Balite |
MALOLOS—Anim
na indipendienteng kandidato sa panglalawigang posisyon,kabilang ang dalawang
kandidato sa pagka-gobernador ang posibleng matanggal sa listahan bago dumating
halalan sa 2013.
Almera |
Ito
ay matapos silang ipatawag at imbestigahan ng Commission on Elections (Comelec)
noong Sabado, Oktubre 20 upang matukoy kung may kakayahan silang magsagawa ng
malawakang kampanya sa halalan.
Ang
imbestigasyon ay bahagi ng polisiya ng Comelec na linisin ang talaan ng
kandidato o alisin ang mga nuisance o kandidatong itinuturing ng panggulo sa
halalan.
Ang
mga inimbestigahan ay sina Jaime Almera at Ernesto Balite na kapwa
indipendienteng kandidato bilang gobernador; Sahiron Salim at Joseph Cristobal
na kandidato bilang kongresista sa una at ikalawang distrito ayon sa
pagkakasunod; at sina Jose Cundangan at Carlito Bernabe na kandidatong Bokal sa
una at ikatlong distrito ng lalawigan, ayon sa pagkakasunod.
Maliban
kay Salim, ang lahat ay ipinatawag ng Comelec batay sa bagong polisiyang
ipinatutupad kaugnay ng pagtatanggal ng ng panggulong kandidato sa
listahan.
Salim |
Si
Salim ay ipinatawag dahil sa nagsampa ng petisyon sa Comelec si Kinatawan Marivic
Alvarado na ipinadedeklara siya bilang isang nuisance candidate.
Ito
ay dahil sa noong 2010 ay kumandidatong gobernador ng lalawigan ng Sulu si
Salim na isang dating koronel ng pulisya, ngunity natalo dahil illang libo
lamang naipong boto.
Ayon
sa petisyon ni Kint. Alvarado, magiging katawa-tawa ang halalan sa unang
distrito dahil wala daw kakayahan si Salim na magsagawa ng kampanya.
Sa
panayam kay Abogado Elmo Duque, provincial election supervisor ng Bulacan,nilinaw
niya na ang kanilang ginawa ay bahagi ng pagpapatupad ng polisiya ng Comelec.
Sinabi
niya na dapat linisin ang listahan ng kandidato batay sa itinatakda ng batas.
Isa
sa kanilang batayan ay kung may sapat na pananalapi ang kandidato na gagamitin
sa halalan.
Cristobal |
Batay
sa batas, ang isang indipendienteng kandidato ay gagastos ng P5 sa bawat
botante sa kanyang posisyong kinakandidatuhan.
Para
sa mga kandidatong tulad nina Almera at Bernabe, hindi sapat na batayan ang
pananalapi sa pagkandidato.
Ngunit
nilinaw ni Duque na ang nasabing probisyon ay isa lamang sa mga minimum
requirement ng batas.
Iginiit
pa niya na hindi siya ang magdedesisyon sa magiging kapalaran ng mga indipendienteng
kandidato.
“Our
part is just to investigate and explore their capabilities, then we will submit
a recommendation to our Law Department,” ani Duque.
Ilan
pa sa mga pinagbabatayan ng Comelec kung ang isang kandidato ay panggulo o
nuisance lamang ay kung may kapangalan siyang kapwa kandidato sa katulad na
posisyong kakandidatuhan.
Isa
man sa anim na indipendiente ay walang kapangalan sa posisyong kakandidatuhan.
Bernabe |
Dahil
dito pinagsumite ng Comelec ang mga kandidato ng mga dokumento upang patunayan
na may sapat silang ari-arian at pananalapi na magagamit sa kampanya.
Ayon
kay Cundangan, hindi problema sa kanyang ang pananalapi dahil may mga
supporters at ari-arian siya.
Si
Cundangan ay dating tagapangulo ng Sangguniang Kabataan sa Barangay Matimbo sa
lungsod ng Malolos. Siya ay kasalukuyang pangulo ng Federation of Parents
Teachers and Community Association sa Bulacan State University.
Si
Bernabe naman ay naging kapitan sa Barangay Poblacion sa Norzagaray. Ang kanyang dalawang kamay ay naputol
mataopos maputukan ng pillbox na napulot noong siya ay bata pa.
Si
Cristobal naman ay dating Provincial Tourism Officer ng Kapitolyo na nagbitiw
sa tungkulin bago maghalalan.
Cundangan |
Samantalang
si Almera ay nagsabing nag-aral ng drafting sa Bulacan State University; at si
Balite ay isang retiradong guro.
Ayon
sa mga tagamasid sa pulitika sa Bulacan, kapag nadiskwalipika sina Almera at
Balite, wala ng makakalaban si Gob. Wilhelmino Alvarado.
Gayundin
ang kanyangmaybahay na si Kinatawan Marivic Alvarado kapag nadiskwalipika si
Salim.
Dagdag
pa ng mga tagamasid sa pulitika, matatala sa kasaysayan pulitika sa lalawigan ang
mag-asawa dahil sila ang kauna-unahang mag-asawang pulitiko na magiging
unopposed sa kanilang kandidatura. (Dino
Balabo)
No comments:
Post a Comment