LUNGSOD
NG MALOLOS, Bulacan-- Inilinya na ng pambansang pamahalaan
sa susunod na taon ang pagpapatibay sa tatlong dam ng Bulacan-Angat,
Bustos, at Bulo.
Sa
isang panayam, sinabi ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado na unang patitibayin
ang Angat na siyang nagsusuplay ng 95 porsyento ng tubig at kuryente sa
kalakhang Maynila.
Matatandaan
na nirekomenda ng Tonkin & Taylor na kinakailangan nang mas patatagin
at mas tumibay pa ang istraktura dahil ito ay nakatayo sa gilid ng West Marikina
Valley Fault .
Tinatayang
aabot sa hanggang sa limang bilyong piso ang kabuuang halaga ng
rehabilitasyon
na katumbas ng dalawang financial package. Shane Frias Velasco, PIA 3
No comments:
Post a Comment