibay sa tatlong dam ng Bulacan-Angat, Bustos, at Bulo.

Sa isang panayam, sinabi ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado na unang patitibayin ang Angat na siyang nagsusuplay ng 95 porsyento ng tubig at kuryente sa kalakhang Maynila.

Matatandaan na nirekomenda ng Tonkin & Taylor na kinakailangan nang mas patatagin at mas tumibay pa ang istraktura dahil ito ay nakatayo sa gilid ng West Marikina Valley Fault .

Tinatayang aabot sa hanggang sa limang bilyong piso ang kabuuang halaga ng
rehabilitasyon na katumbas ng dalawang financial package. Shane Frias Velasco, PIA 3