Patuloy
pa rin ang pagpapatapon ng tubig ng dalawang dam sa Bulacan dahil na rin sa patuloy na
pag-ulan haqtid ng bagyong Maring.
Mula
kahapon ang Ipo dam ay nagpapakawala pa rin ng tubig ngayon sa lakas na 36.9cms
sa isang radial gate nito ng 0.2 meters.
Ang
water level ng Ipo dam ay 100.18meters sa spilling level nito na 101meters.
Tuloy
tuloy din sa pagpapakawala ang Bustos dam sa lakas na 96.88cms sa water
elevation na 17.50meters.
Umabot
na rin kasi sa over flowing level ang Bustos dam.
Ayon
kay Engr. Precioso Pangilinan, operations engineer ng National Irrigation
Administration, kailangan nilang magbawas ng tubig dahil sa malakas ang inflow
ng tubig mula sa Bayabas river.
Dagdag
pa daw dito ang pagpapatapon ng tubig mula sa ipo dam kayat kahapon pa lamang
ay nagbawas na sila ng tubig.
Ito
daw ay bahagi ng kanilang preemptive releasing upang maiwasan na maipunan sila
ng maraming tubig.
Kailangan
na rin daw kasing pangalagaan ang Bustos dam na may kahinaan na at nas estado
na kailangan na nito ng rehabilitasyon.
Paliwanag
ni Pangilinan na kapag umakyat kasi sa 18meters ang taas ng tubig sa Bustos dam
ay otomatikong bubukas ang dalawang rubber dam nito na magpapakawala ng
tig-500cms na siyang magpapabaha sa bayan ng Calumpit at Hagonoy.
Kayat
ngayon pa lamang aniya ay unti-unti na silang nagbabawas ng tubig upang
makayanan ng Angat river ang kanilang inilalabas na tubig.
Aniya,
inaasahan na sila ay magpapakawala ng tubig hanggang sa Miyerkules.
Sa ngayon
ay maliit lamang aniya ang kanilang inilalabas at hindi naman ito makakalikha
ng pagbaha ngunit sakaling lumakas pa ang ulan dito ay maoobliga na daw silang
maglakas ng ipinatatapong tubig.
Samantala, baha din sa ilang lugar sa Bulacan dahil sa patuloy na pag-ulan.
Lubog
sa baha ang Tikay Elementary school. Sa bukana pa lamang nito ay kita na ang
hanggang tuhod na lalim ng tubig.
Hanggang
tuhod din ang baha sa baranggay Sto Rosario, Caingin, Bagna, Matimbo at
Panasahan sa Malolos.
Lubog
din sa baha ang halos lahat ng baranggay sa Hagonoy dahil sa pag-ulan at high
tide.
Nasa
tatlo hanggang apat na talampakan ang lalim ng tubig ang ilang lugar sa
Hagonoy.
Pitong
bayan naman ang apektado din ng pag-ulan at high tide sa bayan ng Bulakan na
hanggang apat na talampakan din ang lalim ng tubig.
Ito
ay ang mga baranggay Bagong Bayan, San Nicolas, Taliptip, Perez, Bambang, Sta.
Ana at Sta. Inez.
No comments:
Post a Comment