HAGONOY,
Bulacan—Handang-handa ang paglaban sa kalamidad ang bagong tatag na rescue
group sa bayang ito na sa nagdaang dalawang taon ay sinalanta ng malawakang
pagbaha.
Ang bagong tatag na pangkat ay ang Voce of New Generation (VNG) Rescue 184 na binubuo ng 30 kasapi mula sa iba-ibang barangay ng bayang ito.
Ang
pangkat ay pinamumunuan ni 1Lt.Nelson Pangilinan ng Barangay San Sebastian sa
bayang ding ito.
Sa
panayam, sinabi ni Pangilinan na dumaan na sa ibat-ibang pagsasanay ang mga
kasapi ng VNG Rescue 184 na isang sangay ng katulad na pangkat na nakabase sa
Estados Unidos.
Kabilang
sa mga pagsasanay na kanilang pinagdaanaan ay ang water safety and rescue, first
aid at iba sa pamamagitan ng Special Forece Batalliong Philippine Army na
nakabase sa Barangay Iba-ibayo sa bayang ito.
Ayon
kay Pangilinan,bukod sa pagtugon sa pangangailangan sa panahonng kalamidad,ang
VNG Rescue 184 ay nagsasagawa rin mga pansibikong gawain tulad medical at
dental mission.
Sa
kasalukuyan ang pangkat at nag-iipon ng kanilang mga gamit tuladng bangka, mga
floating vest at mga first aid kits na gagamitin sa panahon ng pagsaklolo.
Ang
VNG Rescue 184 ay dumalaw na sa tanggapan ni Mayor Raulito Manlapaz noong Hulyo
15 kasama sina Brigadier General Quirino Calonzo ng Armed Forces of the
Philippines Reserved Command (AFPRescom) at Col. Virgilio Garcia na kapwa rin
nagmula sa bayang ito.
Si
Calonzo ay nagmula sa Barangay Carillo at si Garcia ay nagmula sa Barangay San
Sebastian.
Ayon
kay Pangilinan, suportado ng dalawang mataas na opisyal ang VNG Rescue 184
hindi lamang dahil sa sila ay nagmula sa bayang ito kundi dahil sa ang mga
kasapi ng pangkat ay pawang mga kasapi ng AFP Rescom.
Bukod
pa rito, sinabi ng dalawang opisyal na nais nilang tumulong anumang oras na
magkaroon ng kalamidad sa bayan ng Hagonoy. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment