Abogado Tomas Martin, dating gobernador; at Abogado Jun Samonte |
LUNGSOD NG
MALOLOS—Hindi dapat dumikit ang susunod na Punong Mahistrado sa mga pulitiko
upang matiyak ang pagiging malaya.
Ito ang isa sa
mga payo ng 91-taong gulang na si Abogado Tomas Martin sa Judicial Bar Council
na kasalukuyang tumatanggap ng nominasyon sa nilitis at pinatalsik na dating
Punong Mahistrado Renato Corona ng Kataas-taasang Hukuman ng bansa.
Ang payo ni Martin
na dating gobernador ng Bulacan ay kanyang inihayag sa mamamahayag na ito noong
Huwebes, Hunyo 7 kaugnay ng taunang Gawad Bunying Abogadong Bulakenyo kung saan
ay isa siya sa mga tumanggap ng parangal.
Ang nasabing parangal ay ipinagkaloob ng Integrated Bar of
the Philippines (IBP) Bulacan chapter sa pangunguna ni Abogado Cecilio “Ted”
Villanueva na nagmula sa bayan ng Hagonoy.
Bilang isang abogado sa nagdaang 63-taon, sinabi ni Martin
na di dapat dumikit sa mga pulitiko ang susunod na Punong Mahistrado, bukod pa
sa dapat maging malapit ito sa taumbayan; at dapat ay nauunawaan ang batas.
“He must be independent, he cannot be dictated by
politicians, at hindi dapat dumikit sa mga pulitiko,” ani ni Martin na
nagsilbing gobernador ng Bulacan noong 1958 hanggang 1963.
Ang payo ni Martin ay nakakahalintulad ng payo ni dating
Executive Judge Oscar Herrera sa mga hukom sa Bulacan kaugnay ng paghatol sa
mga election protest noong 2001.
Ang payo noon ni Herrera na ngayon ay Mahistrado ng
Sandiganbayan sa mga kapwa hukom ay “stop fraternizing with politicians.”
No comments:
Post a Comment