MALOLOS—Iuurong na ni Jaime Almera ang kanyang kandidatura
bilang gobernador ng Bulacan.
Ito ang pahayag na ipinalabas ni Almera sa kanyang Facebook
account noong Sabado ng umaga, Oktubre 27.
Ang pahayag ni Almera ay kanyang inilabas isan glinggo
matapos magsimula ang imbestigasyon ng Commission on Elections(Comelec) sa mga apparent
nuisance candidates o mga kandidatong panggulo sa halalan sa lalawigan.
“Iwi-withdraw ko na yung aking COC filed for governor of
Bulacan, this coming week,” ani Almera sa kanyang pahayag na inilabas noong
Oktubre
27.
Iginiit pa niya na pinal ang kanyang desisyon, ngunit hindi
niya inilahad ang dahilan kung bakit niya iuurong ang kanyang kandidatura.
Gayunpaman, humingi
si Almera ng paumanhin sa kanyang mga kaibigan.
“Pasensiya na sa
nasabihan ko. Bahala na sila
muna. Thanks and God bless to all,” ani
ng indipendienteng kandidato bilang gobernador.
Batay sa tala ng Comelec, si Almera ay unang nagsumite ng
kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang kandidatong gobernador ng Bulacan
noong 2004.
Ngunit ito ay binawi ng kanyang ama, na ayon kay Almera ay
mayroong pag-ayon niya.
Matatandaaan na noong Oktubre 20 ay sinimulan ng Comelec
Bulacan ang pag-iimbistiga sa kakayahan na makapagsagawa ng malawakang kampanya
ng anim na indipendienteng kandidato sa panglalawigang posisyon.
Kabilang sa anim na indipendiente ay sina Almera at Ernesto
Balite na kapwa residente ng Malolos at nagsumite ng Certificate of Candidacy (COC)
sa pagkagobernador.
Ayon kay Abogado Elmo Duque, ang provincial election
supervisor ng Bulacan, ang pag-iimbistiga nila ay naglalayong matiyak na may kakayahan
ang mga kandidato.
Bahagi rin ito ng kanilang paglilinis sa talaan ng kandidato
upang hind imaging katawa-tawa ang halalan sa Mayo 2013.
Sa nalalapit namang pag-urong ni Almera, tanging
sina Gob. Alvarado ng National Unity Party (NUP) ay indipendienteng si Balite
ang malalabi na kandidatong gobernandor
sa Bulacan.
Kaugnay nito,
ipinahayag ni Alvarado sa kanyang lingguhang programa sa Radyo Bulacan noong
Sabado ng umaga ang pakinabang ng kawalan ng malakas na katunggali sa halalan.
Sinabi niya na
higit niyang matututukan ang pamamahala sa lalawigan at pagapapatupad ng
ibat-ibang programa.
Ayon sa gobernador, karaniwang naiipit ang pamamahala sa
panahon ng halalan at nababawasan ng political will ang mga kandidato.
Ito ay dahil umiiwas ang mga kandidatong pulitiko na
madismaya ang mga botante.
“Pag halalan,
puro suyuan iyan para hindi magtampo ang mga botante,” ani ng gobernador.
Iginiit pa niya
na“biniyayaan tayo ngayon dahil halos ay walang kalaban kaya matututukan ang
mga problema ng lalawigan.”
Kabilang sa mga
programa nais niyang tutukan at ipagpatuloy ay ang pangangalaga sa kalikasan.
Dahil dito
inatasan niya si Eugenio Payongayong, ang bagong hepe ngBulacan Environement
and Natural Resources Office (Benro)tugisin ang mga pabrikang nagsasanhi ng
polusyon sa kailugan ng Bulacan.
Bukod rito,
iniatas din niya ang pagsasagawa ng malawakang pagtatanim ng punong bilang
bahagi ng Greening Program, at pagpapatupa dng batas sa pagsisinop ng basura at
batas sa pangangalaga ng tubig at hangin.
“Our efforts in rehabilitating the Marilao-Meycauayan rivers
will be useless kung walang parallel implementation of the law,” ani Alvarado.
No comments:
Post a Comment