MALOLOS--Nagpahayag ng suporta si Gob. Wilhelmino Alvarado sa mga programa ng
administrasyong Aquino sa paglilinis ng mga estero sa kalakhang Maynila sa
pamamagitan ng paglilipat ng mga iskwater.
Ito ay kaugnay ng moratorium sa Lungsod ng SJDM hinggil sa pagpapatigil sa pagpapatayo ng socialized housing.
Ayon sa gobernador, kahit may moratorium sa SJDM, may iba pang mga bayan
sa lalawigan na maaring pagtayuan ng mga socialized housing projects na
malilipatan ng mga iskwater.
Kabilang
dito ang mga bayan ng Pandi, Bustos, San Rafael, San Ildefonso at Norzagaray.
Sa
kabila naman ng pagbubukas ng ilang bayan para sa mga socialized housing,
iginiit ni Alvarado na dapat ay magkaroon ng tamang koordinasyon sa kanya at
maging sa mga punong bayan.
Bukod
rito, ipinaalala niya na anumang socialized housing project ang itayo sa ibang
bayan sa lalawigan, ito ay kailangan pa ring sumunod samga umiiral na land use
plan.
Idinagdag
paniya na bukod samga iskwater sa Maynila, mayroon ding mga iskwater sa
lalawigan ng Bulacan na dapat bigay ng marangal na tirahan sa mga mas ligtas na
lugar.
Ito
ay dahil sa ang mga Bulakenyong iskwater ay karaniwang nakatira sa mga gilid ng
ilog at sapa na natukoy bilang mga geo-hazard areas.
Isa
sa halimbawa ay ang may 6,000 iskwater sa SJDM, na ayon kay Ignacio ay
unti-unti na ring naililipat dahil ang 10 porsyento ng mga proyektong pabahay ay
ipinagkakaloob sa mga iskwater sa lungsod na ito.
Ang
lungsod ng SJDM ito ay sinasabing dating isang barangay lamang ng lungsod ng
Meycauayan, ngunit ito ang may pinakamataas na bilang ng populasyon sa
lalawigan ngayon.
Ito
ay dahil na rin sa mahigit 50 taong paglilipat ng mga iskwater sa kalakhang
Maynila patungo sa lungsod na ito.
Batay
sa mga tala, ang mga unang iskwater na inilipat sa SJDM ay ang mga
retiradong sundalong nakatira sa gilid ng Fort Bonifacio sa Taguig.
Ngunit
noong 1959 ay naapektuhan sila ng bahang hatid ng malakas na bagyo at inilipat
sa dating Haceinda Sapang Palay, sa silangang bahagi ng SJDM.
Nasundan
pa ito na mga sunod-sunod na maramihang paglilipat ng mga iskwater mula sa
Intramuros, Maynila noong Disyembre 3,1963.
Ito
ay matapos puwersahin ni dating Manila Mayor Antonio Villegas ang paglilipat ng
mga iskwater na sa Intramuros, sa pamamagitan ng pagbabaklas ng kanilang mga
barong-barong.
Ang
mga pamilya ng iskwater ay isinakay sa trak at inihatid sa Sapang Palay sa
kalagitnaan ng gabi.
Bukod
rito, sinasabi ng mga nakasama sa unang inihatid na ibinaba lang sila sa trak
at umalis, at wala pang bahay na nakatayo na malilipatan.
Ayon
kay Fr. Edward Kelly, isang pari nanagmula sa Ireland at naboluntaryong
magsagawa ng misyon sa Sapang Palay, umabot sa 20,000 pamilya ang nailipat sa
Sapang Palay sa pagitan ng Disyembre
1963 at Abril 1964.
Si
Kelly ay dumating sa bansa noong 1961, at nagsimula ng kanyang misyon sa Sapang
Palay noong Mayo 1964. Siya ay
kasalukuyang pa ring nakatira sa Sapang Palay. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment