Thursday, August 21, 2014
Thursday, August 7, 2014
Libo-libong trabaho lilikhain ng P10-B puhunang ibubuhos ng mga Koreano sa Bulacan
PANDI,
Bulacan—Inaasahang lilikha ng libo-libong trabaho ang P10-Bilyong investment na
ibubuhos ng mga Koreanong negosyante sa Bulacan sa mga susunod na buwan.
Ito
ay kaugnay ng pakikipag-ugnayan ni Mayor Enrico Roque ng bayang ito sa mga
negosyanteng Koreano kamakailan.
Ang
nasabing investment ay bukod pa sa naunang halos P20-B o mahigit sa
$440-Milyong puhunang ginamit ng Korea Water Resources Corporation (K-Water)
upang mapagwagian ang bidding para sa pagsasapribado ng Angat River Hydro
Electric Power Plant (Arhepp) sa Norzagaray, Bulacan noong nakaraang taon.
Bilang
pangulo ng Liga ng mga Alkalde sa Bulacan, sinabi ni Roque hindi bababa sa
P10-B ang halagang mga puhunang ibubuhos ng mga Koreano sa mga itatayong
negosyo sa ibat-ibang bayan ng lalawigan.
Ayon
kay Roque nakatakdang simulan sa lalong madaling panahon ang pagtatayo ng mga
naglalakihang negosyo sa Bulacan partikular na sa mga bayang walang kapasidad o
kulang sa pondong pinansyal upang makapagpatayo ng sentro ng komersyo gaya ng
mga pamilihang bayan.
Kabilang
sa mga negosyong nakatakdang ipatayo ng mga negosyantent Koreano ay mga
commercial complex at supermarkets kagaya ng Savemore, Puregold, drugstores tulad
ng Mercury Drug, mga bigtime na foodchains gaya ng Jollibee at McDonalds, mga ang
mga pribadong pamilihan para sa mga bayang wala pang pamilihang bayan.
Bukod
dito ay plano rin magtayo sa may 15 ektaryang lupain sa Bulacan ng mga Koreano ng kauna unahang Outlet Store
sa bansa kung saan makikita rito ang aabot sa 400 na kilalang imported brands
mula sa ibat ibang bansa gaya ng Prada, Coach, Ferragamo, at Tods.
“Tiyak
na mag-ge-generate ito ng libo-libong job opportunities sa ating mga
kalalawigan,” ani Roque.
Binigyang
diin niya na isa sa nakitang bentahe ng mga Koreano sa Bulacan ay ang
istratehikong lokasyon nito sa pagitan ng dalawang international airport—ang
Ninoy Aquino International Airport NAIA) sa kalakhang Maynila at ang Clark
International Airport (CIA) sa Lungsod ng Angeles sa Pampanga.
Ayon
pa kay Roque, bukod samga dagdag na negosyong itatayo ng iba pang negosyangte,
tiyak din dadayuhin ng mga turista ang Bulacan dahil sa patuloy na pag-unlad
nito.
“Nagiging
magnet na ng investments at dumadagsa na sa Bulacan ang mga foreign at local
investors dahil sa patuloy na pagyabong nito na bunga ng magandang pamamahala
ng ating mga leaders sa pangunguna ni Gov. Willy Alvarado,” sabi ni Roque.
Kaugnay
nito, ipinahayag ni Gob. Alvarado ang pagpapahayag ng interes ng mga kasapi ng
Filipino American Chamber of Commerce sa Bulacan.
Ito
ay matapos na bumisita sa lalawigan ang mga negosyanteng Fil-Am ilang araw
matapos pasinayaan ang Ciudad de Victoria ng Iglesia ni Cristo sa bayan ng
Bocaue kung saan ay matatagpuan din ang Philippine Arena, ang pinakamalaking
mixed-used indoor arena sa buong mundo.
Ayon
kay Alvarado, ang mga pagbisita at pagkakaroon ng interes ng mga negosyante na
magnegosyo sa Bulacan ay isang palatandaan ang pag-imbulog ng ekonomiya ng
lalawigan.
Una
rito, kinatigan ng Korte Suprema ang pagwawagi ng K-Water sa bidding ng
pagsasapribado ng Arhepp noong nakaraang taon.
Ang
K-Water ay nagwagi dahil sa bid na mahigit $440-M para sa Arhepp, ang power
generating facility ng Angat Dam na kasalukuyang nasa pamamahala ng National
Power Corporation (Napocor).
Batay
sa tala, mahigit tatlo taon na ang nakalipas matapos manalo sa bidding ang
K-Water ngunit ito ay naantala matapos harangin ng mga petisyon sa Korte
Suprema.
Noong
nakaraang taon, kinatigan ng Korte Suprema ang K-Water matapos itong
maki-pagsosyo sa grupo ni Ramon Ang ng San Migue Corporation.
Sa
kasalukuyan ay hininihintay na lamang ang pormal na pagsasalin ng pamamahala sa
Arhepp mula sa Napocor patungo sa K-Water. (Dino Balabo)
Tuesday, July 29, 2014
Bayanihan susi sa pagbangon sa kalamidad
HAGONOY,
Bulacan—Hindi pa naiaayos ang mga kagamitang nasalanta sa loob ng kanilang
tahanan ay tumulong na sa paglilis sa Pugad Elementary School sina Kagawad
Ariel Dela Cruz, Renato Gregorio at Gilbert Tamayo.
Bukod
dito, nasira din ang bahagi ng kanilang tahanan, partikular na si Gregorio na
tuluyang nawasak ang bahay.
Agad
namang namahagi ng relief good ang pamahalaang bayan ng Hagonoy sa mga Barangay
ng Pugad at Tibaguin noong Biyernes, Hulyo 18 o dalawang araw matapos manalasa
ang bagyong Glenda.
Ito
ay ilan lamang sa mga larawan ng pagbabayanihan ng mga residente ng bayang ito
upang mapabilis ang pagbangon ng mga mamamayang naapektuhan at nasalanta ng
bagyo.
Bukod
naman sa mga kagawad ng barangay Pugad, nakiisa rin ang mga guro,magulang, at
mga mag-aaral ng nasabing paaralan sa paglilinis ng mga silid aralan na napinsala
ng storm surge na hatid ng bagyo ng ito ay tumawid sa Manila Bay noong
Miyerkoles.
Katunayan,
suspendido pa ang klase ay nagsibalik na ang mga guro ng Pugad Elementary
School noong Huwebes, Hulyo 17 sa pangunguna ng kanilang head teacher na si Jocelyn
Perez.
Ito
ay upang simulan ang pagsusuri sa pinsala sa paaralan at ang paglilinis.
Kinabukasan,
unang araw ng klase matapos ang pananalasa ng bagyo, si Perez at pito pang guro
ng paaralan ay sinamahan at tinulungan sa paglilinis ng mgamagulan, mag-aaral
at opisyal ng barangay.
“Katatapos
lang naming ng Brigada Eskwela, balik na naman kami sa paglilinis,” ani Perez
sa panayam ng Mabuhay.
Ang
tinutukoy niya ay ang isinawang Brigada Eskwelanoong Mayo o dalawang buwan pa
lamang ang nakalilipas.
Sa
pagsasagawa ng Brigada Eskwela noong Mayo, ikinuwento ni Perez ang naging
sakripisyo ng bawat isa sa paglilinis, pagpipintura at pagkukumpuni ng mga
silid arala, maging ng mga mesa at silya ng mga mag-aaral.
Ngunit
anuman ang kanilang nagawan noong Mayo, ang mga itoay naglaho sa loob ng isang
iglap noong Miyerkoles ng salpukin ng malalaking alon ang mga gusali ng
paaralan at nawasak ang pader nito.
Bukod
dito, nasira din ang mga bintana, maging ang mga kagamitan ng mga guro tulad ng
mga mesa, silya, libro.
Maging
ang computer, telebisyon, DVD player,printer sa tanggapan ni Perez ay
napinsalan, kasama ang lahat ng bentilador sa siyamna silid aralan ng paaralan.
Sa
kabila nito, tiniyak ng punong guro na magiging regular ang kanilang klase sa
Lunes, Hulyo 21.
“Pipilitin
po naming para madaling makabangon ang mga bata,” aniya.
Hinggil
sa kakulangan ng mga gamit sa pagtuturo ng mga guro, sinabi niya na “kakayanin
yan ng mga teacher natin.”
Bukod
dito, ipinagmalaki rin niya ang suporta ng mga residente ng barangay Pugad.
Inayunan
din ito nui Mary Anne Agulto, ang pangulo ng Parents Teachers Community
Association (PTCA) ng nasahing paaralan.
Si
Agulto ay isa sa maraming magulang na tumulong noong Biyernes sa paglilins sa
paaralan.
“Nakita
kokasi yungmga nanay na nagpupuntahan dito kaya sumama na rin ako,” ani Agulto
na ang tahanan ay bahagya ring napinsala.
Para
naman kina Dela Cruz, Gregorio at Tamayao, hindi nila maaaring pabayaan ng
paaralan.
Ito
ay hindi lamang sa sila mga Kagawad ng Barangay, sa halip ay bilang mga dating
estudyante bukod sa ang kanilang mga anak ay doon din nag-aaral.
“Kailangang
makabalik agad sa klase ang mga estudyante para magbalik sanormalang buhay,”
ani Tamayo.
Inayunan
din ito ni Kagawad Alfredo Lunes na ang may-bahay ay isa samga guro sa nasabing
paaralan.
“Hindi
naming maaring pabayaan itong school, dito kami lahat nag-aral, pati mga
magulang naming ay dito rin nag-aral,”ani Lunes.
Kaugany
nito, naghatid ng ngiti sa mga residente ng Pugad at Tibaguin ang ipinamahaging
relief goods nina Mayor RaulitoManlapaz at Vice Mayor Pedro Santos.
Sa
panayam, binigyang diin ni Manlapaz na mas binigyang prayoridad nila ang ang
dalawang barangay dahil mas malaki ang naging pinsala sa mga ito.
“Maliit
na tulong lang iyan para makabangon agad sila,” ani Manlapaz. (Dino Balabo)
Presyo ng bangus bumagsak
HAGONOY,
Bulacan—Bumagsak ang presyo ng bangus sa bayang ito matapos ang pananalasa ng
bagyong Glenda noong Hulyo 16.
Ito
ay dahil sa pagkasira ng mahigit sa 50 porsyento ng may 13,000 ektaryang
palaisdaan at mga fish cages sa baybayin ng bayaing ito na nakaharap sa Manila
Bay kung saan dumaan ang mata ng bagyo.
Ayon
Pedro Santos, bise-alkalde ng bayang ito, bumaba sa P30 hanggang P40 bawat kilo
ang presyo ng bangus matapos ang pananalasa ng bagyo.
“Hanggang
nitong Biyernes (Hulyo 18), bumaba sa P40 ang kilo,” ani ng Bise-Alkalde
patungkol sa presyo ng bangus na ang dating presyo bago bumagyo ay umaabot ng
P110 bawat kilo.
Isa
sa itinuturong dahilan ay ang pagkasira ng mga pilapil ng palaisdaan at mga
bakod ng fish cages na nasa baybayin ng Hagonoy.
Dahil
dito, tumapon onakawala sakailugan ay baybayin ng Manila Bay ang inaalagaang
bangus.
Ayon
kay Santos, nagdulot ng pagkalugi sa mga namamalaisdaan ang pagkasira ng
kanilang palaisdaan, ngunit nakinabang naman ang maliliit na mangingisda.
Kinatigan
din ni Mayor Raulito Manlapaz ang pahayag ni Santos hinggil sa pakinabang ng
maliliit na mangingisda na naglarawan sa karanasan bilang pamamaraan ng
kalikasan upang ipamahagi ang biyaya.
Sa
panayam ng Mabuhay kay Manlapaz, sinabi niya na halos 50 porsyento ng may
13,000 ektrayang palaisdaan sa bayang ito ang nasalanta.
Ito
ay nangangahulugan na halos 5,000 ektarya ng mgha palaisdaan at fish cages ang
napinsala ng storm surge na hatid ng bagyong Glenda.
“Malaki
ang pinsala sa ating aquaculture, pero nakinabang ang maliliit nating
kababayan. Sana ay makatulong iyon sa kanilang mabilis na pagbangon,” ani
Manlapaz.
Sa
pagbisita naman ng Mabuhay sa mga Barangay Pugad at Tibaguin noong Biyernes,
Hulyo 18 ay nasaksihan ang masaganang huli sa bayabaying dagat.
Ito
ay masasalamin sa mga bangus na dinaing at ibinilad sa araw upang matuyo na
nakunan ng larawan sa Barangay Tibaguin.
.Bukod
dito, nakunan din ng larawan ngMabuhay ang mga batang naglalaro sa gilid ng
dagat habang hawak ang maliit na lambat na may huli o nakatingang isda.
Para
namn sa mga Kagawad ng Barangay Pugad na sina Ariel Dela Cruz at Renato
Gregorio, karaniwang nakakaranas ng masaganang huli sa baybayin ng Bulacan
matapos ang bagyo.
Ngunit
sa paglisan ng bagyong Glenda, sinabi nila na mas marami ang nahuhuling bangus
sa karagatan.
“Parang
ipinamahagi lang ang biyaya sa maraming tao,” sabi ni Dela Cruz.
Kaugnay
nito, iniulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na
umabot sa P29,349,965 ang halaga ng inisyal na pinsala sa pangisdaan sa lalawigan.
Obando isinailalaim sa state of calamity
OBANDO, Bulacan—Isinailalim sa State of Calamity ang bayan ng Obando noong Biyernes, Hulyo 18 o dalawang araw matapos manalasa ang bagyong Glenda.
Sa panayam kay Mayor
Edwin Santos, ipinaliwanag niya na ang pagdedeklara ng State of Calamity ay isa
ring paghahanda sa posibilidad ng pananalasa ng iba pang bagyo tulad ng bagyong
Henry.
Ayon kay Santos, umabot
sa mahigit 300 pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Glenda, bukod
pa sa 30 pamilya sa Barangay Salambao na ang mga tahanan ay nawasak.
Batay pa sa laiwanag ng
alaklde, mahalaga ang pagsasailalim sa kanilang bayan sa state of calamity
upang makapaglabas ng pondo sa relief operations.
Bukod dito, isa ring
paraan ang state of calamity of mapigilan nila ang posibilidad ng pagtaas ng
presyo ng mga pangunahing bilihin.
Kaugnay nito,
iniulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na umabot sa
anim katao ang nasugatan sa pananalasa ng bagyo sa lalawigan, bukod sa isang
nasawi.
Sa hanay ng pinsala sa
pagsasaka, inulat ng PDRRMO na umabot sa P29,501,510 ang inisyalna halaga ng
pinsala.
Kabilang
dito ang P151,545 na halaga ng pinsala sa palayan, at P29,349,965.00 na halaga
ng pinsala sa pangisdaan.
Hindi
pa kasama sa ulat ang pinsala sa gulayan, maisan, manggahan, at maging sa mga
ari-arian at imprastraktura. Rommel Ramos, Dino Balabo
40 toneladang bigas ang donasyon ng Taiwan sa Bulacan
MALOLOS—Maagang
donasyon.
Ito
ang mga katagang ginamit ni Gob. Wilhelmino Alvarado sa pagbibigay sa Bulacan
ng donasyon ng pamahalaan at mga negosyante ng Taiwan.
Ang
donasyon na ipinamahagi rin agad samga Bulakenyo ay pormal na ipinagkaloobnoong
Linggo, Hulyo 13, o tatlong araw bago manalasa ang bagyong Glenda sa lalawigan.
Ang
pagbibigay ng donasyon ay nasa ilalim ng programang “Love from Taiwan” na
isinagawa sa ikatlong sunod na taon.
Ayon
kay Jonhson Lu, isa sa mga opisyal ng Taiwan Association in the Philippines,
umabot sa 180 tonelada ng bigas ang kanilang ipinagkaloob sa Pilipinas sa taong
ito.
Kabilang
dito ang 20 tonelada na ipinagkaloob sa pamahalaang panglalawigan, tig-10
tonelada sa bayan ng San Ildefonso at Calumpit; at 140 tonelada sa mga
nasalanta ng bagyong Yolanda sa Leyta at Samar.
Ayon
kay Lu, ang mga bigas na ipinamahagi ay sobra sa inilaang bigas ng Taiwan sa
kanilang mamamayan.
Ipinagpasalamat
naman ni Gob. Alvarado ang donasyon na inilafrawan niya bilag “Love gift.”
“Kapag
po sila ay nagdadala ng tulong sa ating bansa, hindi po nila nalilimutan ang
kanilang pangalawang tahanan, ito po ang lalawigan ng Bulacan. For this, you
deserve our gratitude. These 2,000 sacks of rice are not just donation from the
Taiwan government but considered as a love gift,” sabi ng gobernador sa pagtanggap ng donasyon
noong Hulhyo 13.
Sinabi
rin ng gobernador na ang bawat isang donasyon na tinatanggap ng lalawigan ay
nagdudulot ng kaluwagan sa mga Bulakenyo.
“Despite
of our differences we were able to show them that we are one brotherhood under
God,” dagdag pa ni Alvarado.
Kaugnay
nito, ikinagalak ng mga tumanggap ng donasyon ang maikling talumpati ni Jack
Fang ng Taipei Economic Cultural Office in the Philippines.
Ito
ay dahil sa ang kanyang talumpati ay binigkas niya sa wikang Pilipino.
“Ang
bigas na ito ay galing pa sa Taiwan, sana ay maging simbolo ito ng love from
Taiwan o ang pagmamahal ng Taiwan para sa kalapit bansa nito, ang Pilipinas.
Naniniwala kami na marapat lamang nating tulungan ang mga nangangailangan upang
mapanatili ang kabutihan sa mundo. Sana maalala ninyo ang Taiwan ‘di lamang
bilang kalapit na bansa kundi isa ding totoo at malapit na kaibigan,” wika ni Fang.
Tumanggap
ng tig-isang sako ng bigas na may timbang na 10 kilo bawat supot mula sa Taiwan
at isang grocery bag naman mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang 150
na mga kasapi ng Bulacan Federation of Jeepney Operators and Drivers
Association (BFJODA), 250 para sa Integrated Federation of Tricycle Operators
and Drivers Association of Bulacan (TODA), at 500 na may mga kapansanang
Bulakenyo, 100 na mga beterano, 250 na solo parents, 700 na Senior Citizens at
50 na mga Dumagat
Dumalo
din sa gawain sina Taiwan Association in the Philippines Active President Andy
Cheng, dating pangulo at CEO ng Green Era Biotech Juhn Lu, dating pangulo Wayne
Chi, Vice President Johnson Lu, Vice President Tom Lin, Vice President David
Kung, Vice President Tsung Fu Lee, Secretary General Robert Huang, Vice
Secretary General Donfo Liu, Consul ng asosasyon at Rosita Cabalonga, HR
Manager ng Teh Hsin Phils., kinatawan ni Ku Chien Chang, Vice President ng asosasyon. Dino Balabo
Thursday, July 3, 2014
NFA RICE DIVERSION: 22 arestado sa Bulacan
MALOLOS
CITY—Dalawampu at dalawa katao kabilang ang caretaker ng isang rice mill sa
Marilao, Bulacan ang inaresto kahapon dahil sa hinalang rice hoarding at
diversion ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) upang maibenta bilang
commercial rice.
Ang
operasyon ay isinagawa ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Team
(CIDT) kasama ang Marilao police halos isang linggo matapos atasan ni Pangulong
Aquino ang Department of Justice (DOJ) na tugisin ang mga hinihinalang rice
hoarders.
Kaugnay
nito, ibinulgar ng source ng MabuhaY Online na patuloy ang talamak na rice
diversion sa Gitnang Luzon samantalang ibinababa sa Subic Freeport ang bahagi
ng 800,000 metriko toneladang bigas na inangkat mula sa ibang bansa.
Ang
rice diversion ay isang ilegal na gawain kung saan ang bigas mula sa NFA ay
inilipat lamang ng sako at ibinebenta sa halagang komersyal. Ayon kay Supt.
Marcos Rivero, hepe ng pulisya ng Marilao, ang isang sako ng NFA rice ay
naibebenta lamang sa halagang P700 hanggang P800, at kapag nailipat sa sako ng
commercial rice, ito ay ibinibenta sa halagang P2,000 hanggang P2,200 bawat
sako.
Ayon
naman kay Chief Inspector Reynaldo Magdaluyo, ng CIDT-Bulacan, hindi bababa sa
1,000 sako ng bigas ang kanilang narekober matapos ang operasyon sa Jomarro
Star Rice Mill sa Barangay Abangan Norte sa bayan ng Marilao alas 4 ng madaling
araw kahapon.
Ito
ay nagbunga ng pagkakaaresto kay Juancho San Luis, caretaker ng Jomarro Star
Rice Mill na pagaari ng kanyang kapatid na si Regina at asawa nitong si Roberto
Pualengco. Bukod kay San Luis, naaresto rin ang 21 pang tauhana ng rice mill.
Ayon
kay Magdaluyo, nakatanggap sila ng impormasyon sa isang informant at isinagawa
ang operasyon. Dalawang 10-wheeler truck na may lamang di bababa sa tig-500
sako ng NFA rice ang nasabat di kalayuan sa Jomaro Star Rice Mill.
Nang
pasukin ng pulisya ang rice mill, naaktuhan ang pagsasalin ng may 100 kabang
NFA rice sa sako ng commercial rice. Batay sa imbestigasyon ng pulisya,ang mga
NFA rice ay nagmula sa Pampanga at ito ay ibinibiyahe tuwing hatinggabi.
Una
rito, hiniling ng mga magsasaka sa Bulacan sa pangunguna ni Melencio Domingo,
tagapangulo ng Malolos City Agriculture and Fisheries Council, na dapat tugisin
ng NFA at iba pang ahensiya ng gobyerno ang mga malalaking bodega ng bigas,
mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan.
Ito
ay kaugnay ng pagtaas ng presyo ng palay at bigas sa pamilihan na ayon sa mga
magsasaka ay hindi mangyayari kung walang nag-iipit o nagho-hoard ng bigas.
Subscribe to:
Posts (Atom)