Mga kasapi ng AFPRescom habang nagbabakuna sa aso Hagonoy. DB |
LUNGSOD
NG MALOLOS, Bulacan, Humigit kumulang 100,000 aso’t pusa ang target mabakunahan
ng Provincial Veterinary Office (PVO) ngayong summer kontra rabis.
Sinabi
ni Provincial Veterinarian Voltaire Basinang na kasabay ng kanilang pagbisita
sa mga barangay upang magbakuna ay nagsasagawa na rin sila ng information,
education and communication drive; libreng konsultasyon; libreng pagkakapon o
kastrasyon; at libreng neutering, deworming at mange treatment.
Sinimulan
ng PVO ang pagbabakuna sa mga barangay sa lungsod ng San Jose del Monte na
siyang nagtala ng pinakamataas na animal bite cases sa Bulacan noong nakaraang
taon.
Ito
ay sinundan ng mga barangay sa Calumpit, Norzagaray, Angat, Guiguinto, Santa
Maria, San Miguel at Balagtas.
Samantala,
nakatakda ang libreng pagbabakuna sa lungsod ng Meycauayan sa Marso 20;
Bulakan- Marso 21; lungsod ng Malolos- Marso 25; barangay Tabe, Malis,
Ilang-Ilang at Tiaong, Guiguinto sa Marso 26; Obando sa Marso 27; Hagonoy sa
Marso 28; Paombong sa Abril 1; Hagonoy sa Abril 3; at Pandi, Norzagaray, Santa
Maria, Guiguinto at Hagonoy sa Abril 4.
Ang
rabis ay isang nakamamatay na viral infection na kumakalat sa pamamagitan ng
laway ng mga hayop na infected at pumapasok sa katawan kapag nakagat o kaya ay
sa bukas na sugat.
Noong
2013, 13 tao ang kumpirmadong namatay sa probinsya sanhi nito. (CLJD/VFC-PIA 3)
No comments:
Post a Comment