LUNGSOD
NG MALOLOS- Dadaluhan ng dalawang miyembro ng gabinete na sina Kalihim
Florencio B. Abad ng Department of Budget Management at Kalihim Armin A.
Luistro ng Department of Education ang paggunita sa ika-114 guning taong
Pagbubukas ng Kongreso ng Malolos sa darating na Setyembre 15, 2012, 7:00 n.u
sa Simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito.
Ayon
kay Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, ang paglingon at pagbibigay halaga sa
nakaraan ay kinakailangan upang makatulong sa pagpapatatag ng pundasyon ng
lalawigan.
“Hindi
natin binabalikan ang nakaraan upang ibalik ang lungkot at sariwain ang hapdi
ng kahapon, kundi nais nating alalahanin ang dahilan kung paanong nabubuhay
tayo ng malaya ngayon, nais nating buhayin muli sa ating mga puso ang matinding
pagnanais ng ating mga bayani na ibigay sa mga mamamayan ang nararapat na para
sa kanila, sa ating paglingon sa nakaraan, nawa ay mabuhay at hindi na mawala
sa ating mga isipan ang tunay na diwa ng pagmamahal sa bayan,” dagdag ni
Alvarado.
Bahagi
ng programa ang pag-aalay ng bulaklak bilang pagbibigay parangal kay dating
Pangulong Emilio Aguinaldo na susundan ng paglagda sa deklarasyon ng pagkakaisa
at pagkilos para sa global warming at climate change ng mga kinatawan ng Liga
ng mga gobernador, punong bayan at lungsod at liga ng mga barangay.
Pagkatapos
nito ay pasisinayaan ang isinaayos na pook pangkasaysayan ng simbahan ng
Barasoain na pangungunahan nina Gob. Alvarado, Bise Gob. Daniel Fernando,
Kalihim Abad, Kalihim Luistro, mga kinatawan ng distrito sa Bulacan, Mayor Christian
Natividad, Vice Mayor Gilbert Gatchalian, Ma. Serena I. Diokno, pinuno ng
National Historical Commission, kasapi ng Sangguniang Panlalawigan at mga
punongbayan at punong lungsod sa lalawigan.
Darating
din upang makiisa sa pagdiriwang ang mga senior citizen, mag-aaral, guro,
non-government organization, at iba pang sektor sa Bulacan.
Samantala,
mula ika-9 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon gaganapin naman ang Regional
General Assembly ng Graduate Education Association of Chartered Colleges and
Universities of the Philippines o GEACCUP sa Bulacan Capitol Gymnasium.
At
bilang panapos na gawain para sa isang linggong pagdiriwang ng mayamang kultura
at kasaysayan ng Bulacan ay gaganapin ang Gawad Dangal ng Lipi kung saan bibida
ang mga Bulakenyong umangat sa kani-kanilang napiling larangan na gaganapin sa
Hiyas Pavilion, ganap na ika-6 ng hapon.
No comments:
Post a Comment