Sunday, October 7, 2012

Zona libre ang 3 bayan at 1 lungsod sa Bulacan




MALOLOS—Hindi napab ilang sa koalisyon ng Liberal Party (LP) at National Unity party (NUP) ang tatlong bayan at isang lungsod sa lalawigan kaya’t nabibilang ang mga ito ngayon sa kalagayaang “zona libre.”

Ito ay nangangahulugan na ang mga panguhaning pagtido ay may kanya-kanyang kandidatong alkalde sa mga lugar na itinuturing na ‘zona libre.’

Kaugnay nito, umabot naman sa 18 bayan at dalawang lungsod sa lalawigan ang nasa ilalim ng koalisyon ng LP-NUP.

Ito ay nangangahulugan na may kandidatong alkalde, bise alkalde at mga konsehal sa mga nasabing lugar na kapwa sinusuportahan ng dalawa partido o hindi nila binigyan ng kalaban.

Ayon kay Gob. Wilhelmino Alvarado, isa sa naging resulta ng koalisyon sa pagitan ng LP at NUP ay ay ang pagsunod sa pananaw na ‘equity of the incumbent.”

Ipinaliwanag niya na ang equity of the incumbent ay nangangahulugan na kung sino ang kasalukuyang nakaupong halal na opisyal ay susuportahan ng dalawa partido o hindi bibigyan ng kalaban.

Isa pa sa naging benepisyo ng koalisyon ay ang pagbibigay ng karapatan sa mga alkaldeng patapos na ang temino na pumili at mag-endorso ng kandidatong papalit sa kanila sa ilalim ng koalisyon.

Batay sa pagsasaliksik ng Mabuhay, ang mga bayang at lungsod na nasa ililm ng zona libre sa Bulacan ay ang mga bayan ng Plaridel, Obando, Angat, at ang Lungsod ng San Jose del Monte.

Ang mga nasa ilalim naman ng koalisyon kung saan ay may common candidates ang LP at NUP ay ang mga lungsod ng Malolos, at Meycauayan; at mga bayan ng Hagonoy, Paombong, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, Baliwag, Pulilan, Calumpit, Pandi, Bulakan, Bustos, San Rafael, San Ildefonso, Norzagaray, Donya Remedios Trinidad, San Miguel at Sta. Maria.

Sa mga nasabing bayan, ang mga mayor ng mga bayan ng Calumpit, Marilao at Baliwag  ay pawang nasa ikatlong termino na.

Gunit dahil sa koalisyon, binigyang sila ng karapatan na mag-endorso ng kandidatong  makakasama at susuportahan ng koalisyon.

Gayunapam, sa kabila ng magkasamang suporta ng LP at NUP sa mga kasalukuyahng alkalde ng mga bayang nabanggit, mayroon pa rin silang makakalaban.
Sa bayan ng Hagonoy, makakasaguap ni Mayor Angel Cruz sina Vice Mayor Rey Santos at Amboy Manansala ang pangulo ng liga ng mga kapitan sa nasabing bayan.

Sa Malolos, magkakasukatan ng laks ng suporta sina Mayor Christian Natividad at dating Mayor Danilo Domingo ng Katipunang Malolenyo.

Sa Guiguinto ay nagbabalik si dating Mayor Ambrosio Cruz uipang labanan si incumbent Mayor Isagani Pascual; at sa Bocaue, humiwalay si Vice Mayor Jonjon Santiago kay Mayor Jonjon Villlanueva upang magharap sa halalan sa 2013.

Sa bayan ng Bulakan ay hindi pinalampas ni Dr. Bong Ramirez na makalaban si incumbent Mayor Patrick Meneses na ang pamilya ay ilang dekada nang nanunungkulan sa nasabing bayan.

Sa bayan ng San Miguel, binuo ni Kapitan Bong Alvares ang tiket ng United Nationalist Alliance sa kanyang pamumuno upang labanan si incumbent Mayor Roderick Tiongson.

Matatandaan na nitong Pebrero ay pinagtangkaan ang buhay ni Alvarez, ngunit dalawa pa ang nasawi.

Ito ay matapos magdeklara si Alvarez ng interes na kumandidato bilang alkalde ng San Miguel.

No comments:

Post a Comment