Sunday, June 10, 2012

Ika-3 panalo itinala ng Futbulakenyos, Amihan nanalo rin




MALOLOS—Itinala ng Futbulakenyos ang ikatlong sunod na panalo sa Central Luzon Football League (CLFL) noong Sabado, Hunyo 9 ng talunin ang Tarlac Football Club sa iskor na 3-1.

Ang labanan ay naganap sa Bulacan Sports Complex sa lungsod na ito kung saan ay iilan ang nanood.

Kaugnay nito, itinala ng Lighthouse Amihan FC ang unang panalo sa ikalawang laro ng talunin nila sa iskor na 8-0 ang Pampanga FC sa larong isinagawa sa Bren Z. Guiao Sports Complex sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga noong Linggo, Hunyo 10.

Muling magsasagupa ang apat na koponan sa Linggo Hunyo 17.  Ang Futbulakenyos at Tarlac FC at maglalaban sa Tarlac, samantalang ang Amihan at Pampanga FC ay maglalaban sa Brent International  School sa Subic Bay Freeport sa Zambales.

Sa kasalukuyan, nangunguna ang Futbulakenyos na nakapagtala ng talong sunod na panalo, ang Amihan at Tarlac FC at kapwa may tig-isang panalo at talo, samantalang ang Pampanga FC ay wala pang naipanalo sa tatlong sunod na laro.

“Sayang, hindi nakita ng mga Bulakenyo ang unang laro at panalo namin sa home field,”ani Emmanuel Robles, playing coach ng koponan ng Bulacan matapos ang larona ginanap sa Bulacan Sports Complex sa Barangay Sta. Isabel ng Lungsod na ito.

Ito ay dahil sa hindi pa nagiging popular sa mga Bulakenyo at magng sa ibang bahagi ng Gitnang Luzon ang larong football.

Simple ang basehan ng panghihinayang ni Robles. Tinalo na nilang ang lahat ng tatlo pang koponang kasali sa CLFL, ang kuna-unahang amateur football league sa rehiyon.

Bukod dito, hindi rin nakita ng mga Bulakenyo ang walang humpay na pananalasa ng Futbulakenyos noong Sabado.

Sa unang 45 minuto ng laro, hindi na tinigilan ng Futbulakenyos ang pag-atake sa goal ng Tarlac FC.

Matapos ang unang 45 minuto, nakapagpasok ng dalawang goal ang Futbulakenyos kumpara sa isa ng Tarlac FC.

Sa ikalawang 45 minuto ng laro, mas pinag-gting ng Futbulakenyos ang pag-atake kaya’t ang bola ay halos hindi nalayo sa kalahati ng football field sa panig ng Tarlac FC.

Gayunpaman, pinaigting din ng Tarlac FC ang depensa, kaya’t isa lamang ang naipasok ng Futbulakenyos sa ikalawang 45 minuto ng laro.

Ilan sa mga natatanging pagkakataon sa ikalawang 45  minuto ng laro ang halos 10 beses na pagtatangka ng Futbulakenyo na ipasok ang bola sa goal ng Tarlac FC.

Nagningning din ang kabataan at bilis ng mga manlalarong Bulakenyo na karaniwang  nagmula sa Bulacan State University (BulSU).

May mga pagkakataon na nagpapaikot-ikot sa tatlong manlalaro ng Tarlac FC ang sang manlalaro ng Futbulakenyos.

Ayon kay Robles, maganda ang ipinakita ng kanyang mga manlalaro, ngunit kailangan pa ang dagdag na pagsasanay upang mas maraming bola ang maipasok sa goal ng kalaban.

Bentahe yung bilis at kabataan ng Futbulakenyos, pero kailangan pang dagdagan,” ani Robles at sinabing may nalalabi pa silang talong laro para sa second round ng liga.

Sa Pampanga, itinala ng Lighthouse Amihan FC ang unang panalo ng talunin nila ang Pampanga FC sa iskor na 8-0 noong Linggo ng hapon Hunyo 10.

Ayon kay John Bayarong, coach ng Amihan FC na nakabase sa Lungsod ng Olongapo, isang goal lamang ang naipasok nila sa unang 45 minuto ng laro.

Ngunit higit nila pinagbuti sa ikalawang 45 limang minuto kung kailan ay nakapagpasok sila ng pito pang goal.

Sa kasalukuyan,a ng Amihan FC ay may 1-1 panalo talo, samantalang ang Pampanga FC ay wala pang panalo sa tatlong sunod na laro.

Ang una talon g Amihan FC ay natamo sa Futbulakenyos  noong Mayo 20 sa pagbubukas ng CLFL sa Tarlac. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment