MALOLOS—Dismayado
na nga ba ang mga Bulakenyo partikular na ang mga residente ng lungsod na ito
sa ika-apat na taon ng panunungkulan ni Gob. Wilhelmino Albarado?
Ito
ang katanungan ng marami matapos ilabas ng Commission on Elections ang tala ng
bilang ng mga lumagda sa petisyon ng recall election na isinumite laban sa
punong lalawigan kung saan naitala ang pinakamataas na bilang mga lumagda sa
lungsod na ito.
Samantala,
nailipat na sa Office of the Deputy Executive Director for Operations (ODEDO)
sa punong tanggapan ng Comelec sa Maynila ang mga dokumentong isinumite
kaugnay ng petisyon noong Lunes, Mayo 5 matapos ang inisyal na pagsusuri ng
Comelec-Bulacan.
Tumanggi
ng magbigay ng pahayag si Alvarado hinggil sa petisyon ng siya ay kapanayamin
ng Mabuhay noong Lunes, matapos ang paglulunsad ng Sine Bulakenyo sa Capitol
Gymnasium.
Ang
Sine Bulakenyo ay isang libreng pa-sine na isasagawa ng kapitolyo sa mga
barangay sa layuning mapataas ang kaalaman ng mga Bulakenyo sa hinggil sa mga
naisagawa at iapatutupad na proyekto ng administrasyong Alvarado.
Ngunit
para sa ilang Bulakenyo, ang nasabing pa-sine ay isang kontra propaganda
matapos lumagda sa petisyong recall election ang 319,707 Bulakenyo dahil sa
kawalan ng tiwala kay Alvarado bunga ng diumano’y kurapsyon at pag-abuso sa
kapangyarihan,
Batay
sa tala ng Comelec-Bulacan, nanguna ang lungsod na ito sa 21 bayan ay dala pang
lungsod sa lalawigan sa dami ng lumagda sa nasabing petisyon.
Ayon
kay Abogado Elmo Duque, umabot sa 25,835 botanteng Malolenyo ang lumagda sa
petisyon; kasunod ang bayan ng Sta.Maria kung saan ay umabot sa 22,988 ang
lumagda.
Ang
iba pang bayan at lungsod sa lalawigan na nakapagtala ng mataas na bilang ng
lumagda sa petisyon ay ang Marilao (22,676), Lungsod ng San Jose Del Monte
(22,486), Bocaue (18,411), at Baliwag (15,593).
Naitala
naman sa bayan ng Hagonoy ang pinakamababang bilang na 947.
Ang
Hagonoy ay ang bayang pinagmulan ni Alvarado kung saan ay naglingkod siya
bilang alkalde mula 1986 hanggang 1998; na sinundan ng paglilingkod mula 1998
hanggang 2007 bilang kongresista ng unang distrito ng lalawigan na sumasakop
din sa nasabing bayan.
Kung
distrito naman ang pag-uusapan, naitala ang pinamakataas na bilang ng lumagda
sa petisyon mula sa ikatlong distrito.
Batay
sa tala ng Comelec-Bulacan,umabot sa 87,489 botante ang lumagda sa petisyon
mula sa ikatlong distrito,kasunod ang ikalawang distruito na may 83,783.
Ang
ikaltlong distrito ng Bulacan ay kinakatawan sa Kongreso ni dating Gob.
Joselito Mendoza na ang pamilya ay nagmula sa bayan ng Bocaue na matatagpuan sa
ikalawang distrito.
Matatandaan
na noong Abril 25, isinumite ni Perlita Mendoza ng bayan ng Bocaue sa Comelec
Bulacan ang kopya ng mga dokumentong para sa petisyong election recall laban
kay Alvarado.
Si
Mendoza ay naglingkod bilang Provincial Administrator ng Bulacan sa panahon ng
administrasyon ni dating Gob. Joselito Mendoza noong 2007 hanggang 2009.
Pansamantala
rin siyang naglingkod bilang City Information Officer ng Malolos noong 2010, ngunit nagbitiw sa
tungkulin matapos kuwestiyunin ang kanyang tirahan.
Una
rito, isang kaso ng pandarambong ang ihinhain ni Antonio Manganti sa Ombudsman
laban kay Alvarado at anim pang opisyal ng kapitolyo noong Pebrero 14.
Ayon
kay Alvarado, pulitika ang motibo ng pagsasampa ng kasong pandarambong laban sa
kanya at mga opisyal ng kapitolyo ngunit pinabulaanan ito ni Manganti.
Si
Manganti ay isang dating rebel returnee na naglingkod din sa kapitolyo sa
panahon ng panungkulan ni dating Gob. Josefina Dela Cruz, ang nakatatandang
kapatid ni Kint. Mendoza ng ikatlong distrito.
Si
Dela Cruz ay kasalukuyang nanunungkulang ngayon bilang Post Master General ng
Philippine Postal Corporation. Dino
Balabo