LUNGSOD NG MALOLOS—Tampok ang tunggalian ng mga magkakapamilya sa halalan sa susunod na taon sa Bulacan batay sa sipi ng certificate of candidacy (COC) na ipinagkaloob ng Commission on Elections (Comelec) sa Mabuhay Online.
Ang kalagayang ito ay nakakatulad ng ilang insidente sa
lalawigan noong 2010.
Ngunit kapansin-pansin din sa kasalukuyan ang
pagkandidato ng mag-ama sa bayan ng Norzagaray bilang alkalde at bise alkalde.
Ang kalagayang ito ay unang nangyari sa lalawigan ng Nueva Ecija kung saan ay
nahalal ang magkapatid na Joson bilang gobernador at bise gobernador may anim
na taon na ang nakakaraan.
Kapansin pansin din ang pagkandidato bilang kongresista
ng dalawang magkapatid sa magkahiwalay na distrito, samanatalang ang anak ng
isa ay kandidatong konsehal sa kanilang sinilangang bayan.
Batay sa ulat ng Comelec-Bulacan, magtutunggali sina
dating Mayor Edgardo “Sazo” Galvez ng Liberal Party at kanyang anak na si
incumbent Mayor Paula Carla Galvez-Tan ng NUP sa bayan ng San Ildefonso sa
susunod na halalan.
Mas naging kumplikado ang nalalapit na tunggalian ng
mag-ama dahil nagsumite rin ng COC para sa pagka-alkalde ng nasabing bayan si
Gerald Galvez, na dating pangulo ng sangguniang kabataan at nahalal ding
konsehal ng bayan.
Si Gerald ay anak ni dating Mayor Gener Galvez na huling
nanungkulan noong 1998 sa nasabing bayan at nang babalik sa dating puwesto ay
pinatay noong Hunyo 2000.
Si dating Mayor Gener ay nakatatandang kapatid ni dating
Mayor Sazo, at tiyuhin ni Mayor Galvez-Tan.
Ang pagtutunggaling ito ng magkakapamilya sa bayan ng San
Ildefonso ay ikinagulat ng maraming Bulakenyo, katulad ni dating Bokal
Patrocinio Laderas ng Hagonoy.
Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Laderas na may
posibilidad na dalawa mga Galvez ang posibleng umurong sa laban upang magbigay
daan sa isang kapamilya.
Kaugnay nito, umuugong na ang balita na maaaring isa sa
mag-ama ang uurong sa laban dahil ang tunay daw na kalaban ay si Gerald.
Ang balitang ito ay nagkahugis nang magpahayag ang isang mataas na opisyal ng koalisyong Liberal Party (LP) at National Unity Party (NUP) na hindi pa nila malaman kung sino kina Sazo at Galvez-Tan ang susuportahan ng koalisyon bilang common candidate.
Ang mga Galvez ang naghaharing pamilya sa larangan ng
pulitika sa San Ildefonso mula pa noong unang bahagi ng 1990. Nasingitan lamang
sila ni Mayor Enrique Viudez II noong 1998 hanggang 2001.
Matatandaan na sa halalan noong 2010 ay nagsagupa rin sa
pagkakongresista ng ikatlong distrito ng Bulacan ang mag-amang Ricardo Silverio
Sr., at Ricardo Jr.
Sa nasabing laban, ay kapwa sila tinalo ni dating Gob.
Joselito Mendoza na nagwagi bilang kinatawan ng ikatlong distrito.
Sa bulubunduking bayan ng ng Donya Remedios Trinidad,
magtutunggali naman sa pagka-mayor ang magpinsang buo na sina incumbent Mayor
Ronaldo Tigas Flores (NUP) at Abogado Rustico Tigas De Belen na kandidato
bilang indipendiente
Si De Belen ay ang dating hepe ng Bulacan Environment and
Natural Resources Office (Benro) na nagbitiw sa tunggkulin nitong Setyembre.
Bukod sa kanilang dalawa, kandidato rin bilang konsehal
ng DRT ang isa nilang kaanak na si Oliver Tigas De Belen na nasa ilalim ng
partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL).
Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay nagkaroon ng
mag-amang kandidato sa iisang bayan na magkatiket sa dalawang pangunahing halal
na posisyon. Ito ay sina incumbent Mayor Feliciano Legazpi ng Norzagaray at ang
kanyang anak na si Konsehal Arthur ng NUP.
Ang mga Legazpi ang naghaharing pamilya sa pulitika sa
nasabing bayan mula pa noong 1995 ng maahalal na alkalde si Feliciano. Noong
2004, nahalal ang kanyang maybahay na si Dra. Matilde at noong 2007 ay nagbalik
si Feliciano.
Ayon sa mga resident eng Norzagaray, ang pamamayani sa
pulitika ng pamilya ay dahil sa mahusay na pamamahala at pamumuno ng mga
Legazpi. Isang halimabawa nito ay ang pagpapataas ng taunang pondo ng bayan
dahil sa maayos na paniningil ng real property tax sa mga higanteng pabrika ng
semento.
Mula noong nakaraang taon, ang Norzagaray ay isa mga
bayan sa lalawigan na itinuturing na kwalipikado upang maging isang lungsod
dahil sa pagkakaroon ng mahigit sa P100-milyon koleksyon sa buwis sa loob ng
nagdaang limang taon.
Sa hanay naman ng mg akandidatong kongresista ay
nakatawag ng pansin ang sabayang pagkandidato ng magkapatid na Kinatawan
Joselito Mendoza at Dr. Pedrito Canisio Mendoza sa magkahiwalay na distrito.
Si Kinatawan Mendoza ay muling kakandidato bilang
kinatawan ng ikatlong distrito; samangtalang ang kanyang kapatid na si Dr.
Pedrito ay kandidato ng LP sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng
lalawigan.
Balik-tanaw sa halalan sa Bocaue noong 2010. |
Sa kabila naman ng pagkandidato ni Kinatawan Joselito sa
ikatlong distrito, ang kanyang anak na si Josef Andrew Mendoza ay kandidato
naman bilang konsehal sa Bocaue, ang bayang kanilang sinilangan.
Si Josef Andrew ay kandidato rin sa ilalim ng LP kasama
si Mayor Eduardo Villanueva Jr.
Ang iba pang kandidato na magkapamilya ay sina Gob.
Wilhelmino Alvarado at kanyang maybahay na si Kinatawan Marivic ng unang
distrito ng lalawigan.
Pareho namang bokal ang hinahabol na posisyon ng
magpinsang buo na sina Bokal Felix at Therese Cheryll Ople. Sila ay anak nina
dating Senador Blas F. Ople at kapatid na si dating Bise gob. Bernardo Ople.
Ang kapatid naman ni Therese Cheryll na si Bernardo Jr.,
ay kandidatong konsehal ng Malolos.
Bukod sa kanila, may mga kandidato rin na nais
ipagpatuloy ang nasimulan ng kanilang kaanak.
Sa bayan ng Calumpit, inendorso ni Mayor James De Jesus
ang kanyang kapatid na si Jessie bilang kandidatong mayor sa ilalim ng NUP.
Sa Baliwag, inindorso ni Mayor Romeo Estrella ang kanyang
anak na si Ferdinand bilang kandidatong alkalde sa ilalim ng bandila ng NUP; at
sa Balagtas nais mapahaba ni Mayor Romeo Castro ang pananatili ng pamilya sa
paghawak ng tungkulin.
Gayundin sa bayan ng Bulakan kung saan ay nakaatang sa
balikat ni Mayor Patrick Neil Meneses ang responsibilidad na mapanatili ang
pamilya sa pamamayani sa larangan ng pulitika na nagsimula pa noong 1956.
Sa lungsod ng Malolos, magkahiwalay naman ang partidong
kinabibilangan ng magkapatid na Christian at Theodore Natividad. Bilang
incumbent mayor, si Christian ay kabilang sa LP samantalang si Theodore ay
kandidatong konsehal sa ilalim ng bandila ng United Nationalist Alliance (UNA).
Ang dalawa ay kapwa anak ng yumaong Kinatawan Teodulo Natividad, ngunit magkaiba
ang kanilang ina.
No comments:
Post a Comment