PAOMBONG,
Bulacan—Bukod sa polusyon sa katubigan na nagpababa sa produskyon ng mga isda
at iba pang lamang tubig sa Bulacan, pinoproblema na rin ngayon ng mga
namamalaisdaan ang pagbaba ng lupa sa baybayin ng lalawigan.
Ang
kalagayang ito ay ilang beses ng naiulat ng Mabuhay kaugnay ng pagpapataas ng
kalsada sa mga barangay na karaniwang lumulubog sa high tide bilang pagtawag pansin
sa mga namumuno sa pamahalaan.
Ngunit
sa kauna-unahang pagkakataon ay nakumpirma ang epektong land subsidence o
pagbaba ng lupa sa mga palaisdaang matatagpuan sa baybayin ng lalawigan na
nakaharap sa Manila Bay.
Ito
ay sa pamamagitan ng panayam sa mga beteranong namamalaisdaan sa Bulacan,
partikular na sa bayang ito ay sa bayan ng Hagonoy.
Ayon
kay Pedro Geronimo, mahigit isang metro na ibinaba ng lupa sa may 15-ektaryang
palaisdang kanyang pinamamahalaan sa bayang ito.
Bilang
isang beteranong namamalaisdaan, si Geronimo ay mahigit ng 40 taong namamahala
sa palaisdaan.
Si Pedro Geronimo habang pinagmamasdan ang huling alimango. |
Sa
esklusibong panayam, inihayag niya ang karanasan sa pamamalaisdaan.
“Dati
kahit tag-ulan nakakapagpatuyo kaming palaisdaan,” kuwento niya.
Ito
ay sa pamamagitan lamang ng pagbubukas ng prinsa ng palaisdaan kung mababa ang
tubig sa sapat at ilog.
“Tingnan
mo ngayon, kahit tag-araw, kailangan pang bombahin palabas ang tubig para
makatuyo,” ani Geronimo habang naghihintay matuyo ang palaisdaang pinag-aanihan
ng sugpo, bangus at alimango.
Ang
pagbobomba ng tubig palabas ng palaisdaan ay ginagamitan ng bangkang de motor
na kinakabitan ng lonang nagsisilbing daluyan ng tubig palabas ng prinsa habang
umaandar angmakita ng bangka.
Ang
tubig na inilalabas na naitutulak elisi ng bangka habang umaandar.
“Mahigit
isang metro na ang ibinaba ng lupa dito kaya dagdag na gastos sa pagpapatuyo,”
sabi ni Geronimo.
Ayon
sa mga dalubhasang sina Kelvin Rodolfo at Fernando Siringan ng University of
the Philippines (UP), ang baybayin ng Maynila,Bulacan,Pampanga at Bataan ay
bumaba ng dalawa hanggang tatlong sentimetro bawat taon.
Nakakadagdag
pa rito ang pagtaas ng lebel ng tubig sanhi ng pagkalusaw ng niyebe sa mas
malalamig na bansa.
Batay
sa mga pahayag ng mga dalubhasa, ang land subsidence o pagbaba ng lupa sa
baybayin ng Bulacan ay sanhi ng over water extraction o sobrang paghugot ng tubig
mula sa ilalim ng lupa dulot ng lumalaking pangangailangan sa sariwang tubig ng
lumolobong populasyon.
Ang
kalagayang ito at naidokumento nina Rodolfo at Siringan sa mga barangay sa
baybayin ng Manila Bay.
Bilang
pagtugon naman sa paglubog ng lupa sa high tide, nagsasagawa ng pagtaaas ng
kalsada sa mga barangay ang mga lokalna pamahalan.
Ngunit
sa hanay ng mga palaisdaang pinagkukunan ng malaking produksyon ng isda at iba
pang lamang dagat, halos wala pa ring interbensyon o pag-aaral ang pamahalaang
lokal.
Ayon
kay dating Bokal Patrocinio Laderas, apektado ng pagbaba ng produksyon sa isda
ang ekonomiya ng isang bayan partikular na ang Hagonoy at Paombong.
Ito
ay dahil sa maraming mamamayan ang
umaasa sa produksyon ng pangisdaan ng Bulacan hindi lamang para sa pagkain,
kundi para sa trabaho at negosyo.
“Hindi
kasing lucrative dati ang fishpond sa Bulacan dahil sa samut-saring
factors, sabi ni Laderas na isang
beterano sa larangan ng pamamalaisdaan.
Inayunan
din ito ni Kagawad Alfredo Lunes ng Barangay Pugad sa bayan ng Hagonoy.
Inihalimbawa
niLunes ang kanilang barangay na nakadelintera sa Manila Bay na kapag tumataas
ang tubig sa dagat o high tide ay lumulubog at kung may bagyo ay sinasampa ng
alon maging ang bubong ng kanilang bahay.
“Malaki
na talaga ang ibinaba ng lupa sa tabing dagat,” sabi ni Lunes at inihalimbawa
ang Aroma Beach na ngayon ay lubog na tubig dagat.