<!--[if gte mso 10]>
<!-->
MALOLOS—Halos nakatitiyak na ng panalo halalan sa susunod na
taon ang mga kapartido nina Gob. Wilhelmino Alvarado at Bise Gob. Daniel
Fernando dahil sa koalisyon ng Liberal Party (LP) at National Unity Party (NUP)
sa Bulacan.
Ang nasabing koalisyon ay naging dahilan upang magbigay daan
ang mga pulitikong kasapi ng ibang partido sa lalawigan.
Dahil dito, halos
walang kalaban ang sina Alvarado, Fernando at mga kasama sa koalisyon sa mga
panglalawigang halal na posisyon.
Gayunpaman, batay
sat ala ng panglalawigang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec), may
mga indipendienteng kandidato na nagsumite ng Certificate of Candidacy (CoC)
labhan sa grupo nina Alvarado.
Ayon kay Abogado
Elmo Duque, provincial election supervisor ng Bulacan, dalawa ang makakatunggali
ni Alvarado, ay gayundin si Fernando.
Ang mga nagsumite
ng CoC para sa posisyon ng gobernador maliban kay Alvarado ay sina Jaime Almera
at Ernesto “Kaka” Balite na kapwa nagmula sa lungsod ng Malolos.
Sa pagka-Bise
Gobernador, makakatunggali ni Fernando sina Josephine Lopez at Jayson Ocampo.
Narito naman ang
mga nagsipasumite ng CoC para sa pagiging bokal sa una hanggang ika-apat na
distrito ng lalawigan.
Sa unang distrito, Jose Cundangan (independiente) at
Grossman Dax Uy (United National Alliance, Michael Fermin, Felix Ople aty
Therese Cheryl Ople na pawang kasapi ng NUP na kinabibilangan din nina Alvarado
at Fernando.
Sa ikalawang distrito ay magtutunggali sina Enrique Dela
Cruz at Ramon Posada na kapwa kasapi ng NUP, at si Reynaldo Trinidad na isang
indipendiente.
Sa Ikatlong
distrito, ang mga kandidatong Bokal ay sina Rino Castro (NUP), Ernesto Sulit
(LP), Emelita Viceo (UNA), at mga indiependenteng sina Peter Alvin Violago at
Carlito Bernabe.
Sa ika-apat na
distrito na binubuo ng mga lungsod ng Meycauayan at San Jose del Monte, at mga
bayan ng Sta. Maria, Marilao at Obando, ang mga kandidatong Bokal ay suina Enry
Santos (LP), Eulogio Sarmiento III (NUP), Enrique Delos Santos Jr., (NUP),
Hilario Dela Merced Jr., (Independent), Allan Rey Baluyot (Nacionalista Party),
Romeo Almario at Rodolfo Alejo na kapwa indipendiente.
Para kay Alvarado
at mga kapartido, ang koalisyon ng LP at NUP sa Bulacan ay isang palatandaan ng
higit na pagkakaisa ng mga Bulakenyo upang higit na maisulong ang kaunlaran ng
lalawigan.
Ito ay nangangahulugan din ng mas matipid na paggastos sa
kampanya.
Binigyand diin din nila na ang koalisyon ng LP-NUP sa
lalawigan ay namumukod tangi at kinilala nila si Executive Secretary Paquito
Ochoa ng Pulilan bilang pangunahing arkitekto nito.
Ayos nga mga kandidato ng LP-NUP coalition sa Bulacan, si
Ochoa ang unang nagpanukala ng pananaw na “One Bulacan” na sumasalamin sa
pagkakaisa ng mga Bulakenyo.
Ito ay nangangahulugan ng pagbibigay daan sa mga nakaupo o
incumbent opisyal na makapangampanya na halos ay walang kalaban
Ngunit para sa mga hindi nakasama sa koalisyon, pagabatikos
ang kanilang isinatinig.
Ayon kay Jose Rey
Munsayac, isang hakbang patungo sa pagkamatay ng demokrasya sa Bulacan ang
nasabing koalisyon dahil hindi nakakandidato ang nais kumandidato at hindi
mabibigyan ng mas maraming pagpipilian ang mga botante sa halalan sa 2013.
No comments:
Post a Comment