LUNGSOD NG MALOLOS—Ligtas pa rin ang mga dam sa Gitnang Luzon matapos yumanig ang isang lindol na may lakas na magnitude 5.4 noong Huwebes, Abril 4 na tumama sa Baler, Aurora.
Ngunit
ipinayo ni Inhinyero Roderick Dela Cruz na kailangang magsagawa ng pagbabantay
at pagsusuri sa mga dam upang matiyak ang katatagan ng mga ito.
Sa
kanyang presentasyon noong araw ding iyon sa mga opisyal ng Kapitolyo, National
Power Corporation (Napocor) at Metropolitan Waterworks and Sewerage System
(MWSS), sinabi ng dam safety expert na sa Amerika, kapag lumindol ng mas
malakas sa magnitude 5, agad silang nagsasagawa ng mga pagsusuri.
Ito
ay dahil sa iyon ang itinatakda ng kanilang batas at pamantayan sa pamamahala
sa mga dam.
“We
want to be sure of the safety of our facilities,” ani Dela Cruz sa
pagsisimumula ng kanyang presentasyon mahigit isang oras matapos lumindol.
Bilang
isang lead dam safety engineer ng Southern California Edison (SCE), si Dela
Cruz ay namamahala sa 82 naglalakihang dam na ang mga edad ay nasa pagitan ng
80 hanggang 100 taon.
Inihayag
niya na ang mga kritikal na istraktura ng dam na dapat suriin matapos ang
lindol ay ang dike, spillway at iba pang bahagi.
Ito
ay upang matukoy kung may naiwang pinsala ang lindol, maliit man o malaki.
Ayon
kay Dela Cruz, ang regular na pagsusuri sa mga istraktura ng dam ay isa sa mga
benepisyong pagkakaroon ng isang national dam safety law na itinakda ng
pamahalaang pederal at estado ng Amerika.
Sa
Pilipinas,nagpahayag siya ng kalungkutan na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa
ring national dam safety law.
Binigyang
diin pa niya ang kalagayang ibat-ibang pangkat ang namamahala sa mga dam sa
bansa.
“There
are many stakeholders in dam operations in the Philippines, but there is no
single office that monitors the dams because there is no law on dam safety,”
ani Dela Cruz.
Nagpahayag
din siya ng kalungkutan na sa kasalukuyan ay natutulog sa Kongreso ang
panukalang batas para sa national dam safety program.
Kaugnay
nito, tiniyak ng Napocor na nananatiling matatag ang Angat Dam sa bayan ng
Norzagaray matapos ang lindol noong Abril 4.
“Hindi
naman masyadong naramdaman dito,” sabi ni Inihinyero Rodolfo German, ang
general manager ng Angat River Hydroelectric Power Plant (Arhepp).
Iginiit
pa ni German na ang karaniwang nagsasagawa ng pagsusuri sa Angat Dam ay ang
Napocor Dams and Waterways division kasama ang mga kinatawan ng Philippine
Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Gayunpaman,
hindi masagot ni German ang katanungan kung agarang nagsagawa ng pagsusuri sa
Angat dam ang Napocor at ang Phivolcs matapos ang lindol.
Ang
Angat Dam ay itinayo at sinimulang gamitin 43 taon na ang nakakaraan.
Ito
ay napipintong isailalim sa kauna-unahang rehabilitasyon matapos matukoy sa mga
pag-aaral na ang dike ng dam ay nakatayo di kalayuan sa splay o sanga ng
Marikina West Valley Faultline.
Ayon
sa Philvolcs, ang nasabing faultline ay gumagalaw sa pagitan ng 200 at 400
taon. Sa kasalukuyan, natapos na ang 200 taon ng di paggalaw ng faultline.
Ito
ay nangangahulugan na anumang oras ay maaaring gumalaw at lumikha ng lindol na
may lakas na magnitude 7.2 ang faultline. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment